His POV
Maaga akong pumasok sa school dahil kinakailangan ko pa makahiram ng libro sa Library para sa mamaya naming Activity.
"Oh Ethan ang aga mo ata?" tanong sa akin ng morning shift na Librarian.
"May activities po kasi kami na needed ang book."
"Sige lang Ethan hanapin mo na lang muna diyan para ma-dispatch ko na at ako nama'y mag-in lang ng books." sagot niya at tinuon muli ang pansin sa mga kalat kalat na books na tantya ko ay mga bagong deliver na books.
Mabilis ko naman nahanap ang libro kaya naman mas maaga pa sa inaasahan ko ay nakarating na ako sa room namin. Kakaunti pa lang din ang tao sa room at pulos mga kababaihan ito. Nakayuko akong pumasok at dali-daling umupo sa pwesto ko. Nasa likod ako at katabi ang bintana kung saan iyon ang pinakapaborito kong upuan. Napansin ko na ang mga tao na nandirito na ay kung hindi sila nagmamake-up, nagkwekwentuhan o kaya wagas sila'y magtawanan ay ang iba naman ay nagsisipaggawa ng mga assignment namin na dapat ay sa bahay ginagawa. Isinalpak ko na lang muna sa dalawa kong tenga ng earphone ko at nakinig ng mga kanta habang hinihintay magsimula ang klase
~~~
His POV"Kindly open your books everyone and turn it to page 71. Read the story quietly and afterwards we will be having a group activity about that. You may start now."
Kinuha ko sa bag ko ang librong hiniram ko kanina sa library at nagsimula na ang pagbabasa. World Lit ito kaya di na nakakagulat na pulos Greek Mythology at kung anu-anong Myth ang meron ang librong ito.
Tahimik ang lahat na nagbabasa gayundin ang aming guro na abala naman sa pagtipa ng kanyang Laptop nang may isang malakas na kalabog mula sa pagbukas at pagsara ng pinto ng classroom na nagpukaw ng atensyon ng lahat.
Bungad noon ay isang babae na tila'y may taglay na nakakatakot na aura. Nakasalubong ang mga kilay nito na tumungo sa likuran, sa tabi ko to be exact. Ni hindi siya nag-abalang humingi ng pasensya sa amin lalo na sa aming guro na nabastos niya.
Lahat kami ay nakanganga lang sa kanya gayundin ang aming guro na walang kaidedeya sa nangyayari. A deafening silence ika nga.
Napansin niya ata na nakatingin kaming lahat lalo na ako dahil tinignan niya ako ng sobrang sama. Goosebumps. Ayun na ata ang pinakanakakatakot na tingin na natanggap ko kaya parang feeling ko namamasa ang pants ko. Teka? Shit, napaihi ako sa pants ko!
"What are you looking at?" Creepy, mysterious, cold isa lamang ito sa mga adjective na pwede ko idescribe sa boses niya plus the charecter she has. Di ako makapagsalita kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya na kapag pinagpatuloy ko pa ay baka mabalatan ako ng buhay pag di pa ako mag-iwas ng tingin. Shit shit talaga.
"WHAT?" Sigaw niya na nagpakilabot sa buong katawan ko at ng buong klase namin lalo ng sumipa siya ng pagkalakas lakas ng silya na napatilapon sa unahan. Marahil naninilipit na ito sa sakit sa sobrang lakas nito ng pagsipa niya bagkus hindi man lang siya pagkakakitaan ng pag-inda man lang. Napansin ko na nagsipag-ayos na muli ng mga upo ang mga kaklase ko pero halata pa rin ang takot at tensyon sa paligid.
"E-excuse me Miss. H-Hindi ka ba naliligaw ng k-klase?" Finally nagsalita na si Ma'am after nito madigest ang mga pangyayari. Halata pa rin sa kanya ang takot na nadarama nito.
Siguro nga naliligaw lang ito. Pang-fourth day na ng klase at pang 4th Subject na rin namin ito at ngayon lang niya talaga naisipan pumasok? Ano ito trip lang? Baka nga college na siya, napadpad lang siya sa High School Department.
"Mukha ba akong naliligaw?" Ito na naman siya sa creepy niyang pagtanong. Malumanay na ito kumpara sa kanina. Lahat kami ay napa-nod as in sabay-sabay at tumingin sa kanya. Mukha siyang nabwisit kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pwede niyang magawa.
"FUCK YOU ALL. STOP STARING AT ME AND GET YOUR EYES OUT OF ME OR I'LL GET YOUR EYEBALLS INSTEAD! HINDI-AKO-NALILIGAW!!! SO YOU STOP BOTHERING ME! AND YOU!" Pag-eemphasize pa niya sa mga bawat salitang sinasambit niya. Tinuro niya ang Teacher namin na halata na ang pangangatog.
"Manahimik ka na lang at mag-turo. Stop throwing me a lot of questions! And do your Fucking job!" muli siyang umupo sa tabi ko at itinaas ang dalawang paa sa nasa unahanang silya.
Muli niya akong tinapunan ng masamang tingin ng nahuli niya akong nakatingin. Shit ramdam ko ulit ang mainit na likido sa aking pants.. Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya at tuluyan akong nagpaalam kay Ma'am upang mag-cr.
BINABASA MO ANG
The Glass
Novela Juvenil"Handa akong kilalanin ka ng husto at tanggapin kung sino ka upang makuha ko ang matamis mong tiwala sa akin." NO MORE SECRETS TO BE HIDE.