Chapter 2

43 2 0
                                    

Raven's POV

"Raves, anong club sasalihan mo?" Tanong ni Dyani sa'kin.

"Di ko pa alam ehh"

"Ba't di ka nalang sa--?" I cut her off.

"Dyani" sabi ko with the tone of 'alam-mo-naman-diba?'

"Hays Raves" she looked at me. "Tama na yan"

"Dyani, stop it." I looked away.

"Okay, sorry"

"Okay class, kung may napili na kayong club, list them down to this paper" inilapag ni maam yung paper sa table at isa isa na silang tumayo para isulat yung mga clubs na sasalihan nila. Ako nalang ata yung undecided sa amin.

"And to those na walang choice pa, ako nalang ang pipili sa inyo. No buts" What?! Ang unfair naman non! Dapat pumili nalang ako kahit sa book readers club.

"Ms. Valdemar, since kulang talaga ang members sa club na 'to and they really need more, I'll let you join in the music club." Napatingin ako kay Dyani.

"Ms. Valdemar? Is that okay with you?" Nakatingin si maam sakin. Tumingin ulit ako kay Dyani. She nodded and smiled. An encouraging smile. With a background of Kayang-kaya mo yan Raves!

"It's okay maam" napabuntong hininga ako. This is a very bad idea.

"Okay, since all of you have already chosen, you can now proceed to your clubs" nakakainis, kung ano pa yung ayaw kong club, doon pa ako napunta. Why I don't like music club? Nakakapagod ehh. Dati na akong nasali diyan at wala namang naitulong sa akin yun.

"Damn this unluckiness" I said under my breath. At umirap din.

Dyani's POV

"Raves, kaya mo yan." I smiled at Raven. Alam ko namang ayaw niya sa music club pero there's nothing wrong if she tries again.

Hanga nga ako diyan kay Raven ehh. She's strong and independent. Although there's something funny about her, sobrang moody niya. Bipolar.

Ngayon, mataray siya pero kahapon parang ang bait niya. That's her. Kaya nga pinatira niya si Blue sa unit niya ehh. Kasi umiral yung nicer side niya kahapon. I bet ngayon, nag-iisip isip na yun kung bakit niya pinatira si Blue sa unit niya.

Nasanay na ako sa ganong attitude niya. Yung minsan lang kung tumawa, sobrang seryoso, madalas nagtataray. Hindi naman siya ganon dati, maraming-marami lang talaga yung mga pinagdaanan niya. Kaya nga ayaw kong mapalayo sakanya. As far as possible, gusto ko siyang bantayan, samahan and I want to be with her hanggang sa makakaya ko. She hasn't fully recovered with some things in her life. Masyadong mabigat ang pinagdadaan niya ngayon. And as her friend, I wanna stay by her side.

Ang gusto ko lang ay makawala na siya sa nightmares niya. That's why I forced her to join the music club. She could reject maam's offer of sending her to the music club but she didn't. Alam ko, at this time, she's thinking about it. Kaya nga medyo nagtataray na ehh.

I just hope na someday, maka-recover na siya. You wanna know what it is all about? Grandparents niya, sobrang higpit sakanya. Kaya ganon siya. Hindi naman siya ganon ka seryoso, kataray at misteryoso noon. Pero ngayon, she's cold and moody. Di ko siya masisisi and I just have to accept kung ano siya. She's my BESTFRIEND and it's my responsibility to love, care and accept her.

So much for that, pumunta muna kaming canteen kasi alam ko naman na she needs food. It's her life.

"I know what you want" I chuckled. Alam ko naman kasi kung ano ang taste niya sa pagkain ngayon.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now