Unfinished Love 20

1.9K 65 18
                                    

Dahan-dahan akong lumapit malapit sa may pintuan. Sinubukan kong silipin ng konti sa bintana pero hindi ko makita.



"Sino yan?" Sabi ko. Pero hindi siya nagsasalita patuloy parin siya sa pagkatok.

Kumuha ako ng walis tambo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nang mabuksan ko hahampasin ko na sana pero....

"Wag Chelsie!" Sabi niya habang nakaharang ang kamay niya sa kaniyang ulo. "Surprise!" Nakangiti niyang sabi.


Nagulat ako sa bumungad sa aking harapan. "Dainne?!" Sabi ko habang nanlalaki ang dalawang mata ko.

"Yes your pretty friend, wait---- hindi mo ba ako papapasukin?"

"Sorry, pasok ka na." Sabi ko, saka ko pinaupo sa mono block na may kaharap na table. "Sira ka Dainne!" Sabi ko na may kasamang hampas.

"Utas na ako sa my pintuan kanina. At habang ka-text kita hindi ako tumitigil sa pagtawa." Sabi niya habang tawa ng tawa at may kasamang paghampas sa lamesa.

"Sira ka talaga, kung alam mo lang kung gano ako kakaba. Buti nalang wala akong sakit sa puso." Sabi ko naman. "Bakit mo ba naisipan na gawin yun at bakit hindi ka man lang nagsasbi na pupunta ka dito at pano po nalaman na dito ako nag bo-board?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ano ba yan friend ang dami mo namang tanong. Teka meron nga pala akong dala para sayo." Inabot niya sa akin ang isang plastic na my laman na box sa loob.


Binuksan ko naman agad "Wow doughnut! Thank you!" Tuwang-tuwa kong sabi.

"Welcome! Buti nalang nahanap ko agad 'to alam mo bang muntik na akong maligaw." Sabi niya.

"Talaga? Ikaw naman kasi hindi ka nagsasabi. Bakit mo naman naisipan na puntahan ako dito?"

"Namimiss na kasi kita, sa facebook ko nalang nakikita ang pagmumukha mo." Sabi niya.

"Alam mo grabe ka talaga, natakot ako sa ginawa mo eh." Sabi ko naman.


Habang nag-uusap kami------......


"Chelsie!" Bungad ni Mae na pawisan pa. Sabay lapit sa akin "Anong nangyari sayo, siya ba yung gustong manakit sayo?" Tinuro si Dainne.

"Bes oo siya nga, pero nag jo-joke lang pala siya." Sabi ko naman habang papalapit sa kaniya.

"Sorry bes, na lowbat kasi agad cellphone ko." Sabi naman agad niya habang pinupunasan niya ang pawis sa mukha niya.

"Okay lang basta ang importante, safe ako." Sabi ko "Oo nga pala----Mae meet my friend Dainne and Dainne si Mae." Dugtong ko.

"Hello!" Nagkasabay nilang sagot. Saka sabay tumawa.

"Money for you boyfriend for me." Sabi ni Mae sabay tawa at may kasamang paghampas pa sa akin.

"My hampas talaga? Umupo ka nga muna at mukhang pagod na pagod ka." Sabi ko kay Mae.


Umupo naman agad siya. Pag-upo niya saka ako umupo.

"Pano naman hindi ako mapapagod eh tumakbo ako. Akala ko na kasi kung napano." Sabi ni Mae.

"Sorry, gusto ko lang pag tripan 'tong si Chelsie." Natatawa namang sabi ni Dainne.

"Buti naman at  napakilala ko na sayo si Mae." Sabi ko naman.

"Oo nga eh, teka diba may isa pa si Aina ba yun?"

Napabuntong hininga si Mae "Hay naku wag mo na siyang tanungin." Sabi naman ni Mae.

"Ha bakit?" Gulat namang tanong ni Dainne.

"Mahabang kwento." Sagot ko naman.

"Kasi nainlove lang siya sa isang lalaki nakalimutan na niya na kaibigan niya kami. At ang masakit isipin mas importante yung gusto niya kesa sa amin." Mahabang sabi ni Mae kay Dainne.

"Talaga? So anong nangyari?"

"Ayun, lagi nang nakadikit kay Steven buti nga nakakatagal pa si Steven dun."

"Wait Steven?" Napatingin sa akin si Dainne.

"Oo si Steven nga na classmate natin dati. Boyfriend siya ni Aina."

"Oh now I know. Pero diba ikaw ang gusto niya, paanong nainlove siya sa iba?" napapa-iling na sabi na Dainne.

"Yun na nga si Chelsie ang gusto pero itong si Aina hindi tinitigilan si Chelsie kaya napilitan si Steven na pumayag na maging girlfriend si Aina."

"Ano?" Gulat na gulat na sabi ni Dainne. "Seryoso? Grabe naman pala yung kaibigan niyo na yun!" Pailing-iling na dugtong ni Dainne.

"Wag na nga natin silang pag-usapan." Sabi ko naman. 

"Pero sayang naman kayo ni Steven diba Dainne?" Sabi ni Mae.

"Oo nga eh! Pero wag kang mag-alala meron talagang nakatadhana kay Chelsie, meron siyang Unfinished Love." Kinikilig naman na sabi ni Dainne. "Kumain na muna tayo, nagdala ako ng doughnut." Dugtong niya.

"Wow! Pwede bang pahingi?" Tanong ni Mae.

"Oo naman, sa totoo lang para lahat 'to kay Chelsie pero dahil friend ka din niya share nalang kayo." Nakangiting sabi ni Daine kay Mae.

"Wait lang, kukuha lang ako ng tubig." Sabi ko saka ako tumayo at kumuha ng tubig at bumalik sa dati kong kinauupuan.


Matapos ang isang oras at kalahati naming pag kwe-kwentuhan nag-paalam na si Dainne.




"Oh pano, sa susunod nalang ulit ha! Ikumusta mo nalang ako kay tita." Paalam ni Dainne.

"Sige, salamat sa effort na pag punta dito at sa effort mo sa doughnut." Sabi ko naman.

"Walang anuman. Basta kung may kailangan ka don't hesitate to tell me." Natatawa niyang sabi.

"Wow English, spell hesitate." Sabi ko naman sabay tawa namin ni Mae.

"Ah basta wag kang mahiyang magsabi sa akin." Natatawang sabi ulit ni Dainne.

"Bes sasabay na ako kay Dainne ah, text-text nalang." Singit ni Mae.

"Sige bes, salamat din sa effort."

"Oh isave mo na number ko. Bye alis na kami." Sabi ni Dainne. Kumakaway sila ni Mae habang papalayo sa akin.

"Ingat kayo ha!" Pasigaw kong sabi na may kasamang kaway.

Nang makasakay silang dalawa pumasok na ako sa loob. Nag hugas ako ng plato at baso na ginamit kanina. Pagkatapos kong mag hugas umupo muna ako at nag bukas ng facebook account ko.

"Hi Chelsie!" Biglang chat ni Steven.

"Ano na naman 'to, baka mamaya malaman ni Aina na china-chat mo ako magalit na naman yun." Reply ko naman.

"Hahaha...hindi naman niya alam ang faacebook ko at hindi naman niya malalaman ni chinachat kita."

"Kahit na, ayokong magalit ulit si Aina."

"Alam mo ang bait mo talagang kaibigan."

"Lol!" reply ko.

"Naiinis na nga ako kasi hindi na kita masyadong nalalapitan sa school, si Aina kasi ang kulit."

"Mabuti na din yun para walang gulo. Nga pala next week na tayo gagawa ng Finals ah." Pag-iiba ko naman sa usapan.

"Ah sige.."

"Seven replayan ko lang mama ko ah."

" Sige.."


Pero yung totoo hindi ko naman rereplayan si mama kasi busy pa siya ngayon. Rason ko lang yun para makaiwas kay Steven. Kahit na hindi alam ni Aina nakokonsensya ako, gusto ko lang ng tahimik kaya iiwas nalang ako sa gulo kung maari.

Hindi ako nagtagal na mag online kasi mangungulit lang si Steven kaya nag off line na agad ako. Dahil wala naman akong magawa naisipan ko nalang na maglinis. Inuna ko munang linisin ang kwarto ko. Wala kasi akong dalawang libro kaya wala akong mabasa. Ang boring tuloy!




Written by: nice_licaycay22

Unfinished Love Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon