Unfinished Love 41

1.5K 59 21
                                    

Dahil 10 AM pa naman ang usapan namin ni Kurt gumising ako ng 8:30 para ipaghanda ng breakfast si Lola.

Habang hinahanda ko ang lugaw na ipapakain kay lola my kumakatok mula sa pintuan. Binuksan ko naman agad.

"Uy, buti nakarating ka." Sabi ko kay Veron habang pumapasok siya sa loob. "Pasensiya ka na ah. Day off mo dapat ngayon eh."

"Ano ka ba, okay lang. Sige na ako na ang magpapakain kay lola. Kumilos ka na dahil baka ma late ka sa date niyo ni Sir Kurt. Ayiieee!" Sabay tusok ng daliri niya sa bewang ko.

"Sira hindi yun date!"

"Naku don't me!"

"Diyan ka na nga, pero seryoso salamat ah."

"No problem!"

Naligo na nga agad ako. Pagkatapos kong maligo ay namili na ako ng isusuot ko.

Hmp...ano kaya ang magandang isuot. Kinuha ko ang ang dress sa aking cabinet. Teka---bakit ako mag dre-dress eh gagala lang naman kami sa mall at higit sa lahat mag gro-grocery din lang naman ako.

Alam ko na pantalon with long sleeve. Pero mainit bakit ako mag lo-long sleeve. Ahh...alam ko na sure na 'to pantalon with T-shirt. Sure na!

"Chelsie!" Sigaw ni Veron mula sa labas ng aking kwarto. "Chelsie nandito na sundo mo!"

Sundo??? Aba teka, wala sa usapan na susumduin niya ako. Agad kong inayos ang aking sarili at lumabas na ako.

"Good morning Chelsie!" Bati ni Kurt na napangiti lang naman ako.

"And what are you doing here?"

"I'll fetch you, shall we go?"

Tumingin ako kay Veron "Oh ikaw na muna ang bahala dito ah, i-text mo nalang ako kapag my problema."

"Sige Chelsie, ingat!"

"Bye la!" Humalik ako sa noo ni lola bago lumabas ng bahay.


Pagdating namin sa mall. Naglakad-lakad na kami ni Kurt.

"Kurt can you please help me , I need to buy our needs."

"Oh sure!"

Pagdating namin ay pumunta na kami sa Supermarket. Bumili ako ng fresh milk para kay lola. At mga noodles incase na walang makain sa bahay at kung ano-ano pa.

Hanggang sa pagpuntasa cashier ay sinamahan pa niya ako. Mukha tuloy kaming mag boyfriend at mag girlfiend.

"What will we do next?" Tanong niya sa akin pagkatapos naming mag groceries.

"I want to go to the national bookstore to buy a book but you'll stay here I do not want you to get tired."

"No Chelsie, I was not tired so I will be with you."

Dinala niya ang dalawang eco bag na pinamili ko at simamahan niya ako sa NBS. Ipinahabilin na muna niya ang aking mga pinamili sa guard. Habang naghahanap ako ng bibilhin ko ay naghanap-hanap di  siya ng pwede niyang bilhin.

Mahilig talaga akong mag basa. Kung papasok sa aking kwarto meron doon maliit na cabinet at puro libro ang laman. Karamihan wattpad Stories, ewan ko mas gusto nga yung nag babasa kesa nanunuod.

Habang naghahanap ako ng bibilhin ay nagkita kami ni Zoe.

"Zoe?" Sabi ko.

"Chelsie?" Sabi ni Zoe.

Sabay pa naming pagkasabi. Lumaput sa akin si Zoe.

"This was the second time we met here in National Bookstore. Right?" Sabi niya.

Unfinished Love Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon