Chapter 2: The day before

52 1 0
                                    


"Raven, anak.." I heard her voice calling me. It was calm and warm.

"..patawarin mo si mama sa gagawin ko."
Hindi ko lubos na mabuksan ang mga mata ko pero naaninag ko ang kanyang mukha. She stared at me while trying to conceal what she really feels inside. Her head bowed down and suddenly tears start to stream down on her face.

"Alagaan mo ang sarili mo at ang kapatid mo."
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit kasabay ng patuloy na pag kalampag ng pinto sa kanyang likuran.

"Anak.. wala ng oras. ."
Palakas ng palakas ang pag kalampag nito. Rinig sa likod ng pinto ang tunog ng mga nabasag na salamin.

"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo." Gusto kong hawakan ang kamay niya at sabihing wag niya kaming iwan pero nanghihina ang buong katawan ko. Ni hindi ko magawang igalaw ang aking bibig.

"Mahal na ma-"

*Phone vibrates*

Nagising akong hinahabol ang hininga.

"Yung panaginip na naman na yon." Bulong ko sa sarili ko.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama.
I grabbed my phone and checked it.

"Ate. Napaaga po uwian namin. Kain lang po kami ni James sa cafeteria habang hinihintay ka." Text message ng bunso kong kapatid na si Darren.

"Sige po bunso. Te-text ka na lang ni ate pag nasa tapat na ko ng school mo." Reply ko.

Tumayo na ko at nagbihis.
Lumingon ako sa kalendaryo habang nagtatali ng buhok sa harap ng salamin.

It was Sunday. October 12, 2025.

"Bukas na pala ang birthday ni Darren. Dadaan na lang ako bukas sa mall para makapagtake-out ng paborito niyang pizza." I cheerly mumbled.

Chineck ko yung wrist watch ko habang ini-start yung sasakyan.
4 na ng hapon. 4:30 pm talaga yung usual uwian nila Darren from school. Palagi ko siyang sinusundo sa school niya kapag wala akong pasok sa trabaho.

I texted him as soon as I came.
"Bunso. Dito na si ate." Text ko kay Darren.

"Ok po ate. Papunta na kami." Reply niya.

Mga ilang saglit lang ay nakita ko na siyang naglalakad papalabas ng gate ng school kasama yung kaibigan niyang si James. Grade 5 pa lang si Darren at labing sampung taong gulang.

"Ate. Pwede ba pumunta si James at si Pao-pao sa bahay bukas, sa birthday ko." Tanong ni Darren.

"Oo naman birthday boy. Makaka-hindi ba si ate sa cute niyang baby-bunso." Sagot ko sabay tapik sa ulo niya. Patagong tumawa yung kaibigan niyang si james.

"Ate naman.. di na 'ko baby!" Sabi ni james habang nakasimangot na inaayos ang kanyang nagulong buhok.

"Hahaha. Opo.. opo. Binata na nga pala yung bunso ko." Paglalambing ko.

"James, sumabay ka na samin kung gusto mo." Pagyayaya ko.

"Sa susunod nalang po ate Raven, susunduin din po kasi ako ni mommy ngayon." Sagot ni James.

"Oh okay. Sige mauna na kami ni Darren." Pag papaalam ko.

Umalis narin kami pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa.
Sumandal si Darren sa salamin ng sasakyan habang pinapanood ang mga taong naglalakad. Nakakapanibago. Kadalasan, madaldal siya at maraming kinukwento tungkol sa mga kaibigan niya at sa mga nangyari sa school. Pero ngayon, tahimik lang itong nakaupo habang bumabyahe kami. Parang may iniisip.

"Bunso.. kamusta school mo?" Mahinahon kong tanong.

"Okay lang naman po ate." Matipid niyang sagot. P
Tila may gumugulo sa isip niya.

"May problema ba bunso?" Tanong ko.

"Umm. Ate.. " Nakaramdam ko ng lungkot sa boses niya.

"..paano kaya kung kasama natin mag celebrate ng birthday ko si mama at si papa? Ang saya siguro nun. Yun yung magiging pinaka masayang araw ng buhay ko." Nakangiti niyang sagot.

Natigilan ako sa sinabi niya. Di ko alam ang sasabihin. Mag lalabing dalawang taon na siya pero kahit isang beses ay hindi niya pa nakakasamang magceleberate ng birthday yung mga magulang namin.. at kahit anong gawin ko, hindi na yon mangyayari pa. Nalulungkot ako para sa kapatid ko.

"Bunso.. sorry ha. Pero wala ng magagawa si ate tungkol d'yan." Sagot ko habang pilit na tinatago ang lungkot sa aking tinig.

"Pero pinanonood naman nila tayo mula sa langit. Hindi mo man sila nakikita pero binabantayan nila tayo. Isa pa, palagi ko namang sinasabi sayo kung ga'no ka kamahal ni mama at papa." Masigla kong sinabi.

"T'saka kahit palagi mong inuubusan ng Ice cream si ate sa Ref,mahal na mahal pa rin kita." Pag bibiro kong dinagdag.

Ngumiti siya at pasimpleng tumawa.

"Pareho kasi tayo ng paboritong flavor ng Ice cream-cookies n' cream ate. Pero kapag sinusubukan kong magtira, naalala ko na bumabawas ka din sa mga chocolate ko sa drawer. 'Di mo alam, bilang ko yon" pabirong sinabi ni Darren.

Di ko napigilang matawa. Bilang niya pala yung mga chocolate n'yang 'yon.

"Kala ko kasi hindi mo mahahalata." Natatawa kong sinabi.

"Pero kapag inubusan mo parin ako, kukwento ko kay James at Pao-pao na tumatabi ka kama ko 'pag umuulan at malakas ang kidlat." Pabiro kong dinagdag.

"Sus yun lang pala eh. Ikaw nga nagtatago ka sa likod ko pag may lumilipad na ipis." Sabi niya sabay tawa ng malakas

"Aba! Gan'on pala ha. Sige iku-kwento ko rin na palagi kang lumulusot sa toilet bowl dati no'ng bata ka." Natatawa kong sinabi.

"Ate naman.. peace na tayo! Ikaw naman.. 'di ka naman mabiro." Nag peace sign siya da kanang kamay niya. "I love you ate kong takot sa ipis." Dagdag pa niya sabay yakap sa braso ko.

"I love you too bunso kong lumulusot dati sa toilet bowl." Paglalambing ko sabay ganti ng yakap.

Masaya ko dahil kahit papaano ay nawala na ang lungkot ng kapatid ko.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Paglingon ko ay nakita ko siyang mahimbing ng natutulog. Napagod siguro kanina sa school niya. Binuhat ko siya at inihiga sa kanyang kama. Nilagyan ko siya ng kumot at inayos ang kanyang unan.

Siya nalang ang nag-iisang kapamilya ko maliban kay uncle peter, kapatid ni papa. May pagkamakulit man siya minsan pero napakabait niyang kapatid. Masipag. Tinutulungan niya ko sa mga gawaing bahay. Madalas pag pagod ako umuuwi galing trabaho, naabutan kong malinis ang bahay. Nahugasan na yung mga plato, walang nakakalat na damit, walang nakabukas na ilaw na hindi ginagamit. Pero ang pinaka kinatutuwa ko sa kanya ay napaka responsable siya sa kanyang pagaaral. Kamakailan lang ay binigay niya sakin ang report card niya at certificate na nagpapatunay na nag Top 2 siya sa class nila. Minsan ay hinihilot niya ko sa paa kapag nakikita niya kong nakunot ang noo dahil sa ngalay. Napakamapagmahal niyang kapatid. Napakaswerte ko dahil nagkaron ako ng kapatid na katulad niya.

Isa siya sa nagsisilbing inspirasyon ko para magsikap at magpatuloy sa buhay. Mahal na mahal ko si Darren.

I kissed his forehead and left his room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Zombie Killer (in Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon