" Ms. Dizon, hindi mo pwedeng tanggihan na lumipat sa St. Patrick's, "
" Pero Ms. Aravellas, wala po akong pantustos sa pag aaral ko kung dun ako mag aaral, "
" Sandali! Did Ms. Stella told you about the scholarship? "
Para naman akong nanlamig sa kinauupuan ko
" Scholarship? " - Ako
" Oo. Meron kang scholarship. Maraming istudyanteng hindi nakakaalam na si Mr. Henry Cervantes, ang may-ari ng St. Patrick's Academy ay may ownership dito sa Parang State University. "
" Talaga po?! "
" Oo Ms. Dizon. He saw your records and he's pleased on your performances. So he granted you a full scholarship at St. Patrick's Academy. Kaya ang poproblemahin mo na lang eh ang pagkain mo. Sagot na nila ang uniform, gamit, even the school tours sagot na nila. "
" WAAAAAAH!! Totoo po ba yan?! Kelan po --"
" Kaya Ms. Ayen, you should be thankful. Sa dinami dami ng istudyante dito sa Parang State University ikaw ang napili ni Mr. Henry. " - Ms. Aravellas
" Ok. Thank you ma'am. " - Ako
" Sige. Ayusin mo na lahat ng dapat mong ayusin. Lilipat ka na dun starting on Monday. " - Ms. Aravellas
" Yes ma'am. Mauna na po ako. Salamat po. "
***
" Ayeeeeeeeeeeen!!! " - Avy
" Ano ba? Magkatabi lang tayo o, " - Ako
" Ayen, oo nga pala aalis ka na dito. Last day mo na. Sana wag mo ko kalimutan! " - Avy
" Ano ka ba? Pano kita makakalimutan eh ikaw lang kaibigan ko dito, "
" Ikamusta mo na lang ako sa magiging syota mo dun ha? "
" Naku! Batukan kaya kita? Hinding hindi ako maiinlove dun. Hinding hindi. "
" Haha! Tara na nga. Late na tayo. " - Avy
" Oo nga no? Tara na. "
Minamalas ka nga naman oh! Habang naglalakad kami ni Avy papunta sa room, nakasalubong naman namin to'ng halimaw na si Gabbie. Mortal enemy na kung matatawag. Spoiled bratt na walang ginawa kundi guluhin ang buhay ko dahil di nya ko matalo sa pagiging top 1 sa klase. Mayaman naman sila pero bakit dito sa isang public school sya nag aaral? Ah ewan.
" Nabalitaan ko na aalis ka na pala dito " - Gabbie
" Ah, eh. Oo. Last day ko na nga eh. " - Ako
" Mabuti naman. "
Ayoko na ng gulo kaya tumalikod na lang kami ni Avy sa kanya.
" P-pero Ayen, " - Gabbie
Lumingon ulit kami sa kanya. Paglingon ko, sabay takbo nya sakin tsaka sya biglang yumakap sakin.
" Ayen, gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Aaminin ko, nung nabalitaan kong aalis ka na dito, naging masaya ako. Pero bigla din akong nalungkot dahil wala na kong kakalabanin. Wala na kong aasarin. Pero Ayen, sana maging masaya ka sa bagong eskwelahan na papasukan mo. Wag kang mag alala. Ako na ang magiging kaibigan ni Avy pag nawala ka na. " - Gabbie
Hindi ko alam pero biglang tumulo yung luha ko. Ewan ko kung bakit. Kasi sa huling araw ko dito sa paaralang 'to, nakahanap ako ng isa pang kaibigan.
" Pinapatawad na kita Gabbie, " - Ako
" Talaga? - Gabbie
" Oo. Pero ang OA mo. Di naman ako mawawala eh. Lilipat lang ako. Di naman ako mamamatay! "
" Sorry naman. Haha. Pano ba yan. Friends? - Gabbie sabay abot ng kamay sakin para makipag shakehands
" Friends" - Ako
" Hahaha! Tama na yang iyakan nyong dalawa. Group hug nga! " - Avy
At yun na nga. Sabay sabay na kaming pumasok sa room

BINABASA MO ANG
Hey! Ms. Transferee
أدب المراهقينMeet Ayen. 4th year high school student sa Parang State University. Pinagkaitan ng kayamanan pero sagad sa katalinuhan. Pero dahil sa isang tao, natransfer sya from PSU to St. Patrick's Academy. Magbabago kaya ang buhay at ang buhay pag ibig nya?