"IKAW!!?"
Paglingon ko sa nagsalita, napanganga ako sa nakita ko. Literal na napanganga.
FLASHBACK
Teka, nagvibrate yung cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko nang hindi nakatingin sa dinadaanan.
*BOOOGSH. SPLASH*
"Ay! Ano ba yan!"
"Ay! Ang tanga ko! Kuya! Sorry,"
Nabangga ko kasi sya. At.. At.. Natapunan ko ng lemon juice yung damit nya!! Patay nanaman ako. First day na first day ko dito mukhang mapapaaway agad ako.
Kumuha sya ng panyo tapos pinunasan yung natapunan sa damit nya.
"Kuya sorry ha? Ito na lang ipamunas mo."
Di pa rin sya tumitingin sa'kin
Pero nung pagtingala nya, mukhang di naman sya nagalit. Haaay, mukhang mabait ang isang to ah? At ang cute nya
"Kuya sorry ulit. Eto oh, pamunas mo na lang sa uniform mo."
"No. It's ok. Kaya ko na 'to."
Tapos ngumiti sya. Ewan ko pero parang nag-init yung mukha ko.
"Kanina pa kita napapansin na tanong nang tanong sa mga istudyante dito ha?"
Nagulat ako nung nagtanong sya. Pero teka? Ano yung sabi nya? Kanina pa nya ko napapansin? Ano ba yan! Ayen! Nandito ka para mag-aral okay?
"Ah, eh hinahanap ko kasi yung admin's office."
"Ahh, yun lang ba? Tara. Sasamahan na lang kita."
End of Flashback
"Mr. Cervantes. Will you please sit down!?"
Nakakatakot 'tong teacher na to
"Ms. Dizon. Please introduce yourself."
"P..po?"
"I said introduce yourself"
Kinakabahan ako! Pano ba to? Parang simpleng pagpapakilala lang naman eh. Pero natatakot ako. Pano kung pagtawanan nila ko?
"A..ah I'm A..ayen Alora Di...dizon. I'm from P..parang State Uni..versity"
"Ha? Galing sya sa public school?"
"Oo nga eh. Balita ko pagdating nya dito, nakita sya na kausap si Prince Charles. Parang nilalandi nya."
"Mga ugaling public school talaga"
Para kong iniitak sa mga naririnig ko. Sabi ko na eh. Buti na lang napaghandaan ko to. Kundi kanina pa nangingilid yung luha ko. Ganito ba talaga dito? Parang gusto ko nang bumalik sa public school na pinag aaralan ko dati. At least doon, kahit isa lang yung kaibigan ko, wala namang mga matapobre gaya dito.
"Class! Stop it!"
Sigaw na nung teacher namin. Pero parang sarado na yung mga tenga nila na makarinig ng iba pwera lang sa mga "bulung bulungan" nila. Para na kong nilalamon ng lupa dito sa harapan. Buti pa nga sana lamunin na ko ng lupa eh
"Hoy! Itigil nyo nga yang mga tsismisan nyo! If you don't shut your mouth, sisiguraduhin kong ngayon pa lang, mapapatalsik na kayo sa eskwelahang 'to!!"
At para namang may dumaan na anghel at natigil yung "BULUNGAN" nila.
Nagulat ako sa sinabi nya. Yung lalaking nabunggo ko kanina. Teka! Hindi ko pa pala alam yung pangalan nya!
"Ms. Ayen, please take your seat. Wala nang bakanteng upuan kaya dun ka na lang muna sa likod. Sa tabi ni Mr. Joel"
"Okay ma'am."
Buti na lang dito ko sa likod sa tabi ng bintana. Dito naman talaga ko nababagay. Sa likod kung saan ako nakakapagtago sa mapang-husgang mata nila.
"Okay class, let's start."
"Ah, ma'am!!"
Sigaw ni kuya na natapunan ko ng lemon juice
"What Mr. Cervantes!"
"Uhhm ma'am, can I change seats with Joel?"
WHAT!!
![](https://img.wattpad.com/cover/10423756-288-k396317.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey! Ms. Transferee
Genç KurguMeet Ayen. 4th year high school student sa Parang State University. Pinagkaitan ng kayamanan pero sagad sa katalinuhan. Pero dahil sa isang tao, natransfer sya from PSU to St. Patrick's Academy. Magbabago kaya ang buhay at ang buhay pag ibig nya?