PAG-IBIG sa Maling Panahon.. Part 2 "pagkakilala"

13 0 0
                                    

simula noon ng ihatid ko si Naisy nagkaroon ng pagasa na maligawan ko sya, pero hindi ko nagawa yun dahil sa ayaw kong abusuhin ang pagtitiwala ni Naisy sa akin. Dumating ang araw na may event ang MLM na sinasalihan ko Linggo yun sa lugar ng San Fernando Pampanga sa Mcdo doon ang veneu, agad na niyaya ko si Naisy hindi na ako nagdalawang isip pa, at agad naman na pumayag si Naisy na sumama sa akin day off noon ni Naisy ako naman ay maagang nakalabas ng trabaho. Sinundo ko si Naisy sa bahay nila pero wala sya doon..
ako : magandang hapon po, si Naisy po ba nandiyan?
nanay ni Naisy : ai wala sya nasa Angeles sa loading station ng tita nya, alam mo b yun?
ako : opo nagpunta na kami minsan doon, ah nay pagpapaalam ko po sana si Naisy kasi po may business orientation kaming pupuntahan kung ok lang po?
nanay ni Naisy : oh sige puntahan mo nalang sa tita nya ha...
ako : ok po salamat po, alis na po ako...
nanay ni Naisy : oh sige ingat kayo sa daan ha..
ako : sige po salamat uli.
at umalis na ako papunta sa bayan, nakita ko si Naisy sa loading station nakaupo.. lumapit ako sa kanya..
ako : Secret paload nga ako ng 15 pesos TNT ha..
Naisy : oh ikaw pala hahaha...
ako : ako nga secret palaod ako ah...
katabi nya noon ang tita nya...
Naisy : tita si kuya Plasos yun kinokwento ko syo?
tita ni Naisy : ah siya ba?
ako : opo aaako nga po hahaha... ito ang bayad Secret, oh pano tuloy ba tayo sa lakad natin?
Naisy : ah oo tuloy tyo paalam lang ako sa tita ko..
ako : oh sige hintayin nalang kita..
Naisy : tita alis na po kami..
tita ni Naisy : ah ok sige ingat kayo ha...
Naisy : opo tita salamat po..
at umalis na kami papunta sa San Fernando.. pagdating namin doon ay nagsisimula na ang event o ang business orientation. naupo kami sa bandang gitna at tinabihan ko sya sa upuan... masayang nakikinig sai Naisy sa paliwanag ni Roy Azaña isang milyonaryo sa larangan ng network marketing.. at pagkatapos ay nakipag kwentuhan kami sa upline ko sa si Nhamz hanggang umabot sa gabi na at nagyaya na akong umuwi sa kanila, nagustohan ni Naisy ang mga kitaan sa Networking na yun..
pagkauwi namin sa kanila nandoon ang papa ni Naisy nagiinuman kasama ang barkada nito..
ako : magandang gabi po, hinahatid ko na po si NingNing...
tatay ni Naisy : oiii salamat sa paghatid sa anak ko ha...
ako : ok lang po walaang anuman lang yun po...
tatay ni Naisy : ai punta ka muna dito inom ka muna..
at inabot nya sa akin ang isang tagay ng emperador, at inabot ko naman ito at ininom..
ako : salamat po sa tagay...
tatay ni Naisy : tagasaan ka pala ijo?
ako : taga sta. cruz lang po ako bandang porac...
tatay ni Naisy : ah doon ba may kamag anak kami doon yun pinsan ko sa pamilya ng Lising sa may likod ng simbahan..
ako : ah opo alam ko yun kakilala ko din yun... oh sige po alis na po ako medyo gabi na rin po eh..
tatay ni Naisy : ahh ganon ba oh sige ingat ka sa daan ha...
ako : opo salamat po.. alis na po ako..
at umalis na ako pauwi ng bahay.. kinabukasan ng magkita kami ni Naisy sa trabaho ay nagtanong ako sa kanya..
ako : Secret ano sabi ng papa mo kagabi? hindi ba sya nagalit?
Naisy : hindi kuya Plasos ai palitan natin ang tawag sayo... mula ngayon ay daddyow na ang tawag ko syo hahahha
ako : ahh ok lang hahhaha... bakit yun ba ang tawag mo sa tatay mo Secret?
Naisy : hahahah hindi kaya papa lang kaya...
ako : ah ok hahahha
napadalas ang hatid ko kay Naisy noon kaya ang sabi ng tatay niya..
tatay ni Naisy : naku nakakuha ka ng service mo ah NingNing hahaha
Naisy : tatay naman eh hindi kaya...
ako : sige po uwi na po ako..
tatay ni Naisy : oh sige ingat sa pagdidrive ha...
ako : opo... oh sige secret alis na ako ha...
Naisy : hehehe oh sige ha ingat, sa uulitin ha? hahahhah
ako : oo naman ikaw pa..
sa araw araw na hinahatid ko si Naisy nalaman ko lahat ng sekrito nya sinabi nya lahat sa akin pati na yun kay mark, at yun iba pang nagliligaw sa kanya. Marami pala itong tagahanga kaya mapitin sya sa mga lalaki mahilig uminom si Naisy sa totoo nga eh sa kanya ako natuto uminom ng marami.

itutuloy...

Pag-ibig sa Maling Panahon.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon