Chapter 1

77 3 0
                                    

Raven's POV

Katatapos lang ng klase namin and I'm really in the urge of going home already. Nakakapagod ang PE, hindi kasi ako sporty kaya't madali lang ako mapagod. Kaya ngayon, pagkauwi ko, matutulog ako agad.

"Uwi ka na?" Tanong sakin ni Dyani, kaibigan ko. Actually, siya lang naman ang kaibigan ko sa room. Let's just say na I'm not so good at socializing and it's not really my thing to be friends with others. At mahirap pang makipag-adjust sa environment dito. I'm a transferee and it has been 2 months since I transfered to this school. It's quite huge and the students are... Hard to cope up with. Or maybe it's just me 'cause I'm really not friendly.

"Yeah" maikli kong sagot. Si Dyani? She's been my friend since I started highschool. We transferred at the same time in this school. We're friends and we don't wanna be separated.

"Sayang. Magpapasama sana ako sayo. Pero nevermind. Sama nalang ako kina Jana. Be careful on your way home" she hugged me. I just nodded and went outside the campus already.

Medyo malapit lang naman yung apartment kaya naglakad nalang ako.

I took out my phone and started surfing to random stuffs. Wala lang, I'm just bored.

At dahil nga sa abala ako sa phone ko, di ko namalayan na nasa may daanan na ako ng mga kotse.

"Miss!" Nabigla ako kaya't lumingon ako. Pero pagkalingon ko, may paparating na bike sa unahan ko. Napapikit na lamang ako sa takot dahil di ko na alam ang gagawin ko.

'Buhay pa ba ako?'

Naalarma nalang ako nang makarinig ako ng kalabog. At nakita ko na yung lalaking nakasakay sa bike niya na nakaupo sa sahig at hawak yung braso niya. Nasira rin yung bike niya. At malamang talaga, umilag siya para di ako masagasaaan.

"S-Sorry po" I apologized. He looked at me with an angry expression. Nakakatakot yung tingin niya sa'kin. Guilt was eating me kaya't kahit takot ako sa lalaki, tinulungan ko siyang tumayo. Nung hinihigit ko na yung kamay niya, napa- "Ah!" siya.

"Sorry po sorry po" maluha-luha kong sabi sakanya. Patuloy parin siya sa pag tingin sa akin ng masama.

"Ba't di ka tumitingin sa dinadaanan mo? Look! You injured my arm and my right foot" sabi niya. Nataranta naman ako sa sinabi niya. Ano bang gagawin ko? "Pano ako nito makakauwi?"

"Sorry po. Di ko po sinasadya" I bowed my head. Nahiya na ako. I caused him too much trouble. Nasira ko pa yung bike niya.

'Huhu wala akong pera'

"Bring me to my apartment unit" nagulat ako sa sinabi niya. "Don't give me that look, malapit lang dito ang apartment unit ko. Just help me walk" tumango nalang ako. Nakakatakot naman kasi kung magreklamo pa ako, baka sakalin na ako neto. And besides, it's really my fault. Hindi nalang ako umangal at sinunod nalang siya.

Inalalayan ko sya sa paglalakad niya. At napansin ko nalang na yung daang tinatahak namin at yung daan na tinuturo niya papunta raw sa tinutuluyan niya ay yung daan papunta rin sa apartment na tinutuluyan ko.

Napatunganga ako nang makita ko yung mataas na hagdan na aakyatin namin. Grabeh! Ang bigat pa naman niya! Sinakay ko siya sa likod ko dahil utos niya. I gave him a piggy back ride. Ang biiigat! Halos mabali yung likod ko!

At tama nga yung hinala ko, we live in the same apartment .

"Hooo! Nakakapagod!" Bigla kong nasabi nang makaabot na kami sa last step ng hagdan. Sinimulan na ulit namin maglakad. Malapit na, malapit na, malapit na. It's a good thing na we live in the same apartment kasi pagod na talaga ako. Didiretso nalang ako sa unit ko once I bring him to his.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now