Sobrang bilis talaga ng araw. Eto na. Nandito na ko sa St. Patrick's. Kinakabahan ako. Wala akong kakilala. Bagong mga mukha. Bagong ugaling pakikisamahan.
Ang laki ng eskwelahang 'to. Saan kaya ako magsisimula?
" Ah, miss pwedeng magtanong? " - Tanong ko sa babaeng mukhang coloring book ang mukha. Estudyante ba to dito o nagpa-part time job sa carnibal??
" What? Are you talking to me?! " - Sagot nya na galit na galit.
Ano ba naman tong mga tao dito!
" Opo. Saan po yung Room 4A? "
" How dare you to talk to me like dat? Are you a newbie over here? How thick your face is like you talk to me like i'm a map? Do you not know about me? Like I'm famous here. Owmygad like you harassing me! " - Babaeng coloring book
" Ah eh thank you na lang " - Sabi ko sa kanya sabay talikod.
" Hey you! You come back here! How dare you to talk back me! Like you don't knowing me-- "
Di ko na narinig yung mga pinagsasabi nya. Tumakbo na ko. Magnonosebleed ata ako. >.<"
" Ate pwedeng magtanong? " - Tanong ko sa isang babaeng mukang mabait naman
" No " - Sagot nya sabay talikod.
" Hello, pwedeng magtanong? ^^ "
" Yes. But NO! "
Ang sungit!
" Hi po, pwedeng magtanong? "
" Sure"
Mukang nakatagpo na yata ako ng matinong estudyante dito ha?
" San po yung Room 4A? "
" In my pocket. " - Sagot nya sabay takbo.
Kailangan yata, english speaking dito eh.
" Hi there, can I ask you a question? "
" Yes. What is it? "
" Can I ask where Room 4A is? "
" Oh. You go left, then turn around and go to right, then go back then run and turn left and turn right. And there you can find the room you are searching. Bye, "
" Thank you! "
Teka? Ano ulit yung sinabi nya? Haay! Napagtripan nanaman ako dito!
Wala na nga talaga akong mapapagtanungnang matino dito. Pero sa kakalakad ko, natagpuan ko yung caffeteria. Gutom na gutom na ko, pero trenta pesos na lang tong pera ko. Haay, bibili na lang ako ng maiinom.
" Ate, isa pong lemon juice. "
" Eto oh, "
" Magkano po? "
" 25 "
HAAA!? Isang basong juice lang to! Pero nakakahiya naman kung ipapabalik ko pa yung juice na nailagay na nya sa cup. No choice.
" Eto po "
Hahanapin ko na lang yung Principal's office. Teka, nagv-vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa nang hindi tumitingin sa dinadaanan.
***
Ayen's Point of View
" Class, before we start, I would like to introduce you the new transferee in you're section. Miss Dizon, please come in. "
DUG DUG...... DUG DUG..... DUG DUG......
Bakit parang kinakabahan ako?
" Ms. Dizon, I said come in. "
Para naman akong nagising sa pagtawag sakin na yun. Tapos pagpasok ko.
" Okay class. This is Ayen A--
Naputol yung sinasabi nung teacher nang may tumayong lalaki sa inuupuan nya tapos sumigaw ng
" IKAW!!!!??? " -
BINABASA MO ANG
Hey! Ms. Transferee
Fiksi RemajaMeet Ayen. 4th year high school student sa Parang State University. Pinagkaitan ng kayamanan pero sagad sa katalinuhan. Pero dahil sa isang tao, natransfer sya from PSU to St. Patrick's Academy. Magbabago kaya ang buhay at ang buhay pag ibig nya?