Chapter 2

14 4 3
                                    

Chapter 2

"Class dismissed!! And stay with me Miss Dela Cruz, Mr. Gonzales, Mr. Falcon and Miss Smith for a minute here for a project assignment."

His POV

Napaangat ang ulo ko sa tinawag na mga mag-stay ngayong araw kasama ang aming guro. Handa na sana ako lumabas ng silid-aralan at inaayos na lamang ang mga gamit ko sa aking bag ng maisama ang pangalan ko sa magiging Project Assignment kasama ang babaeng ito na katabi ko na masama ang tingin ang pinukaw sa aming guro.

Nakita kong sinukbit nito ang kanyang bag at nagmadaling tumayo at pahakbang pa sana ito ng sumigaw mula sa unahan ang aming guro na patungkol sa kanya.

"Didn't you here me Miss Alexandra Jenner Smith?" pagdidiin nito sa pangalan niya na nagpatigil sa paghakbang ang katabi kong babae.

"I told you stay here for just awhile for your Project."

Tumikhim ang katabi kong babae at tumingin ng masama sa aming guro na hanggang ngayon ay prenteng nakaupo pa rin sa teacher's table niya na pawang walang masamang hangin itong kinahaharap.

"I have no time for that freakin' Project!" maawtoridad niyang wika. Wala talagang sino man ang di niya sinasanto pati ang Head Directress nitong school slash ang aming Economics Teacher namin na ngayon na nasa harapan namin ay pawang isang malaking dumi lang ito sa kanya.

"Then you must have time!" ani ng guro namin na parang wala lang sa kanya ang ginagawa ng estudyante niya at nakikipag-tigasan pa siya dito.

Napasmirk ang katabi kong babae at pahakbang na uli ito pero parang nabastos ako sa ginawa niya sa guro namin kaya bago siya tuluyang makaalis ay nahawakan ko ang pulsuhan ng kanyang kamay niya na kinagulat naman niya.

"Mrs. Croft said you stay here." kalmado kong sabi pero ang totoo ay natatakot ako sa kanya lalo na ang nakakatakot niyang kulay abo na mga mata. Teka kulay abo pala ang kulay ng mga mata nito na ngayon ko lang nakita. Naramdaman ko ang malakas na pagpumiglas niya pero dahil sa sanay na ako sa magpalakasan sa mga kalabaw na mas malakas pumiglas sa kanya pag dadalhin ko sila sa farm ay mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya na mas lalo kinapanganib ng buhay ko dahil tila pinapatay ako nito sa utak niya ngayon.

"Jenner!" pasigaw na wika na ni Mrs. Croft sa isa sa mga pangalan niya. Ngayon ay palapit na itong naglalakad sa amin. Parang nangungusap ang mga mata nilang dalawa na sila lang dalawa ang nakakaintindi.

Naramdaman ko ang paggaan ng kamay nito na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin.

"Take your hands off me!" kalmado pero andun pa rin ang nakakatakot nitong boses. Nag-nod naman si Mrs. Croft sa akin na hudyat na pinakawalan ko na ang kamay nito.

Umupo muli siya sa upuan na nasa tabi na niya at parang inip na nakinig na lamang kay Mrs. Croft sa aming gagawin. Isang upuan ang nakapagitan sa aming dalawa at nasa huling row pa rin kami which is nasa dulo pa rin kami habang ang dalawa naming kaklase ay nasa bandang unahan sila nakaupo.

Tahimik kaming nakikinig lamang sa pag-explain ni Mrs. Croft sa aming proyekto na gagawin. Akala ko ay isang buong grupo na kami dahil ayun naman talaga ang orihinal na bilang ng tao sa isang grupo pero ng sinabi ni Mrs. Croft ay hahatiin pa kami sa dalawang grupo ay lahat kami nagulat.

At kung mamalasin ka nga naman oh. Ang babae pang kinaiinisan ko at ang babaeng sobra na ang sama ng tingin sa akin ngayon ang nai-grupo sa akin. Of all people bakit siya pa?

Nang matapos na ang pageexplain ni Mrs. Croft ay tahimik sana ako umalis sa kinauupuan ko palabas ng silid-aralan namin ng may hinabol si Mrs. Croft na salita na nagpatigil sa akin.

"I hope all things are clear. If you have questions to ask you may stay and let's talk about it. You may go now." sinamantala ko ang pagkakataon na maupo muli sa pinakamalapit na upuan kung saan nasa bandang unahan ito at hinintay na makaalis ang mga kaklase ko. Kakausapin ko si Mrs. Croft kung sakaling pwedeng palitan ang aking kagrupo o kaya naman ay bigyan ako ng special project basta lamang di ko kagrupo ang babaeng masama tumungin at baka sa tatlong buwan na proyekto lamang ito magtatapos ang buhay ko.

"I assume you two have the same question to me." parang natatawang wika nito ng makaupo muli ito sa teacher's table nito. You two? Tumingin ako sa kung sino ang tumikhim sa likod at nandoon pa rin pala ang babaeng katabi ko na di pala umalis pa. Akala ko ba nagmamadali siyang umalis kanina pero ngayon na pinapauwi na siya ayaw pa niyang umuwi. Magulo talaga ang mga babae pero mas magulo itong babaeng ito.

"Mrs. Croft hindi po ako nandito para magtanong po, hihingi po sana ako ng pabor po sa inyo." Naramdaman ko ang pagtahimik ng paligid hudyat na naangkin ko na ang mga atensyon nila.

"What is it?" kalmado pa ring pagsagot ni Mrs. Croft sa akin.

Isa lang naman ang hiling ko eh..

Naka-crossed finger ang mga daliri ko sa kamay ko na kasalukuyang itinatago ko sa bulsa ng aking pants habang tinatantsa ko ang mood at magiging reaksyon ni Mrs. Croft.

"Ah eh kasi Mrs. Croft pwede po ba na lumipat ako sa ibang grupo po o kaya naman po bigyan niyo na lang po ako ng Special Project kung saan na di ko makakasama si Miss Smith po?"

~~~
Author's Note: I'm trying my best na makapag-update ng mga sobrang tagal na mga on-going stories ko though I'm still busy on my studies. Actually it became my habit na pag free time ko ay gumagawa ako ng mga kahit small update kung kailan tamaan ako ng idea and luckily pag pinagsama-sama mo ang mga iyon ay madami-daming chapters na rin iyon. Enough for too long waiting of my readers. Hope you like it.

I hope you like the update.

The GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon