TWINS

228 7 0
                                    


Thank you sa mga nagbababasa! Sml!

---

Umagang-umaga ay may tukmol na naga-abang sakin sa may gate namin.

Oo mga bes, si Linux.

Nakasandal siya sa kanyang BMW F 800 GT. Bakit ba nandito tong lalaking nanglait sa hinaharap ko!?

"Maaa!! Alis na po ako!" Sigaw ko habang nagbubukas ng gate.

"Sigeee!!" Sagot ni Mama.

Usually kasi kapag umaga at papasok ako ng school, naga-abang lang ako sa kanto namin ng jeep o kaya pag may pera ako ay magta-taxi ako.

Tumingin sa akin si tukmol at kinawayan ako.

Di ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad.

"BABAE!" sigaw niya.

"BABAENG FLAT!!" aba tangina nito ah.

"BABAENG LAPAAAADDD!!" ABA PUTA

"BABAENG WALANG HINAHARAP NA TINGTING!!!!"

humarap na talaga ako. Ano bang kagaguhan ng hayop na to?

Tumingin sa kanya halos lahat ng mga naglalakad palabas ng village. Pati ang mga nagja-jogging ay napapalingon sa akin. Halata naman na narinig din ng mga Zumba babes ng village namin kasi tumigil sila sa pagsu-zumba.

Nilapitan ko siya at pilit pinitik sa noo kasi taena mulaga ata siya noong nagpaulan ng katangkaran.

"IKAW NA TUKMOL KA! AGANG-AGA PINEPESTE MO AKO!" mariin kong bulong sa kanya.

"Ihahatid na kasi kita, pabebe nito hdksfnskxnsnsja"

Di ko narinig yung last part aba baka nilalait na ako nito.

"ANO?!" Tanong ko.

"WALA! Bakit ba palaging ang sungit-sungit mo?"

Tinalikuran ko na siya at naglakad na.

Tumigil naman ang motor niya sa akin.

"Sumakay ka na, ihahatid kita"

"Ayoko nga baka mamaya ma-aksidente tayo" sabi ko.

"Hindi yan"

"Bilisan mo na male-late ka na oh, traffic pa naman" dagdag niya pa.

Ala oo nga. Diba sabi nga nila, kapag naka-motor ka walang traffic-traffic kasi pwedeng sumuot kung saan-saan

"Oo na, pero rehistrado na to? Legal age ka na ba magmaneho? Gaano ka kabilis magmaneho? Iyo ba talaga to baka mamaya--" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi yung tukmol binatuhan ako mg helmet.

"Oh ayan, safe to. Baka mamaya matanong mo pa kung anong model nitong motor ko sa daldal mo"

Sus, kung alam mo lang. Alam ko ang model ng motor mo, heh!!

Sumakay ako sa motor niya at humawak sa balikat niya. DUHH DI AKO NANGCHA-CHANSING NO! BAKA KAYA MAHULOG AKO EDI WALANG SASALO AT TAPOS MARAMING IIYAK KAPAG NAGKAGASGAS ANG FLAWLESS SKIN KO.

"Diba malayo pa school mo sa school ko? Ikaw ang male-late." Tanong ko habang hinahampas ng hangin ang mukha ko.

"Di ah"

"Bakit mo ba kasi ako hinahatid na tukmol ka ha" tanong ko sa tukmol.

"Boyfriend's responsibility, remember?"  HANUUDAWWW

Walk AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon