Chapter 4

72 2 1
                                        

Hinarap ko siya.

Isa ito sa mga hindi kapani-paniwalang bagay na ginawa ko.

Tinitigan ko siya.

"Pasensya ka na ah. Pwede ba kalimutan na natin 'yon?"
Nakangiti kong sabi sa kanya.

"At mauuna na 'ko. May gagawin pa 'ko."

Halata namang nagulat siya sa mga sinabi ko. Kaya bago pa siya gumalaw ay tumalikod na 'ko at nagmadaling umalis.

Ngumiti ako ulit. Siya ang dahilan noon, siya ulit ngayon. Yung mga ngiting totoo noon, at ang pekeng ngiti ngayon.

Umuwi na 'ko. Dire-diretso lang sa kwarto at humiga.

Nakitingin lang ako sa kisame. Iniisip ang buong nangyari kanina.

Si Rain, ang pagmumukha na halos maraming pinagbago.

At ako, na ngumiti.

Bakit pa ba siya bumalik?
Wala na siyang dapat patunayan pa.

Umalis siya. Nang-iwan siya. At 'di na niya mababago 'yon.

Marahan 'kong ipinikit ang aking mga mata. Na para bang nanadya ang gunita.

*Flashback

"Daddyyyyyy!!"

Sigaw ko nang makita ko si Daddy na dumating galing sa trabaho.

Mahigpit kong niyakap si Daddy.

"Mahal ka ni Daddy."
Kiniss naman ako ni Daddy sa noo.

At kumalas ako sa yakap.

"Daddy. Ang dami pong damit niyo ang nilalagay ni Mommy sa maleta. Pinapalayas ka na po ba niya?"

Lumapit naman si Daddy, yumuko para makatapat ako mata sa mata.

"Anak.. Aalis muna si Daddy. Saglit lang."
Ngumiti siya na para bang pinapakalma ako.

"E ba't---"
Pinat ni Dad ang ulo ko.

"Saglit lang 'yon anak. Promise."

"Promise? Pinky promise?"

At nag-pinky promise kami ni Dad. Binuhat niya ko at kiniliti.

Nang bigla akong mahulog sa sahig.

"D--daddy?"

Tumayo ako. At nakikita si Mommy na umiiyak.

Walang daddy sa paligid. Lumapit ako sa kanya.

"Kasalanan mo 'to."

---

Pagdilat ng mga mata ko. Atomatikong umagos ang mga nag-uunahang luha.

Oo. Kasalanan ko ang lahat.

Wala akong kwenta.

[Author's note: I'm really sorry for keeping you all long. :) Now, I will continue to update the story. You may also like "Don't Speak" Written by me also.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cold Hearted PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon