6th

5 1 0
                                    

At ayun na nga, no choice akong dito muna tumira kina Alex habang si April ay nandun sa mga ninong nya.

I've never dreamed of this..

I never dream na someday makikitira ako..

I never dream na someday para kaming magasawa that lives in only one roof.

Malungkot ako dahil umalis kami sa bahay namin, but in some ways, masaya din

"Alex?"

"Ayain mo ng maghapunan si Charizma"

Utos ni tita kay Alex.

"Oy Panget! Kumain ka daw"

Sigaw ni Alex

Binato ko nga ng unan dito sa sofa.

"Naku tita hindi na po! Tapos na po kaming kumain kanina ."

"Oh sige hija, pero kung nagugutom ka bumaba ka dito ha."

" Opo, sige po tita, akyat na po ako"

Pagpapaalam ko at sinamahan na ako ni Alex sa kwarto nya para makapag ayos ng gamit.

"Okay ka lang? "

Tanong nya.

Napayakap na lang ako at napahagulgol ng iyak

"Thank you talaga ah. I love you bespren ko"

"Shh.. Wag mo nga sabihin yan baka isipin ko crush mo ko"

Natigilan ako sa sinabi nya

"Tangina! Wag kang feelingero"

Sabi ko sabay suntok sa braso nya .

Matapos naming ayusin ang mga gamit ko sa cabinet nya ay nahiga na rin kami.

"Oh?? Ano yan??"

Tanong ko ng mapansin kong inilalagay nya sa camera ang cellphone nya.

"Picture tayo."

"Huh? Matutulog na lang kuya!"

"Wag kang kj. Diba nasa role play tayo?"

At wala na nga akong nagawa..

"Dumapa tayo. "

"Ano!"

"Makiride ka na lang.."

Dumapa kami. Gusto ko rin naman eh.. Sino pa niloko ko?

Ayun dumapa nga kami, nakahawak sya sa kamya ko at hinahalikan ito .. Nakangiti naman ako sa kanya

"Okay..Good"

Sabi nya matapos magcapture

"Higa ka sakin"

"Huh?! Alexander!"

Angal ko.

Syempre.. Kailangan mag kunwari.. Pero alam nyo?? Deep inside kahit na kinikilig ako.. Nasasaktan pa rin ako..

Bakit?

Kasi naaalala ko na hindi na man talaga ganito ang sitwasyon namin.

Naaalala ko kasi na nagpapanggap nga lang kami.

Pero kailangan kong makiride.. Kasi um-oo ako.

"Wag ka ng maarte bilis higa ka tas yakap ka sakin."

Ginawa ko na lang ang sinabi nya.

"Ang bait talaga ng bespren ko"

"Gago! Ililibre mo ko bukas ah"

At pinindot na nya yung button

"Okay na?"

I asked.

Puta kelan ba to hihinto?

"Last na."

"Oh? Ano gagawin ko?"

"Can we kiss?"

K-kiss?

"No. Matulog ka na nga"

Sagot ko sa kanya at nagtalukbong na ako ng kumot.

I can't kiss him.

Maiiyak talaga ako.

He can play with my lips para lang talaga kay Anielle eh noh?

Tangina!

Bakit ba kasi ako pumayag dito weh.. Alam ko naman masasaktan lang ako

*sniff*

Ay hayup! Bakit ako umiiyak?

Naramdaman kong may yumakap sakin

*sniff*

"Don't cry jam"

"Hindi ako umiiyak.. May sipon ako.. Umiyak ako kanina sa bahay namin diba?"

At natahimik na sya..

Great pretender ka jammy!

-------------

One Sided LoveWhere stories live. Discover now