Umayos ako ng upo habang inaantay si Alex na um-order ng pagkain.
My gosh! Ang landi ni baklang kahera! Tinititigan ko palang mula dito eh halatang may crush sya kay Alex.
Di ka type nyan teh!
Nanahimik na lang ako nang may marealize.
Hindi nga kasi kami okay?
Maya-maya pa'y may dala na si Alex na t-bone steak at naupo sa harapan ko
Makakain na nga lang.
"Pero seryoso, kinabahan talaga ako kanina, nung nag collapse ka, binuhat kita tapos nararamdaman kong may lumalabas na luha sa mga mata ko. Alam mo yung kahit na alam mo na yung gagawin, pero pag dumating yung mismong pagkakataon para kang na blanko."
He said with all his seriousness
Nag init ang mukha ko. Please wag kang mag b blush.
"Aminin mo, natatakot kang mawala ako"
Hindi naman sa feel na feel ko yun pero ang ganda lang kasi sa pakiramdam.
Kasi kahit papaano may care pa rin talaga sya sa best friend nya.
Lumipat sya ng upuan sa tabi ko at niyakap ako.
"Mahal na mahal kita bespren. Wag kang mawawala ha?"
Mahal? Bilang kaibigan.
"Tama na nga " Humiwalay ako sa yakap.
Inilabas ko yung cellphone ko at nagpicture kami.
"Wag mong i u-upload yan ha?"
Hindi ko sya sinagot."Ako mag u-upload."
-----------
Makalipas ng ilang pag iikot at pagtingin ng mga damit ay umalis na din kami.
Sabi nya sa bahay na lang daw muna kami para makapag pahinga ako. Kaya bumili na lang kami ng mga cd at snacks na pwedeng sa bahay kaninin.
"Manong magkano ho?" tanong ko sa driver ng taxi na sinasakyan namin. "290 po ma'am"
Napatingin si Alex habang nakatingin sa aking kumukuha ng wallet sa bag.
"Tara na."
Nauna syang bumaba at pinagbuksan ako.
My gentleman bestfriend
"Anong nakain mo at nanlibre ka?""Ikaw kasi ang manlilibre ng frappe ngayon"
Hinatak ko na sya sa cafe na malapit sa pinagbabaan sa amin ng driver.
Sinamaan nya akong tingin. Belattt!
"Yun pa rin?" tanong nito habang nakatingin sa menu na nasa counter.
Tumango na lang ako at umupo na sa take out waiting area, baka ako pa pagbayarin eh
"Sir?" pagtawag sa kanya ng babae sa counter.
"May sasabihin ako sayo mamaya"Bulong nya at tsaka dumiretso sa counter para umorder.
"Sir dine in po ba?"
Pasagot na sana si Alex sa nag b blush na kahera pero may dinagdag pa si ateng malandi.
"Or do you want to take me out?"
"Miss? Hindi kita gusto okay?"
Pag diretsa ni Alex dito. Its my turn
Naglakad ako palapit at inakbayan nya naman ako
"Mahal. Namiss mo naman ako agad."
"Wag ka ngang feelingero " I said with my malanding tone.
"May sasabihin ako sayo mamaya ah"Kumindat sya.
Bad trip na inabot ng kahera yung inorder namin. Pfftt.. Wala ka pala eh.
Nag holding hands kami sa harap nito
"Hindi mo ko namiss pero namiss kita"
Sabi nito. Magaling din pala syang umarte."Sorry naaa" I hugged him at unalis na din kami agad.
Baka mamatay pa si ate sa selos.
"Artista ka talaga bespren!" matawa tawang sabi nito pagkalabas namin ng cafe.
Oo bespren artista ako. Ang galing ko kasing magpanggap
Magpanggap na hindi ako nasasaktan
----------------------------
A/N
Hi sa mga may kakilalang Josephians! Your author is running for SCHOOL COORDINATING BODY so please kung may mga kakilala kayong nag aaral sa St Joseph School helooooo hahaha for President po. Yun lang hahaha
YOU ARE READING
One Sided Love
General FictionSabi nila 20% out of 100% lang ang mga taobg nakakahanap agad ng THE ONE nila 20% naman ang niloloko ng hindi nila nalalaman 30% ang mga nagloloko na lang dahil sa sakit na naramdaman nila sa nakaraan at 40% naman dito ang mga ONE SIDED LOVE o yung...