Downfall

0 0 0
                                    

I.

"GUSTO KITA." Sambit ko sa kanya. Dinala ko siya sa likod ng aming bahay. Hindi na masyadong maingay dito kumpara sa bahay kung saan ginanap ang salu-salo dahil sa kaarawan ko.

Matinding katahimikan ang bumalot sa amin. Damn! 'Ba't ayaw niyang sumagot? Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya. Nakakagigil!

"Alam ko," mahina sambit niya pero rinig ko parin. "sinabi sa'kin ng kapatid mo."

Napamura ako.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko dahilan upang tumingala ako.

"Pero AJ, alam mo naman diba? May gusto ako sa iba." Mahinahon parin niyang tugon.

Naipon ang tubig sa aking mga mata, banta na tutulo na ito. Nakapameywang akong tumingala.

Damn! DAMN!

"AJ naman..." hinawakan niya ang mukha ko na nagpa buhos sa aking mga mata.

Napaka tanga ko! Umasa ako! T*ngina! Sana nalaman ko na ito sa simula pa. Hinding-hindi niya ako magugustuhan pabalik. Ito na ata ang napaka walang kwentang araw sa tanang buhay ko. Sinayang ko lang ang mga panahong ginusto ko siya. Tinuring ko siya bilang buhay ko, pero ano? T*nginang buhay lang!

Ito pala ang ibig sabihin ni Tatay ilang araw ang nakaraan: Huwag lumapit sa mga Dominggo dahil masasaktan kalang. Sa una, akala ko usap-bata lang ito kasi hindi naman ako malapit sa mga tao. Pero noong dumating na ang Summer/bakasyon, napako ang tingin ko sa babaeng apo ng mga Dominggo. Oo alam kong Dominggo siya, PERO SINONG MAY PAKE? Gusto kong mapalapit sa kaniya. Kaya ayun, nakipaglaro ako kasama ang barkada ko. Sampung taong gulang palang kami noon kaya tipikal na palarong pambata ang mga laro namin, mapa-badminton, taguan, habulan, atbp. Tubong siyudad siya sa malayong lugar pero pumunta lang siya dito sa probinsya upang mag bakasyon sa bahay ng lola niya kasama ang 2 niya pang mga pinsan.

Napalapit na ako sa kaniya ilang araw mula noong dumating sila. Kada lapit niya, parang may kung ano sa akin na bumabaliktad lalong-lalo na kapag ngumingiti ito dahil sa akin. Hindi ko alam kung anong tawag doon. Hanggang isang araw...

"Bakit ka tumatawa? Kinikilig ka ano?" Panunuya ng aking tatay.

"Hindi ah!" Tumawa ito. Thisis what I liked about my father. Mas open siya kesa kay mama eh.

"Hmmm, may crush ka ata eh? Sino?" tanong nito habang tumataas-baba ang kilay.

"Ano ba yung crush, tay?" Tumawa uli ito ng malakas.

"Yung kapag may kakaiba kang nararamdaman kapag nandiyan siya...yung ganoon, anak." sumeryoso ito bigla.

Napahawak ako sa bandang puso ko. Damn, yun ba tawag doon? May crush ako kay Sammy Dominggo?

"Ano, may crush ka ba talaga?"

"Si Sammy, tay." Biglang dumilim ang kanyang mukha. Alam kong binalaan na niya ako tungkol sa mga Dominggo, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Patayin mo nalang ang TV pag tapos na ang palabas." Tumayo na ito at lumabas na ng bahay.

Iyon ang kahulihulihang matinong pag uusap namin ni tatay. May mga araw na naririnig kong nag-aaway sila ni mama sa di malamang dahilan.

"May gusto yung anak mo sa bata. Alam mo naman ang issue ko sa  pamilyang iyon, diba?"

"Sa kanyang unica ija lang! Sa nanay  niya lang. Hayaan mo ba ang bata, nag lalaro lang sila!"

"Ayoko siyang matulad sa akin!"

Pero ikini-kibit balikat ko lang ang mga pag-aaway nila. Nag-patuloy ako sa pakikipag laro sa batang iyon.

"Jiiiiiii!" Iyan ang tawag niya sa akin.
Pumunta ako sa puno ng mangga na inakyatan niya. Umakyat ako at umupo sa isang matabang sanga kasalungat ng kinauupuan niya ring sanga.

Nililipad ng hangin ang kanyang buhok at inaamin ko, ang ganda niya ngayon.

"Uuwi na kami next week." Sabi nito habang nginunguya ang isang mangga.

Aaminin ko, nadisappoint ako. Akala ko kase dito na siya maninirahan at mag aaral.

"Pwede favor?"

"Ano naman yun?"

"Paki-bigay naman to kay Mark oh." Iniabot niya sa akin ang isang sobre na marahil ay isang sulat ang nakapaloob.

Nagulat ako. May gusto ba siya kay Mark? Yung isang kalaro namin na kabarkada ko rin. Ipinilig ko ang ideyang iyon. Hindi. May gusto tin siya sa akin at nararamdaman ko iyon.

"Birthday ko na rin next week. Makaka-abot ka ba?" Nakatungo kong tanong.

"Oo naman! Hindi ko yun papalampasin noh!"

Isang linggo nalang pala at uuwi na siya. Gusto kong umamin sa kanya Pero hindi ko alam kung paano. Alam ko nag hihintayan lang kami kung sino ang mauunang umamin. Gusto ko na talagang umamin sa kanya upang gumaan narin ang pakiramdam ko.

Siya ang kauna-unahang babaeng kaibigan ko.
At sa mga araw na iyon, desidido na akong umamin sa kanya.

"Sorry, AJ... sorry talaga." Umiiyak narin siya.

Iwinaksi ko ang kanyang kamay sa aking mga pisngi.

"Okay lang, Sam. Tanggap ko, oo tanggap ko na. Paalam Sam, mag-aral ka nang mabuti ha?" Sabi ko at tumalikod na papunta sa aking kwarto. Buong magdamag nag mukmok lamang ako. Isang tangang umasa.

"Pasok," sabi ko nang may kumatok sa kwarto ko.

"Oh, edi iniyakan mo rin ang Dominggo na 'yun?"

"Tay naman."

"Yan, yan ang gusto kong ipaintindi sa iyo, Je. Tigas ng ulo eh, sabing huwag lumapit sa mga babaeng Dominggo."

"Bakit ba, tay? Anong meron?"

Lumanghap ito ng hangin bago sumagot.

"May isang batang lalake na malapit sa isang batang babae na Dominggo. Akala niya, sila na talaga ang magkakatuluyan. Umasa siya na may gusto rin ito sa kanya. Pero hindi niya masabi-sabi dahil natatakot siya sa papa nito na Chief of Police. Kaya nakuntento nalang ito sa pasulyap-sulyap. Ngunit isang araw narinig nalang niya na may nangliligaw na pala sa babae at sa kasamaang palad, hindi tutol ang papa nito. Sayang pala, kung hindi lang naging duwag ang lalakeng iyon, hindi sana siya masasaktan."

"Ang mga Dominggo, paasa yan sila. Papaasahin kang may gusto sila sa iyo pero iiwan karin sa ere. Anak, please lang kalimutan mo na siya."

Simula sa araw na iyon  nangako ako sa sarili ko na huwag magmahal ulit lalong-lalo na sa kaniya. Oo siya, hindi ko niya siya mamahalin uli kahit ma bumaliktad ang mundo. Hindi na ako mag papadala sa aking bugso ng damdamin. Hinding-hindi na.

Downfall [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon