Unfinished Love 8

2.5K 84 18
                                    

Aina's POV

Pumasok ako sa school ng maaga. Pagdating ko sa school pumunta na ako sa classroom. Doon ko nalang hihintayin sina Mae at Chelsie.

Habang naglalakad ako sa my coridor papunta sa room napahinto ako bigla ng marinig ko ang boses ni Steven. Hindi ako pumasok sa room, sinilip ko lang sa my bintana.

"Pre kumilos ka na, baka maunahan ka pa ng iba." Sabi nung lalaking katabi niya. Ano kaya yung ibig niyang sabihin.

"Ikaw din pag naunahan ka ng baka magsisi ka." Sabi ulit ng katabi niya.

"Aina!" Napatingin ako sa likod.

"Pshhh....wag kang maingay." Agad akong lumapit kay Mae.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Narinig ko kasi yung boses ni Steven kaya umilip ako sa bintana."

"Ahh... ikaw ah baka makahalata yun sayo."

"Bes, narinig ko kanina yung pinag-uusapan nila, sabi nung kaibigan niya kumilos na daw siya baka daw maunahan pa ng iba.Ano kaya yun?" Malungkot kong sabi.

"Mali yang tanong mo bes hindi ano kundi sino."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa pagkakasabi mo palang, my gustong babae si Steven. Gets ko na agad."

"Aina, Mae bakit kayo nandiyan?" Nagulat kami ni Mae ng biglang labas ni Steven.

"Ah..wala papasok na kami sa room." Sabi ko naman agad.

"Ah. Teka si Chelsie bakit hindi niyo kasama?" Tanong niya.

"Wala pa, hindi pa dumadating. Baka papunta na din yun!" Sabi naman ni Mae.

"Ah sige, una na kami sa room."

Ngumiti lang kami ni Mae.

"Bes kung mag patulong kaya tayo kay Chelsie, diba matagal na niyang kaibigan si Steven." Sabi ni Mae.

"Oo nga, tama ka!" Sang ayon ko naman.

"Doon na natin siya hintayin sa room." Sabi ni Mae.

Habang hinihintay namin si Chelsie, patuloy pa din ang pag-uusap ni Steven at Carlo. Hindi namin marinig kasi medyo malayo sila.

Mga ilang sigundo dumating na si Chelsie pero hindi namin naka-usap kasi dumating na din agad si Mam.

"Okay makinig kayo. Sa mga susunod na Linggo magkakaroon kayo ng BALL." Sabi ni mam.

"Mam magkano po?" Tanong ng isang classnate namin.

"700 bawat isang tao ang payment. Ito ay formal so it means pang formal ang suot niyo. I asked our coordinator na Long gown and short gown ay okay lang. At ito ay Required hindi pwedeng hindi sumali."

Excited yung iba naming classmate yung iba naman ayaw sumali kasi tinatamad daw.

"Romnick and Judith kayo ang i a-aasign ko na gumawa ng by partner sa pag pasok sa loob ng venue. Makinig ng more announcement about this event. Tomorrow I need the list kasi as soon as possible dapat maayos agad para walang problema."

By partner, sino kaya ang mapapapunta sa akin. Kung pwede lang si Steven san siya nalang. Pero nahihiya din ako.

Pagkatapos ng klase saka namin kinausap si Chelsie.

"High School kami wala namang naging girlfriend si Steven kasi naka focus siya sa pag-aral." Sabi ni Chelsie.

"Eh sa tingin mo sino kaya yung gusto niyang babae?" Tanong ko naman.

Unfinished Love Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon