Prologue

11 1 1
                                    


Title: HOLDING ON

Genre: Random

Author: Cyanniesz

PROLOGUE.

"Ang lakas mo nang kumain, ah, " natatawang wika ng boyfriend niya na si Adam. Nasa park kasi sila at kinakain ang ini-take out nilang spaghetti sa isang malapit na kainan. Natawa na rin siya.

"Nahahawa na po kasi ako sa'yo," sagot niya naman.

"Dapat lang, ano! Mas gusto ko nga 'yong malakas kang kumain para tumaba ka na. At kapag tumaba ka na, wala nang magkakagusto sa'yo. Wala na akong kaagaw. Akin ka na lang 'pag nagkataon," nakangisi nitong sabi na sinundan pa nito ng isang kindat.

"Ayaw ko no'n!" protesta niya kahit na gustong-gusto niya nang himatayin sa kilig. "Sinasabi mo lang 'yan ngayon pero alam kong kapag lumobo na ako't nagmukhang balyena, hindi mo na ako magugustuhan. Ikahihiya mo na ako't ipagpapalit! Hmph!" kunwa'y nagtatampo niyang akusa rito.

"Hey!" agad nitong apila saka mabilis na hinila siya patayo at mahigpit na niyakap. "That's not gonna happen, okay?Hinding-hindi ko gagawin 'yon."

Hinawakan nito ang mga pisngi niya't pinakatitigan siya sa kanyang mga mata. "Tingin mo ba kakayanin ko kung wala ka? Sabi ko naman kasi sa'yo, tanggapin mo na ang alok kong kasal para wala na akong kawala sa'yo." Tinaas-baba pa nito ang mga kilay nito.

"Tse! So ibig mong sabihin, kung hindi kita pakakasalan agad, balak mong magpaagaw sa iba?" nakataas ang kilay niyang tanong dito.

Napahalakhak ito. "Hindi naman pero alam mo namang napakaguwapo ng boyfriend mo, eh. Kaya nga pakasalan mo na ako.

Napairap naman siya sa kayabangan nito. "Tigilan mo ako. At isa pa, para-paraan ka, ha!" aniya na ang tinutukoy ay ang pagyakap nito sa kanya. Nakurot niya tuloy ito sa tagiliran.

Ngunit ang damuho, mas lalo lang humalakhak. "Why? Kaya naman na kasi kitang buhayin— pati na ang mga magiging babies natin."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Gusto ko munang matulungan ang parents ko. Alam mo naman 'yun."

"Kaya naman natin yun gawin nang magkasama," giit nito.

"Hon, gusto ko ako lang. Ayoko lang na may masabi sila," tanging tugon niya.

"Hon, mas matutulungan pa nga natin sila kung dalawa tayo."

"I'm sorry but there is nothing that can make me change my mind," naisatinig na lamang niya para matapos na ang usapan saka siya napaiwas ng tingin dito.

Bigla naman itong sumeryoso. "Miss Ivory Pascual," anito saka kinulong sa mga palad nito ang kaniyang mga pisngi. "I badly wanted to make you my wife. Gusto ko, mukha mo ang unang-una kong makikita sa umaga. Gusto kong mga luto mo ang kakainin ko. Gusto kong pagkagaling ko sa trabaho, mga maiinit mong yakap ang sasalubong sa pagod kong katawan. Gusto kong bago matapos ang araw ko, ang mukha mo pa rin ang kahuli-hulihang bagay na makikita ko. Gusto kong... ang bawat sandali ng buhay ko... ay kasama ka," titig na titig na sabi nito kasabay ng mumunti at mabining paghaplos sa kaniyang pisngi.

Pakiramdam tuloy niya'y unti-unting nag-iinit ang pisngi niya kasabay ng milyong-milyong boltahe na nanunulay sa kaniyang katawan. Hindi niya alam kung saan siya titingin dahil para siyang natutunaw sa mga titig nito. Bigla'y hindi na siya kumportable.

"A-Ano... C-Cedric..." kandautal na tawag niya rito.

Ano ba naman kasi itong isang 'to, eh! Balak ata siyang patayin sa kilig!

Sa gulat niya'y bigla na lang itong ngumiti— isang ngiting nakakaloko. "At siyempre, kung kailangan kitang pikutin para mangyari 'yon, gagawin ko." Pinataas-baba pa nito ang mga kilay nito.

Agad niya naman itong sinamaan ng tingin at muntikan na talagang nasapok, kung hindi lamang nakailag ang mokong. "Subukan mo lang," banta niya rito. "Sure, baby. Sabi mo, eh," anito saka pilyong tumawa.

Biglang nanlaki ang mata niya at napatanga sa sinabi ng binata.

"Adam!" naiinis ngunit namumula niyang pagalit na bigkas sa pangalan nito.

Napahalakhak ito. "Baby, inaakit mo ba ako? 'Wag kang mag-blush sa harapan ko. Baka totohanin ko," anito.

"I-I'm not blushing! Ugh! Tigilan mo na 'to, ha!" pagalit niyang wika saka tumalikod para ikubli ang kaniyang mga pisngi na mas lalong nag-init dahil sa sinabi nito.

"Chill," anito saka niyakap siya mula sa likod at ibinaon ang mukha nito sa kaniyang balikat. It almost robbed her out of breath when he suddenly kissed her collarbone, making every fiber of her shiver in bold desire.

"A-Adam..." She tried to warn him but she nearly strangled herself when it came out like a moan. Great, Ivory! You really looked damn convincing!

"Ugh, babe. You're turning me on. Are you even aware of that? You just... keep on driving me crazy," he said huskily as he playfully bit her ear which in turn, sending bolts of electricity down her body.

Her mouth opened like as if she's lacking of oxygen. D-amn! She wanted to make him stop but her traitorous body says otherwise. She wanted to warn him but she knew it will only sound like a moan. Oh, good heavens!

His hands went to her sides and gently gripped her tiny waist. Kahit may damit siya ay ramdam niya ang init na nagmumula sa mga palad nito. She instinctively arched her back due to the overwhelming emotions swirling within her, hitting his muscular chest.

"Aurghh..." she groaned frustratedly. Suddenly, her thoughts became hazy. All she knew is that my body's burning with wild heat.

She was expecting him to claim her lips so she was taken aback when instead of doing so, he put his other hand in her tummy and pulled her closer to him. Closer than ever, she must say.

She heard him as he took deep breaths. "Goddamn it," he muttered under his breath as if he's on deep pain. Groaning, he rested his face onto her back and lightly kissed her nape. It immediately sent shivers down her spine and made her heart skip another beat.

"I would love to do this to you every second, every minute... of every fvcking day," sabi nito sa tonong nahihirapan. "But you're not like the girls I dated before. Kaya hanggat maaari gusto ko sanang gawin 'to kapag kasal na tayo."

"Adam," pigil niya rito. Alam niya kasi ang pupuntahan ng usapang ito, eh.

Bahagya muna itong natawa bago siya pinakawalan sa yakap at pinaharap dito. Ang matamis nitong ngiti ang bumungad sa kaniya. "Don't worry. Makakapaghintay pa naman ako."

Napangiti siya at napahinga nang maluwag. Akala niya'y ipipilit pa rin nito ang topic.

"I'm glad you understand, hon," wika niya. Kinuha niya ang palad nito at marahang pinisil.

She thought he'll grip her hand back, but much to her surprise, he kneeled on the ground with a mischievous grin plastered on his gorgeous face.

"Wha—" And before she could even ask him what in the world is he doing, he pulled her shirt up, revealing her bare belly.

"ADAM!" she exclaimed, totally horrified.

Napatingin siya sa paligid at kulang na lang ay himatayin siya sa hiya nang makita niyang pinagtitinginan na sila. Hind iniya alam kung alin ang gagawin— ang hilahin patayo si Adam ang ibaba ang damit o takpan ang mukha niyang dinaig paangkamatis sa pagkapula.

Gusto na talaga niyang lamunin na lamang siya ng lupa sa kahihiyan. Baka kung ano na ang iniisip ng mga ito dahil sa posisyon nila! Akalain pang nagmimilagro sila gayong tirik na tirik pa ang araw!

Sa inis niya'y humalakhak pa ang damuho niyang boyfriend. "I swear," mayamaya'y sabi nito. She kissed her tummy, taking her off guard as he said those words like a golden promise.

"Someday, I'll make this very womb carry a part of me... my baby."

And as if on cue, a smile slowly curved onto the girl's face as a promise also rose on her head. "And I will never let this man go..."

With the twists and turns of events, how much can they hold on to their love?

Holding OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon