Chapter 5

18 3 4
                                    

Chapter 5:

Sharp's POV

"Pare! Inom tayo! Huwag mo masyadong mahalin yang Computer mo! Nagseselos na tuloy ako." pagbibiro ko dito habang umaakto na nagseselos talaga dito habang nakalingkis pa ang mga kamay ko dito sa braso niya.

"Ulol gago!" at tinabig niya ang kamay ko. Napaka seryosong tao talaga nito ni Ink kahit kailan.

May naramdaman akong di kalakasan na pagbatok sa akin at tinignan ko ng masama kung sino iyon at mabatukan rin pero pag lingon ko parang nawala yung nabuo kong plano kani-kanina lang na pagganti at para akong tanga na nakangiti na naman. Si Starey kasi ang taong nagbatok sa akin. Ang babaeng di ko kayang saktan.

"Para ka talagang Bakla Sharp! Umayos ka nga!" wika nito sa akin na mas lalo ko naman kinangiti.

"Selos ka naman agad diyan. Huwag ka mag-alala sweetie pie ko lang yan si Ink at ikaw pa rin ang forever Mahal  at ang nag-iisang Baby ko." Lumapit pa ako sa kanya ng bahagya at hinagkan ko ang tungki ng kanyang ilong.

Umiwas siya ng hahalikan ko na siya sa mga labi nito. Magtatampo sana ako sa kanya dahil sa pag-iwas niya pero tinapik niya ako at itinuro ang banda sa pinto. Lulan noon ang naka-busangot na si Boss. Dumiretso ito sa pinaka living area kung saan pagkaupo pa lang sa sofa ay iniakyat na nito ang paa sa center table at padabog na binuksan ang television. 

Lumapit kami ni Starey habang si Ink ay tumingin lang at bumalik sa ginagawa niya sa Computer. Nakiupo kami sa kabilang sofa katabi ng sofa na kinauupuan niya at hinuhulaan ang naganap dito bakit ganito ito umasta.

Hindi ito mapakali sa isang channel at kada 2 seconds ay naglilipat ito ng Channel. Nagulat ito at mas lalo ko pinagkaba ang paghablot ni Starey ng remote nito sa kamay nito na ngayon ay hawak na niya at nakasteady na lang sa isang Channel ito. Masama ang tinging ipinukaw ni Boss kay Baby Starey na kinawalang bahala naman ni Starey. Anak naman ng tupa itong si Starey. Patutunayan pa namin na may forever aba gusto na ata mauna sa itaas. Naku-nako naman oh, di pa ako handa sumunod.

"Huwag mo ibaling yang inis mo sa tv! Hala sige magkwento ka!"

Nawala ang masamang hanging nalalanghap namin kani-kanina lang at ito na ay parang batang nagsusumbong sa amin.

Kinuwento niya ang nangyari sa school niya kanina. Ang sinasaltik na naman niyang Tita ay nagpaplano na naman ng kung ano sa kanya.

"Baka naman kasi Lexa for the sake of Project lang talaga ito. Don't put any malicious thing on that."  suhestiyon ni Starey na kinatango ko din. Ganun nga siguro masyado lang Overreacting ito si Boss kaya pati mga School Projects nila ay pinaghihinalaan. But we can't blame her naman kasi.

"I still doubt it." at bumalik na naman sa pagiging seryoso ang mukha nito na parang nag-iisip.
--///////------

Third Person's POV
Tumayo si Alexandra at tumungo sa kusina ng malaking condominium na ito na nagsisilbing Private Place at hideouts ng mga kasamahan na iniregalo pa sa kanya ng kanyang Lola Samantha (ina ng ama).

Inilabas niya mula sa refrigerator ang isang kahon ng cake na hindi pa nabubuksan. Kumuha siya ng isang maliit na slice dito at inilagay sa maliit na platito. Ang pagkain ang naging stress-reliever niya at kung minsan ay doon pa nga siya nakakapag-isip ng matino kada nguya at pagsipsip ng walang lasang tubig.

Habang si Alexandra ay busy sa pagkain sa ay ang dalawa naman na naiwan sa salas ay busy rin magharutan nang bigla silang napatigil dahil sa isang balita mula sa TV na nakabukas pa rin.

"Kakapasok lang po ng balita mga kaibigan. Sa isang Annual Celebration na ginanap ngayong gabi sa Diamond Hotel ng isa sa mga malaking kompanya sa buong Asya. Ang CEO o ang Heir ng Alfaro-Smith Group of Companies, ang kilalang business tycoon na si Mr. James Alfaro Smith ay naging maingay sa balita ngayong gabi dahil sa isang kagulat-gulat nitong pagpopropose ng kasal sa maraming tao sa kilalang Heiress ng Kristine Corporation na si Ms. Kristine Aria Salmonte. Matatandaan na namatay ang asawa ni Mr. Smith na isa ring kilalang Heiress ng Gold Group of Companies na si Mrs. Angelika Marie Jenner Smith sa isang plane crash kasama ang anak nitong lalaki na si Andrew James Smith sa Amazon Forest sampung taon na nakalilipas. Marami ang taong nagulat at ang iba ay natuwa pa dahil sa wakas daw ay nakamove on na si Mr. Smith sa asawa nito. Pero ang malaking katanungan na lahat ay kating-kating malaman.. Ano ang masasabi ng natitira at tinatagong anak nito sa unang asawa sa desisyon ng kanyang ama? Ayan ay tutukan natin mga kaibigan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The GlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon