3rd

15 4 6
                                    


JAM

"Hija, Ano ng kokonen mo?"

Napadilat at napalayo kami ni Alex ng biglang may nagsalita

Sabay namin itong tinignan at agad din akong tumayo para ibigay yung ipapagawa ko.

Hay Nakoo!! ./. Halik na eh! Naging jumpsuit pa

Anak ng jumpsuit naman oh!

"Eto po royal blue yung color then silver linig sa waist sana."

"O sege, sandalet sokatan keta"

Sagot nito habang nakatingin lang sa damit  at papunta sa makinarya

Matanda na si Manang Aning, mga around 78-80 years old.

Simula ng sumali ako sa mga pageant, dito na ako nagpagawa ng damit

At ang nakakatuwa pa, ang bilis nyang manahi..

Partida wala pang salamin

Nakatayo pa rin ako sa harap ng makinarya ni Manang Aning at inaantay syang sukatan ako

Tumingin ako kay Alex at nakita kong tinitignan din nya ko

Sabay kaming napaiwas ng tingin

A.W.K.W.A.R.D.

"Hija, tomalekod ka"

Sabi ni Manang Aning habang hawak hawak ang medida at notebook nya.

Tumalikod ako gaya ng sinasabi nya kaya ngayon eh, kaharap ko na si Alex

Hindi ako makatingin sa kanya

"Sholders 17. Slibs 30. Ches 38. Weys 26. Hips 31. Legs Lent 44. Legs Wid 23"

Makalipas ng ilang minuto, natapos na akong sukatan at ngayon ay ibinabalik na nya ang notebook at medida sa makinarya

At dahil mukha akong tanga at kanina pa nalatayo ay nagpasya na akong umupo.

Kaya lang takte! Tinamaan ako ng hiya!

"Wag kang mahiya, maupo ka na"

Matawa-tawang sabi ng katabi ko.

Naupo ako at medyo dumistansya

Bigla na lang syang dikit at inakbayan ako

"Ikaw ba talaga yan? Bakit parang naiilang ka?"

Sabi nito

Wag mo kong gisahin >.< Leche ka

"Hindi ah."

I defended.. Hindi naman talaga eh

"Bakit umiiwas ka?"

Panlalaglag nito

Sherwin Alexander talaga bang balak mo akong paaminin?!

"Oo na! Hindi naman ako nakakapaglihim sayo eh"

I admitted with all my lies.

Niyakap nya ako them kissed my forehead

Forehead?

"Charizma Jamary you are my bestest best friend.. Walang malisya yun"

Yun na nga eh walang malisya sayo yun kaya mas mukha akong tanga sayo

Leche!

Palabas na sana kami ng shop ng bigla akong tawagin ni Manang Aning

"Ah hija, pangalan mo nga olet?"

"Jam po."

"Apelido?"

Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Alex

"Jamary Rivera po"

Sabi nya habang nakatingin sa labas

Tumingin ako sa kanya at sa tinitignan nya..

And right on cue, biglang pumasok sa pintuan ng shop si
.
.
.
Si Anielle

"Opo! Jamary Rivera"

Hinalikan ako bigla ni Alex

A quick FAKE kiss on my lips.

Sa harap ni Anielle

"Tara na babe!"

Sabi nito sabay akbay at dali-dali na kaming umalis.

.
.
.
.
.

WHAT WAS GOING ON ??

One Sided LoveWhere stories live. Discover now