"ANO HA? DI KA PA MAGPASALAMAT AT TINATANGGAP KITA DITONG SUTIL NA BATA KA! NAPAKAWALANGKWENTA MO. PAG-IIMIS LAMANG NG BAHAY AY HINDI MO PA MAGAWA?!"Lahat ng masasakit na salita na pwedeng sabihin nito ay sinasabi niya.
"HUWAG KANG MAGBUHAY PRINSESA DITO PAKATANDAAN MO NA HINDI NA NAGPAPADALA NG PERA ANG WALANG KWENTA MONG INA! IIWAN-IWAN KA DITO SA AMIN TAPOS ANO? IPAPASA NIYA ANG RESPONSIBILIDAD NIYA SA AKIN? ANO KAYO, SINUSWERTE?! MAGHUGAS KA NG PINGGAN AT PAGKATAPOS AY AYUSIN MO ANG HINIGAAN MO! YAN NA LAMANG ANG INAASA KO SAYO DI MO PA MAGAWA!!"
Araw-araw ganito ang naririnig kong sermon sa kapitbahay hay. Kawawa naman ang kaibigan ko.
Ganyan din ang nanay ko, may pagkabungangera pero keri lang.
Lumabas ako sa bahay namin at inintay ang kaibigan ko.
Lumakad siya sa sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Oh, anyare?" Tanong ko sa sa kaibigan kong magsusuklay pa ng buhok na lumabas ng gate
"Ayon, muntikan na naman akong mapatay ng tiyahin ko." Ta-tawa tawang sabi niya.
Wala talagang kadala-dala. Palibhasa, alam niyang may mapupuntahan siya kapag pinalayas siya ng tiyahin niya sa pamamahay nito
"Hayaan mo na, bakit kasi ang tamad mo e ano?" Tanong ko.
"Wow, nagsalita ang masipag!!" Tss
Nagtungo kami agad sa school dahil ayoko talaga sa lahat ay yung nale-late ako. Pano ba naman, nauso sa school namin yung tardiness slip.
"Aera, bilis-bilisan mo! Ayaw na ayaw mong ma-late pero ang bagal mo kumilos!" Sigaw niya ng mahuli ako sa paglalakad
Like duh? Inirapan ko na lang si Amae.
Nasa may harap na kami ng gate ng hilahin ni Russel si Amae. Maglalampungan na naman yang dalwang yan nako sinasabi ko sa inyo. Nagliligawan pa lamang yan ha pero mukhang mag-jowa na.
Tumingin sa akin si Amae
"Oh? Iiwan mo na ako kasi nandyan na ang syota mo?" I asked the obvious
"Alam mo naman pala, edi shoooo!" Taboy niya sa akin.
Inirapan ko na naman si Amae dahil sa kalandian niya.
Hindi naman sa pakialamera ako ha at judgemental pero ang sama talaga ni Russel! Nakakahiya lang talagang maging kaibigan ni Amae, maliban sa halos ipagpalit na ako sa kanyang manliligaw eh niligawan ba naman yan ng gwapong lalaki pero tf. Mas pinili si Russel. I guess, love is truly blind.
Naglalakad ako sa cafeteria kasi gutom ako, hindi ako nag-breakfast..agang-aga ako ginising ni Mama.
Umorder ako at umupo sa may bakante, alangan namang makiupo ako sa may nakaupo na.
Lumalamon ako ng biglang lumapit ang kirindot kong kaibigan.
"Oh? Wag kang hihingi, gutom ako" nilayo ko sa kanya ang kinakain kong umagahan ko.
"Busog ako!!" Apila ng kirindot.
"Aera, punta ka naman mamaya sa tambayan nina Russel. Please." Nag-puppy eyes pa, di naman bagay
"Oh? Anong gagawin ko doon? Baka mahawaan lang ako ng kapangitan ni Russel." Sagot ko habang lumalamon.
"WALANGYA KA!" at kasabay nito ang pagpalo niya sa braso ko.