Chapter 4

48 2 2
                                    

Raven's POV

Pagkatapos naming kumain sa canteen, dumiretso na ulit kami nina Logan sa club. Marami-rami pa rin yung mga aayusin.

"Uy eto pa palang mga lanterns, ilalagay to sa taas" ika ni Kitty.

"Tss subukan mo para mahulog ka, buti kung di ka lampa. At isa pa, sa liit mong yan, di mo yan maaabot!" Pagsisimula nanaman ni Logan.

Hays. Kailan ba kayo titigil?

"Heh! Di ko naman sinabing gagawin ko yan! Ikaw ang gagawa niyan noh! At wala kang pakialam kung maliit at lampa ako! Ireklamo mo yan sa mommy at daddy ko!" Sigaw ni Kitty.

"Magsusumbong ka nanaman kina tita noh? Tss edi sumbong!" Sigaw pabalik ni Logan.

Nang walang pasabi-sabi, kinuha ko na agad yung ladder at dinala dun sa may stage kung saan ilalagay yung lanterns. Hindi man lang nila ako napansin dahil sa kakaaway nila.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa dalawa. Isa-isa kong binuhat yung lanterns malapit sa may ladder para hindi na ako pabalik balik.

"Ang laki naman nito tss" reklamo ko sa sarili ko pero ginawa ko parin.

Kumuha na ako ng isang lantern at umakyat na sa ladder at inilagay yun sa tuktok ng stage. Paulit-ulit kong 'yong ginawa.

Kumuha ulit ako ng isa pang lantern at umakyat sa ladder nang may tumakbo sa baba ko at nasagi yung ladder dahilan para gumewang-gewang ito. Napapikit nalamang ako nang maramdaman kong humilig ito at naghintay na lamang na bumagsak ako sa lupa.

Nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ko.

PAGBAGSAK KO SA MGA BRASO NI...

Binuksan ko ang mga mata ko at...

KASHI?! KALLIM PARK?!

"Be careful" sabi pa niya at parang chineck yung mukha ko. "Tss may sugat ka" dagdag niya pa nang mapadpad ang mga mata niya sa braso ko.

"Oh my gosh! Raven! Are you okay?" Biglang sulpot ni Kitty at bakas sa mukha nito na alalang alala siya.

"Raven, okay ka lang ba buti't nasalo ka ni Kashi." Sabi rin ni Logan.

"Kung ginawa mo nalang kasi yan, di sana nangyari kay Raven yan. Kita mo! Kung nahulog yan, naku! Talaga lang Logan ha!" Inis na sambit ni Kitty kay Logan at dinuro ito.

"A-anong ako?! Ha?!" At ayun! Nagsimula nanaman silang magbangayan.

"Quit fighting you two. May sugat si Raven gagamutin ko muna" napalingon naman ako kay Kashi nang sabihin niya yun.

As much as I want to get down, hindi ko yun magawa dahil kapag gagalaw ako, mas hinihigpitan niya ang hawak niya sakin. Tanging masamang tigin nalang ang ginaganti ko sakanya.

Buhat niya parin ako hanggang sa makaabot kami sa recording studio kahit na maraming nakatingin rin samin. Pinaupo niya ako sa maliit na couch. Umalis muna siya saglit at pagbalik niya, may dala na siyang first aid kit.

"Di mo na ako kailangang gamutin. I'm okay" sabi ko pa at tatayo na sana pero hinigit niya ako at umupo siya sa harapan ko.

"Wag ka nang magulo. Alam kong malayo sa bituka yan pero sugat parin yan" hinigit niya yung braso ko at sinimulan niyang gamutin.

"A-aray" reklamo ko pa.

"Sinabi nang wag malikot eh. You're so stubborn"

"Masakit eh!"

"Mahapdi talaga yan. Look at you, aayaw-ayaw ka pa na gamutin kita, halata naman sayong masakit yang sugat mo tss"

"A-ano naman yun sa'yo?" Mataray na tanong ko pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss IndependentWhere stories live. Discover now