Ayen's Point of View
" Okay class, before we end our discussion for today, mayroon akong isang magandang balita sa inyo. Our school head, Ms. Aravellas told me that you, Ms. Ayen Dizon will transfer to St. Patrick's Academy. "- Ms. Stella Ortiz
Teka!? Pangalan ko ba yung sinabi nya?!
" HA?! Ako po? Pero wala po akong pangtustos sa pag aaral ko kapag dun ako pumasok!"
Napatayo ako sa sinabi ni Ms. Stella
" Dito pa nga lang po, halos wala na kong maipangbayad sa tuition fee eh! "
" Wala nang pero pero. Come with me. Sumama ka sakin sa Administrator's office. "
***
Ayen Alora Dizon. Labinlimang taong gulang. Matapang, madiskarte, matalino at kapos na kapos sa pera. Mga magulang? Ewan? Wala na sila. Sabi nang nag ampon sakin, mga tatlong taon pa lang ako nung nakita nila ko na pagala gala sa kalsada. Umiiyak, puro dugo ang damit. Akala ko sa nababasang libro at napapanood sa T.V. lang may ganyang pangyayari. Ah basta!
Ayun. Natransfer ako sa St. Patrick's Academy. Sa paaralan ng mayayaman. Hindi ko alam kung pano ko makikipagsapalaran sa bagong mundong papasukin ko.
BINABASA MO ANG
Hey! Ms. Transferee
Teen FictionMeet Ayen. 4th year high school student sa Parang State University. Pinagkaitan ng kayamanan pero sagad sa katalinuhan. Pero dahil sa isang tao, natransfer sya from PSU to St. Patrick's Academy. Magbabago kaya ang buhay at ang buhay pag ibig nya?