Chapter 3

37 1 0
                                    

Raven's POV

10 minutes na akong nandito sa labas ng seven eleven. I'm just waiting until the rain stops. Ang nakakainis pa doon ay hindi pa umaalis yung lalaki sa unit.

Medyo basa na ako sa kakatakbo kanina. Ang bilis naman kasing lumakas ng ulan. Giniginaw na rin ako ngayon. Buti nalang at nakapajama na ako at hindi ako nagsuot ng sando.

Gusto ko sanang pumasok sa store kaso baka magalit yung nagbabantay dahil tatambay lang ako, wala akong bibilhin. Wala naman kasi akong perang dala.

"Psst" napalingon ako sa right side ko nang may narining akong sumitsit.

"Huh?" Nakita ko si blonde haired guy. Siya yung president sa music club. Yung guy na iba kung makatingin sa'kin.

"Ms. Valdemar, ba't nandiyan ka? And why are you wearing a pajama?" He was trying hard not to laugh.

"Wala ka nang pakialam dun" pagtataray ko.

"Woah woah woah I'm just asking you know" he chuckled. Nakakainis naman! Giniginaw na ako dito.

"Can you just leave me alone?" I hate his presence here. Sorry nalang siya dahil bwisit na bwisit talaga ako ngayong araw na 'to.

"And what makes you think that I'll do that?" He's so stubborn. Dahil nga ayaw ko sakanya, umalis na ako doon. I don't give a damn kahit na mabasa pa ako. Nababagot na ako doon. And I'm starving.

Didiretso nalang talaga ako sa apartment, no choice. Kahit na nandon pa yung lalaking yun. Pwede ko namang tadyakan yang pwet niya palabas ng unit ko. Isama ko pa si Blue. Right! It's my apartment unit! Pero ako pa mismo ang lumabas! Ang bobo ko!

Nasa labas na ako nang apartment, basang-basa at sobrang pagod na. Ikaw ba naman ang tumakbo at umakyat sa stairs. Hindi niyo ba naaalala? Before ka makarating sa apartment, may mataas munang stairs ang dadaanan niyo.

Padabog akong naglakad papunta sa unit ko. Nakasalubong ko yung guy na nandoon sa unit ko kanina. Haaays buti nalang nakaalis na. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Panira siya sa buhay ko! Yang Blue na yan! Mamaya magiging violet yang mukha niya dahil sasakalin ko talaga siya.

Pinihit ko na yung door knob at doon ko siya nakitang nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.

"Ba't ngayon ka lang?! Gutom na 'ko" And wow! Siya pa ang may ganang magtanong ng ganon sa'kin? And look at him, he's angry! Siya pa nagalit?! Ang lakas ng loob niya!

"Aba'y loko ka pala ahh. Magutom ka diyan! Tangna mo!" Kinuha ko yung sapatos na nasa gilid ko at tinapon yun sa kanya. Hindi ko siya natamaan pero malapit na. Ginawa ko lang yun para takutin siya.

"Ano bang ikinagagalit mo?" Isn't it obvious? I wonder if he's just stupid or dumb. Wait-- pareho lang naman yun diba? Both nalang.

"Sorry lang ha? Lumabas lang naman ako para hindi ako makita niyang kaibigan mo. Bakit ko ginawa yun? Simple. Ayaw kong makita ako ng lalaking 'yon at kumalat sa school na magkasama tayo sa isang unit. Dahil baka saktan ako ng mga fan girls mo. Ayoko lang namang mapahamak. Kung wala lang yun sa'yo, then atleast care about your reputation. Someone like you, living with someone like me? Think about it! Mas tanga ka pa sa kaibigan mo kanina. Alam mo naman kasing may kasama ka dito, nagpapapasok ka pa ng ibang tao. Look, I don't care about you. I only care about myself. Kaya't pati ikaw, isipin mo rin ang sarili mo. Mabuti kung ikaw ang nabasa't naghintay sa labas para lang di masaktan. Kung ikaw yung ginaw na ginaw at gutom na gutom, pero hindi. Ako yun ehh. And wait, stop acting like I'm your maid. Okay pa sana sakin na ipagluto kita pero nakakainis, ni hindi nga tayo close, kung ano ano nang pinaggagawa mo sakin. Gag* ka!" Pagkatapos ko 'yong sabihin, pumasok na ako sa kwarto ko.

Miss IndependentWhere stories live. Discover now