Sorryyy babies, ngayon lang ako nag-ud. I love you all so much!
----
"MJ, ANG SAKIT-SAKIT NA NG BRASO KO!" angal ko kasi kaninang-kanina pa kaya namumula yung braso kakahila ni kulugo.
Binitawan niya naman ako agad at hinarap ako.
"Diba sabi ko sayo na tarayan mo lahat ng lalaking umaaligid sayo?" iritadong sabi niya
"Mataray ako kahit kanino kaya di mo na dapat pang paalala." pagpapaliwanag ko.
"Eh sino na naman yung Linux?" Gigil na tanong niya.
"Oh? Paano mo nakilala?"
"Hmm nabanggit mo kaya kanina!" Inirapan pa ako
Hmm? Nabanggit ko ba?
Pagkatapos ng boring naming gala ni Mj, nagpahinga na lang ako sa bahay pag-uwi at nagbasa ng advance lessons..
Nakatulog ako habang nagbabasa myghad.
*bbzzt bzzzt*
From: Linux Singkit
Can I call?
Nagtatype pa lang ako ng tumawag siya.
"Oh? Sana pala di ka na lang nagtanong diba? Tatawag ka rin naman sa ayaw at gusto ko."
"Hmm wala lang."
Ang gago naman nito walang namang kailangan pero tawag ng tawag.
"Boring mo kausap, ibababa ko na. Bye"
-call ended
Bumaba na ako at kumain ng hapunan at saglit na tumambay sa harap ng television.
Napagdesisyunan kong umkyat ng kwarto pagsapit ng 11:30.
Kinuha ko ang phone ko na naka-charge at nag-check ng messages
From: Linux Sungit
I'll just call you later.
From: Elizander Tacos
Hey.
From: Elizandra Tacos
Babaysot, bakit di ka daw nagrereply kay Kuya?
So tinext ko muna si Zandra saying na kumain ako ng dinner at nanuod ng tv atska nag-explain.
I texted Linux
Wag na, sisirain mo lang gabi ko.
Nag-half bath lang ako at humiga na sa kama ko.
Linux Sungit is calling..
Sinagot ko na lang para walang away.
"Babae!"
"Bakit lalaki?" iritado kong tanong.
"Bakit di ka nagrereply kanina?"
"Ulol kumain ako"
"Kumain ka ng 3 oras?"
"Gago syempre oo."
"SERIOUSLY?!" Natatawa-tawa pa si kulugo oh
"NAH, INIWAN KO PHONE KO THEN KUMAIN AKO TAPOS NANUOD AKO NG TV AFTER KO KUMAIN."
"bakit ba ako nagpapaliwanag? Kaazar ka talaga!!" Azarrr
"You're quite funny, babae"