MAYONNAISE

211 6 0
                                    

Salamat sa pagbabasa!! Isang buwan akong hindi nag-update. Pasensya na.

---

Naglalakad ako papuntang clinic kasi naman, ang tanga-tanga ko. Nataga ako eh, buti sana kung kutsilyo e mas katanggap-tanggap pa pero tinidor e. Hinasa ata ni Mama, hapdi nga e.

Wala pa namang gamot sa bahay.

Pagkalabas ko ng clinic saka ko nilagay ang band-aid na bigay sa akin ng nurse. Ang OA nga e, lagyan daw ba ng anti-tetano.

Tinext ko si Zander na puntahan ako sa harap ng GS building.

Wala kasi akong kasama.

From: 09XXXXXXXXX

Hey, labas ka dito sa may gate niyo.

Sino naman to? Pero malakas ang kutob ko na si Linux to.

To: 09XXXXXXXXXXX

Yoko nga ano ka chixx?! Btw, hu u?

Bilis magreply ah.

From: 09XXXXXXXXX

Linux. Pumunta ka dito. Ngayon na!


So, anong magagawa ko? Edi ito palabas na ako ng school kaazar itong singkit na to.

Himala. Wala siyang dalang motor.

"Oh? Wala ka atang dalang motor?" Tanong ko.

"Mag-iingat ka ha, tanga ka pa naman. Sige na, aalis na ako. Hindi kita masusundo mamaya kasi may pupuntahan ako kasama nina Russel" seryosong sabi niya.

Kunot noo ko siyang tiningnan.

"HOY PUMUNTA KA BA DITO AT PINAGLAKAD MO KO DITO PARA ISAMPAL SA MUKHA KO NA TANGA AKO AT ---" di ko na natapos kasi dumating ang hinayupak na si Mj. Sila ba talaga palagi ang sisira ng araw ko?

"BABE!!!" Sigaw pa niya.

"tss. Potangina" bulong ko. Babe babe babe babe kasuka.

Si Mj. Tatakbong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Nataga ka daw?" Bagay sila ni Linux, chismoso parehas.

"Tss. Tanga talaga buti na lang dbckanxmamdkaksks" bulong ni Linux

Nilingon ko siya.

"Bulong pa, rinig ko naman!!!" Sigaw ko.

"Ano ka ba, Mj!! Bitaw!! Maka-chansing tong unggoy na to" tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Babe, gwapo kong unggoy." -_-

"K." Bumaling naman ako kay Linux.

"At ikaw, layas na bilis!!" Naramdaman ko na lang na kinukuha na ni Mj sa braso ko ang shoulder bag ko.

"Fine!!" Tumalikod na ako sa kanya pero humarap ulit ako kasi nakita kong may sumundo sa kanyang van sa malayo.

"Babe, lezzzzz go"

"Kaani ka talaga, Mj. Maka-babe ka naman!!" Alma ko.

bogo sipda
ireohge malhanikka deo bogo sipda
neohui sajineul bogo isseodo

Pukinam may natawaaag.



Elizander Tacos calling ..

Di ko na sinagot yung tawag niya at hinigit si Mj papunta sa harap ng building ng HS at nandoon na si Amae at Zander.

Walk AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon