Chapter 4

64 1 2
                                    

Charles

"Class before we start, I would like to introduce you the new trasferee in your section. Miss Dizon, please come in."

Psh. Nakakatamad na araw nanaman. Eto nanaman ako. Nakadukmo sa desk. Pinipilit matulog.

"Ms. Dizon, I said come in."

Mukhang di sya pinapansin nung trasferee na yun. Di ko yata gusto ugali nito.

Pero nagulat ako nung pumasok sya. At pamilyar yung mukha nya!

"Okay class. This is Ayen A-- 

Sya nga! Yung babae kanina! Napabalikwas ako bigla!

"IKAW!!?" 

FLASHBACK

"Charles!" Napalingon ako sa likod ko. "Matatapunan ka!" 

*BOOOGSH. SPLASH*

May sumigaw sakin pero huli na! Yung uniform ko natapunan ng lemon juice!

"Ay! Ano ba yan!"

"Ay! Ang tanga ko! Kuya sorry!

Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ko yung uniform ko. Di ko pinapansin yung nakatapon sakin. I'm afraid that she's a flirt. Tingin ko may bago nanaman silang gimik para mapansin ko.

"Kuya sorry ha? Ito na lang ipamunas mo."

Hindi ko pa din sya pinapansin.

Nung medyo natuyo na yung damit ko, nilingon ko na sya. Parang bago ang isang to. Ang amo ng mukha nya. She's like. Ugh. Nevermind. Pero nawala lahat ng inis ko. Akala ko kanina, flirt sya. Pero mukhang di nya ugali yun. Kaya nginitian ko na sya. 

"Kuya sorry ulit. Eto oh, ipamunas mo pa dyan sa uniform mo." 

Inabot nya sakin yung pano nya.

"No. It's ok. Kaya ko na 'to."

Tipid na sagot ko. Tapos nginitian ko ulit sya. Para namang namula yung mukha nya.

"Kanina pa kita napapansin na tanong ng tanong sa mga istudyante dito ha?"

"Ah, eh hinahanap ko kasi yung admin's office."

"Ahh, yun lang ba? Tara. Sasamahan na lang kita."

Nung nahatid ko na sya, dumiretso na 'ko sa private room namin. Nagpalit ako ng uniform. Tapos paglabas ko,

"Good Morning Charles!" Bati sakin nung mga babaeng halos ilibing na sa kapal ng make up. Hindi ko na lang sila pinansin.

Ganito 'ko araw araw. Ganto palagi yung nakakasalamuha ko. Sa labas at loob ng paaralan. Mga babaeng mayaman, maganda, mataas ang kalidad, maganda ang estado ng buhay. Pero pare-pareho sila. Mga maarte. Even the girl I loved before. Minsan nga, ang tingin ko sa lahat ng babae eh, kaladkarin. Alam nyo na ibig sabihin ko.

Pero lahat nang yun nagbago. Nung nakilala ko yung babae kanina. Sandali! Di ko pa pala sya kilala! Tss. Late na ko.

END OF FLASHBACK

Akalain mong makakaklase ko pa pala sya. Swerte!

"Mr. Cervantes. Will you please sit down!?"

"Miss Dizon, please introduce yourself"

"P..po?"

Teka? Nashock ba sya dahil nandito ko? Pero parang nahihiya sya eh. Hayaan na nga.

"I said introduce yourself"

"A..ah I'm A..ayen Alora Di...dizon. I'm from P..parang State Uni..versity"

Ayen. Ayen ang pangalan nya. Ang ganda. Bagay na bagay sa kanya.

"Ha? Galing sya sa public school?"

"Oo nga eh. Balita ko pagdating nya dito, nakita sya na kausap si Prince Charles. Parang nilalandi nya."

"Mga ugaling public school talaga"

Dinig na dinig ko yung mga bulungan nila. Tingin ko naririnig din ni Ayen yun dahil nakayuko na lang sya. Pati din kasi ako, nagulat na sa Public school sya nanggaling.

"Class! Stop it!"

Galit na galit na si ma'am pero wala ni isa mang tumigli sa kanila. Maski ako inis na inis na sa naririnig ko. Kaya di ko na nakontrol yung sarili ko. Tumayo ako at

"Hoy! Itigil nyo nga yang mga tsismisan nyo! If you don't shut your mouth, sisiguraduhin kong ngayon pa lang, mapapatalsik na kayo sa eskwelahang 'to!!"

Pagkasigaw ko nun, lahat naman sila nagsitigil. Parang mas takot pa sila sakin kaysa sa teacher namin. Aba! Dapat lang na matakot sila. Anak ako ng may-ari ng eskwelahang pinag aaralan nila.

"Ms. Ayen, please take your seat. Wala nang bakanteng upuan kaya dun ka na lang muna sa likod. Sa tabi ni Mr. Joel"

"Okay ma'am."

Bakas sa mukha nya yung pagkahiya. Nakakaawa sya. Gusto ko syang yakapin

Sandali! Saan sya uupo? Hindi pwede 'to!

"Okay class, let's start."

"Ah, ma'am!!"

Hindi pwedeng di ko makatabi si Ayen. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin. Love at first sight ba 'to? Tss. Para naman na kong tanga.

"What Mr. Cervantes!"

"Uhhm ma'am, can I change seats with Joel?"

***

Ayen

WHAT!!

"Oh. I see. Okay. Joel, can you change seats with Mr. Cervantes?"

Ano ba naman 'tong teacher na 'to? Supportive. 

"Ok,"

Bakit naman gusto makipagpalit ni Mr. Natapunan ko ng lemon juice kanina? Sisingilin nya ba ko? Naku. Wala akong ibabayad sa kanya.

"Hi Ayen! Ayen pala ang pangalan mo. Hindi ko na natanong kanina."

Nandito na pala sya sa tabi ko.

"Hi Almo! Sorry ulit ha?" 

Oo. Medyo close na kami. May isa pa palang tao na mabait dito.

Tapos parang sumama yung mukha nya. Bakit naman?

"ALMO?"

"Almo. Ibig sabihin nun, famous. Sikat ka kasi dito eh."

"Ahh. So, I'm Charles Lunomy Cervantes."

Sabay abot ng kamay nya sakin. Hinawakan ko din yung kamay nya, nagpakilala ulit ako tapos nagshake hands kami.

"And yeah. Sikat kami dito. Pero ayoko."

"Anong kay--

"Ms. Dizon! Mr. Cervantes! Stop talking!"

Di ko na natuloy yung tanong ko. Napatigil ako nung sinigawan kami nung teacher.

Binigyan ko na lang si Charles ng mamaya-na-lang-tayo-mag-usap na senyas.

***

A/N: Hi! Haha. First story ko po 'to. Suportahan nyo ha? 

Add me on facebook -> https://www.facebook.com/leggo2

Follow me on twitter @errolcndelariaa

Thank you!

Vote.Comment.Fan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey! Ms. TransfereeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon