Downfall

0 0 0
                                    

IV.

Napatulala ako. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Akala ko... akala ko walang sabit! Aning ibigsabihin niya? Kung may nobyo siya, sino? Si Mark? Isa sa mga kaklase ko? Isa sa mag-aaral dito sa skwelahan? Sino!?

Buhat noong araw na iyon, palagi kaming nag iiwasan ni Sammy. At dahil doon nagkaroon ng pagkakataon na lumapit si Mark sa kaniya. TANGINA! Di ko na mabakuran eh! Pero kung iisipin, mas may magara, at suguradong mas matatag na bakod ang naka palibot dito—ang kaniyang nobyo. Ano ba lamang ako? Marupok at binili lang sa tabi-tabi na bakuran. Napasimangot ako.

Pinasadhanhan ko ng aking kamay ang aking buhok. Sa ilang araw na hindi kami nag papansinan ni Sammy, palagi ko siyang sinusundan ng tingin kung sino ang kaniyang mga kausap. Maaari kasing isa dito ang kaniyang nobyo. Pero isang linggo na ang lumipas pero wala akong masuspetyahan. Pati si Mark, hindi eh.

Palagi ko lang siyang nakikitang nakatutok sa cellphone at may nakasalpak na earphones tulad ng nakagawian niya.

Baka nandun... bulong ng aking sarili.

Isang araw, dahil sa kuryosidad, sinundan ko siya patungo sa isang upuan sa ilalim ng isang matayog na puno. Palihim akong lumapit sa kaniya at tumago sa matataas na halaman.

Pinaslak nito ang earphones sa kaniyang tenga at maya-maya pa'y...

"Babe! Late na ba ako?" bati nito. kausap niya ba ang boyfriend niya?

"Hindi no! Baliw to! Hahaha!" Di ko marinig ang sagot ng kabilang linya dahil naka earphones si Sammy.

"Oo nga...hayaan mo babe, ilang buwan nalang, babalik na ako. Magkikita  na ulit tayo."

Sino ba ang nobyo nito?

Ano bang meron at pabigla-bigla amg pag dating niya dito?

May kasunduan bang nagaganap?

Bakit kailangan pang tumawag kung pwede naman pumunta dito ang nobyo niya?

Ano ba ang meron?

Lumapit ako sakaniya hanggang nasa harapan na niya ako.

"Ji!" Gulat na sambit nito nang hinablot ko ang cellphone niya at tinanggal ang earphones. Pilit na inaabot ni Sammy ang cellphone ngunit dahil mas mataas ako, hindi niya ito makuha-kuha.

Pinukol ko ang aking tingin sa cellphone na hawak ko. May lalake dito at tila naguguluhan sa pangyayari.

"Hey man! Give the goddamn phone to my fiance!" Sigaw nito. Hindi ako tuwid umenglish ngunit naiintindiham ko siya.

Damn! Tangina! Ito ba nobyo niya? Di mapagkakailang mayaman ito base sa kaniyang kutis.

Binalingan ko si Sammy na halos mangiyak-ngiyak.

"Who's he, babe? Ano bang ginagawa niya? Is he a retard?"

"Hindi ako buang, gago!" Singhal ko at tinapon sa malayo ang cellphone.

"Ji! Ba't mo ginawa 'yon" sigaw ni Sammy sabay hampas sa balikat ko at pag padyak.

Hinawakan ko ang makabila niyang balikat.

"Siya ba amg boyfriend mo, ha? Sammy? Tangina, mas gwapo pa ako dun eh! Mabubuhay naman kita, Sam! Bakit? Ano bang meron? Sabihin mo!" Sabi ko habang inaalog siya.

"Fiance ko siya sa totoo lang, Ji." Nakatungong sagot niya.

"...Kaya ako nandito dahil... dahil... iyon ang hiling ni Lolo bago kami magpakasal."

"Ang babata niyo pa, Sam"

"Hindi kami magpapakasal agad-agad, Ji. Matagal pa pero pagkagraduate ko, titira na kami sa iisang bubong. Ji, unawain mo naman sana..."

"Sam..." panimula ko kahit hindi tiyak kung anong sasabihin.

"Mahal ko siya, Ji. At mahal niya rin ako, ilang beses niya nang naipakita ito sa akin."

"Yung cellphone... Marahil nagtataka ka kung bakit ako laging nakatunganga doon, iyon lamang ang ginagamit ko upang mapadalas ang komunikasiyon namin. Mahirap ang LDR Ji, pero kinakaya ko, kinakaya namin dahil para rin ang paghihirap na'to sa amin. Dahil mahal namin ang isa't-isa."

Napapikit ako. Bumadha ang halo-halong emosyon sa akin. Galit, panghihinayang, at hinagpis. Damn, sa ikalawang pagkakataon, umaasa ako at masaktan.

Nagmahal...
Umasa...
Nasaktan...

"AAAARGH!" sigaw ko at sinipa ang bato sa aking tabi. Hindi pa ako nakuntento at sinuntok ang puno.

"Ji, tama na. Dumudugo na ang kamay mo" pilit iniabot ni Sammy ang kanang kamay ko pero iniwas ko ito. Walang-wala ang sakit nito kumpara sa sakit ma nararamdaman ko sa puso ko.

"SAM, MINAHAL KITA! TANGINA, UMASA AKO. AKALA KO PWEDE NA TAYO NGAYON. WALANGHIYA, NASAKTAN MO NANAMAN AKO!  PERO BAKIT GANITO, KAHIT ANONG PASAKIT MO MAHAL PARIN KITA!? WALONG TAON NA ANG LUMIPAS, AKALA KO WALA NA AKONG GUSTO SA IYO EH. OKAY NA SANA EH. PERO BAKIT BUMALIK KA PA? SANA HINDI KA NALANG BUMALIK PARA HINDI NARIN BUMALIK YUNG NARARAMDAMAN KO SA'YO! TANGINA, SAM! ANG SAKIT! ANG SAKIT-SAKIT!" napahagulhol na ako. Pilit akong inaalo ni Sammy pero hindi rin gumana.

Ilang sandali pa'y tumugil na ako at pinunasan ang aking mga luha. Hinarap ko siya.

"Kalimutan mo na iyong sinabi kong mahal kita kasi kung tutuusin...

...wala ka rin namang nararamdaman sa akin bukod sa pagiging kaibigan. Magpaparaya ako Sammy, kahit masakit."

Tumalikod na ako at nag simula namang naguunahang tumulo ang aking mga luha.

-----FIN----

A/N book cover for this story is much appreciated

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Downfall [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon