Maaga akong nagising at ewan ko ba parang energetic na energetic ako ngayon
"Kay hirap isipin na tayo'y para bang tumatakboooowowowoowwo ang pag ibig na tila baaaaaa sang byaheheheheeeweweeeng ikot ikot lang ikot ikot ikot laaaâaaaang"
Pagsabay ko sa radyo.
Paupo na sana ako ulit sa kama ng--
*knock*
"Ay p*ke mo!"
Nang malaglag ako...
Sino ba kasi yun?! Mapagbuksan na nga lang.
Agad din akong tumayo para pagbuksan ang hayop na dahilan ng pagkalaglag ko.
"O sino ba y-- Alex?"
At hindi ko na napigilang mamula.
Totoo ba talaga yung narinig ko kahapon?
"Kain na raw. Sumunod ka na"O--kayyy?
"Sige susunod na ako"
At isinara nya ng malakas ang pinto.
Napaupo na lang ako ay napailing.
Ano yun? Ano yung kagabi?
Panaginip lang ba ang lahat?
Yung pag amin nya, yung pagkakilig ko, yung himas nya sa kin?Ang pagsabi nya na mahal nya ako..
Panaginip lang ba yun? Sana hindi.
Pero ano to? Bakit kung makaasta sya ngayon ang cold cold?
Panaginip lang yun. Asa ka pa Jam.
Napangisi ako. Napakagaling ko talaga mag ilusyon.
--------------------
"Oh Charizma, halina't sumabay ka na sa pagalmusal."
Tumango na lang ako at ngumiti.
Marahan kong iniurong ang upuan para naman hindi ko na sila madistract sa pag kain.
At umupo ako sa tabi ni tita. "Ah Charizma, pwede ba dyan ka na lang sa tabi ni Alex. Hindi kasi ako sanay kumain ng may katabi"
"Ah.. Hehehe s-sige po."
Tumayo ako ulit at marahan namang umupo sa upuan sa tabi ni Alex
Ng may distansya.
-------------------
ALEX
Dahan-dahang umupo si Jam sa tabi ko.
Punyemas ngyon pa ako tinamaan ng hiya. Hindi naman nya narinig yung sinabi ko kahapon eh!
At kung narinig nya, ano naman?
Kailangan ko naman talagang aminin.
Pero... Tama na ba ang oras Alex?
Hindi kaya nya ako ireject?
Pucha! Anong gagawin ko? Paano kung narinig nya?
Edi kailangan unahan ko sya.Kailangan sabihin ko na sa kanya?
Eh paano kung hindi? Baka makaamin ako ng hindi pa tama ang panaho- "Eto masarap it--" "Mamaya ka na!"
YOU ARE READING
One Sided Love
General FictionSabi nila 20% out of 100% lang ang mga taobg nakakahanap agad ng THE ONE nila 20% naman ang niloloko ng hindi nila nalalaman 30% ang mga nagloloko na lang dahil sa sakit na naramdaman nila sa nakaraan at 40% naman dito ang mga ONE SIDED LOVE o yung...