Unfinished Love 30

1.7K 66 9
                                    

Hello Ethel Balba  this chapter is dedicated for you. Thank you for reading my story 😄


~~ ☆ ~~

Dainne's POV

Pagising ko sa umaga si Chelsie agad ang naalala ko dahil may maganda akong ibabalita sa kaniya.

"Good morning, kumusta ka naman diyan sa probinsya?" Text ko sa kaniya.

Habang hinihintay ko ang reply niya sumabay muna akong kumain kila mama.

"Eto hindi okay :(" Sabi niya, mukhang hindi nga okay dahil sa text palang niya mas na emoticons na.

"Ah..oo nga pala ngayon ang libing ng lolo mo. Condolences ulit." Reply ko agad. "May maganda pala akong balita sayo." Text ko ulit sa kaniya.

"Ano naman yun?"

"Dainna kumain ka muna bago ang pag ce-cellphone." Saway ni mama sa akin.

Dainna ang tawag sa akin ni mama at hindi ko alam kung bakit iyon ang gusto niyang itawag sa akin. Minsan dinadagdagan pa niya ng tot ang Dianna kaya napaka-pangit pakinggan.

Tinapos ko agad ang aking pagkain saka ko tinawag si Chelsie. Buti nalang malakas ang signal sa kanila kaya natawagan ko agad.

"Oh bakit?" Bungad agad niya.

"Kasi may maganda akong balita sayo."Nakangiti kong sabi.

"Kanina pa yan ah, ano ba yun?"

"Pumayag na si mama na sa school niyo ako pumasok. So it means magkakasama ulit tayo yun nga lang magkaiba tayo course pero okay lang atleast same school tayo diba?"

"Ahh okay." Sa tono ng boses niya parang hindi siya masaya.

"Hindi ka ba natutuwa sa sinabi ko?"

"Ha, bakit naman?"

"Kasi ganyan yang pananalita mo, parang hindi ka excited." Sabi ko at bigla nalang siyang natahimik. "Hello may kausap pa ba ako?" Dugtong ko pa.

"Ah sorry. Siyempre masaya ako."

"Talaga?"

"Oo nga, bakit pumayag ang mama mo?"

"Pinilit ko, sabi ko dun ka nag-aaral. Sabi ko din na may ma kakilala na ako dun. Ikaw, si Steven, si Aina tapos si Mae."

"Ah.."

"Alam mo Chelsie kanina ko pa napapansin ang tamlay mong kausap. Yung totoo my problema ka ba?" Dineretso ko na siya dahil may pakiramdam ako na may problema siya.

"Oo Dainne meron akong malakinf problema :(" Reply niya.

"Ano yun, gaga sabihin ko agad sa akin baka matulungan kita."

"Uuwi na kasi sila Maris bukas."

"Oh yun naman pala eh, edi magdiwang ka. Diba yun yung maldita mong pinsan."

"Dapat kasama ako pag umuwi sila pero sabi ni mama hindi na daw muna."

"Edi maganda yun, para iwas alila ka sa inyo. Atleast diyan pwede mong gawin diyan yung mga bagay na gusto mo. Teka--- kung hindi ka sasama sa kanila pauwi ng Batangas sinong kasama mong uuwi?"

"Yun na nga Dainne kaya ako ganito kasi sabi ni mama hinndi na daw muna ako uuwi diyan."

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Wait--- paanong hindi ka uuwi dito. Means diyan ka muna hanggang bakasyon?"

Unfinished Love Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon