Downfall

1 0 0
                                    

III.

Sinundan ko siya ng tingin ng papalabas ito mula room. Nakasalpak ang earphones nito at hawak hawak ang cell phone. Hinayaan ko nalang ito. Gusto atang mag emo.

Ngunit mag tatatlongpung minuto nalang ay hindi parin ito bumabalik kaya napag desisyonan king sundan siya. Malapit naring mag time. Hindi masyadong malaki ang aming paaralan kaya nakita ko siya agad sa may hagdan ng Junior high.

"SAMMY!" Panggugulat ko sa kaniya. Napaigtad ito at dali-daling may pinindot sa cell phone at hinarap ako. Nagkasalubong ang aking kilay. Anong meron? Pinukol ko siya ng tingin.

"A-anong ginagawa mo r-rito?" Na uutal niyang sagot at nag simulang lumikot ang kanyang mga mata.

Nagsimula na akong magduda. Tiningnan ko ang kaniyang cellphone dahil bigla itong umilaw. Bago niya ito kunin ay hinablot ko kaagad ang kaniyang cell phone.

Mark calling...

Kunot-noo kong sinagot ang tawag. Kumuyom ang aking mga palad.

"Hello Sam? Sa'n kana? Nandito na si Madam, dali na!" Sabi nito at agad na pinatay ang tawag.

Binalingan ko siya ng tingin.

-
ALTERNATIVE HYPOTHESIS: May gusto ako ulit ako kay Sammy
NULL HYPOTHESIS: Wala na akong gusto kay Sammy.

Iyang ang aking nagawang hypothesis habang naka dungaw sa teresa. Mula dito tanaw ko si Sammy na naka suot ng bestida.

Bumilis ang tambol ng aking dibdib. Napahawak agad ako rito. Damn.

Lumingon ito sa akin at kumaway. Kumaway rin ako pabalik. Maya-maya nakita ko nalang ang sarili ko papunta sa kaniya.

"Tapos ka na sa assignment sa statistics?" bungad niya.

"Hindi pa eh, turuan mo naman ako." pagsisinungaling ako. Sa totoo lang, tapos ko nang gawin ang assigment na iyon.

Pumasok na kami sa bahay at pumirmi sa sala. Inilabas niya ang kanyang notes at nag simulang turuan ako.

"Pero ibang way nanaman iyong sa Two-way Analysis of Variance kaya ayun." Pagtatapos niya.

Tinignan ko lang siya. Hindi ako nabigo nang tumingin rin siya sa akin.

Katahimikan...

Bumaba ang pananaw ko mula sa kanyang mata papunta sa kaniyang labi.

Damn.

Binaba ko ang ulo ko para mahalikan siya. Ngunit napapitlag kaming dalawa nang tumunog amg kaniyang cellphone. Bago ko pa makita kung sinong tumatawag ay hinablot na niya ito at pumunta sa labas.

Bumuntong-hininga ako.

Bahala na kung maaapakan ko uli ang ego ko. Kakalimutan ko ang gabing iniyakan ko siya. Kakalimutan ko ang kaniyang pagpapaasa sa akin. Kakalimutan ko ang lahat nang nangyari noong gabing iyon. Ang masisiguro ko lang ngayon ay...

Reject Null Hypothesis. May gusto parin ako kay Sammy.

PAGDATING ko sa room, agad kong hinanap si Sammy. Nakita ko siya sa kaniyang upuan at tulad ng dating gawi. Nakatutok ito sa kaniyang cellphone at naka salpak ang mga earphones sa tenga. Napangisi ako.

Lumapit ako sa kaniya.

"Je, pa-kopya naman sa assignment sa stats, oh!" Kalabit ng kaklase ko. Nilingon ko muna siya at binigay ang assignment ko bago nilingon pabalik si Sammy.

Kumunot ang noo ko nang marinig na parang may kausap si Sammy. Lumapit ako ng maayos pero wala na. Nag kibit-balikat ako. Baka guni-guni lang. Baka kumakanta lang.

Kinalabit ko siya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik. Ibinigay ko ang tostillos na binili ko noong nasa bayan kami. Ito kasi ang paborito niya simula pagkabata pa namin.

Lalong lumawak ang ngiti nito. Damn, ang tatamis.

"Salamat ah? Nag abala ka pa." Iniabot nito ang nasa kamay ko. Bumalik na ako sa aking upuan at nagsimula na ang klase.

Ilang araw, ilang linggo, at ilang buwan ang lumipas at naging malapit na uli kami ni Sammy. Tinuturuan niya ako ng mga assignments bilang kondisyon noong sinamahan ko siya sa bayan. Pero sa mga panahong iyon hindi ko maiwasang mag duda... ano ba ang nasa kaniyang cellphone at lagi siyang nakatunganga dito?

Minsan naririnig ko itong parang may kinakausap habang nakatutok sa cellphone tapos tatawa. May gusto parin ako sa kaniya, oo, pero di ko maiwasang isipin na nababaliw ito. Pero gusto kong malaman kung bakit ito ganito.

Kahit noong isang araw habang nagpapaturo ako, panay tingin siya sa kaniyang cellphone. Minsan, gusto kong mag selos dahil dito nakatuon ang atensiyon niya. Pag oras ko, oras ko! Ayaw ko nang may ka-agaw!

"JI, PASYAL tayo sa bayan, may Pista doon eh." Sabi ni Sammy isang araw na wala kaming klase. Tumango ako  at nagpatuloy sa pag para ng tricycle. Tulad ng kinaugalian, yakap-yakap ko siya. Kinikilig ako, langya! Parang bakla pero shit na malagkit, kinikilig ako.

Tumigil kami sa isang peryahan. Unang ride na sinakyan namkn ay ang mga heavy rides. Panay tili siya at panay chansing ako sa kaniya. Eh papaano ba naman, libre akbay, hawak kamay, yakap at kung anu-ano pa. Nang nagsawa na, nagpahinga kami saglit sa isang pahabang upuan. Bumili ako saglit ng makakain at binalikan siya.

"Masaya kaba ngayon?" Tanong ko nang maubos ang aking kinain.

Humigop ito ng juice bago sumagot.
"Oo naman! Walang ganito sa siyudad—I mean, meron doon, pero kasi iba yung nandito eh! Di ko maturo-turo pero feeling ko, naging kumpleto ako uli!" Masayang tugon nito na may kasaling pag hampas sa balikat ko.

Ngumiti ako. Buti naman. Tinitigan ko siya. Di ko maiwasang mamangha sa gandang taglay nito. Malalalim na mga mata, makinis na balat, maiitim at tuwid na buhok na inaalon ng hangin at ang kaniyang matatamis na ngiti.

Masaya ako dahil sa wakas nagkaroon ako ng panahon na masolo siya. Kinikilig ako. Bumalik lahat ng good vibes sa katawan ko dahil sa kaniya. Tangina, gusto ko talaga siya. Mali, mahal ko na siya!

"Ji, last nalang, sakay tayo ng Ferris wheel!" Sabi niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Inubos mo na pera ko! Ikaw nanaman ang manglibre." Pagbibiro ko. Pumorma na parang labi ng pato ang mga labi nito—pout? Ang cute niya tignan.

"O sige na nga! Halika na!" Sabay hila niya sa akin.

Mahina lang ang ikot ng Ferris wheel kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang kagandahan ng bayan—lalong lalo na ang kagandahan ng nasa harapan ko. Bumilis ang tambol ng puso ko.

"Ang ganda..." sambit niya.

Di na ako nagulat nang tumingin siya sa akin. Marahil ay napansin niyang kanina ko pa siya tinititigan. Ilang minuto kaming nagkakatitigan hanggang sa nagsalita ako.

"Sam..." humugot ako ng hininga.

"Gusto parin kita hanggang ngayon." Pagpapatuloy ko. "Hindi...mahal na kita."

Naging malumay ang kaninang masasaya niyang mga mata. Pumikit ako at yumuko.

Nang tumingala ako pabalik sa kaniya, nakayuko rin ito. Hinawakan ko ang kaniyang baba at inangat. Malulungkot ang mga mata nito. Bumaba ang tingin ko sa kaniya mga labi at tinawid amg pagitan nito.

Hinalikan ko siya.

Naramdaman ko siyang nanigas dahil sa pagkabigla. Ilang segundo lamang ang tagal nito dahil bumitaw ito at binaling ang tingin sa kaliwang bahagi niya.

Naiwan ako sa aking pwesto kanina na malapit lamang sa kaniyang mukha. Ang ilong ko ay halos tumama na sa kaniyang pisngi. Ilang segundong katahimikan.

"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo Ji, nagmamakaawa ako. Ayaw kong masaktan kita." Nakayuko na ito.

"Pero nasaktan mo na ako" halos pabulong kong sabi. Ang kaniyang pag-iwas sa aking halik ay tanda na ayaw na itong ituloy at wala siyang interes sa akin.

"Kakalimutan ko na may nangyari ngayong araw, Ji. At sana huwag na tayong magpansinan sa skwela kasi mali 'to." Inabot na ang nanginginig kong mga kamay.

"AJ, may boyfriend na ako"

Downfall [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon