Part 3

23 0 0
                                        



After a couple of  days ay
Pre-Nup Photoshoot na.

Nakilala ko na din ang lalaking nakabihag sa puso ni Christina si Adam. In all fairness mabait din talaga, napaka gentleman, walang arte, at higit sa lahat nakikipag sabayan sa mga trip nila Ariana at Mariah.

Masasabi ko talagang magiging mabuting asawa at Ama si Adam kay Christina at sa mga magiging mga anak nila.

Akala ko all set na ang lahat until the next day came.

Sa parlor habang nakaharap ako sa salamin at nag aayos ng sarili ko. Ang may bisitang biglang dumating. Ang aking upcoming bride na si Christina

"Mamu!!!!" Sigaw ni Christina.

"I would like you to meet someone, ang taong di pwedeng mawala sa kasal ko my mom, mommy Celine." Pakilala ni Jessica.

Nang lumingon ako kay Christina, halos di ako makagalaw. Nanlaki ang mata ko at halos walang hanging dumadaloy sa dibdib ko.
Gayun din ang kasamang babae ni Christina, sya din ay pareha ng naging reaksyon ko. Halos nanlaki din ang kanyang mata pero hindi sa gulat kundi sa galit.

"Anong ginawa mo ditong malading bakla ka?" Galit na tugon ng nanay.

"Nag ttrabaho malamang, parlor ko to diba? Tanga ka parin talaga!" Pagmamaldita ko rin.

"Ang kapal talaga ng mukha mong bakla ka! matapos ng lahat ng nangyare ikaw pa talaga may gana mag taray walang hiya ka!!! Pinangako ko sa diyos na pag nakita kita kakalbuhin kitang malandi ka!!!" Sabi ng galit na galit na sabi ng nanay ni Christina.

"Aray ko, walang hiya ka!! Arayyy!!" Tugon ko habang nakahawak sa ulo ko na sinasabunutan ng nanay ni Christina.

Hinila hila nya ako sa loob ng aking parlor, napa pikit na lamang ako sa sakit.

Panay awat naman sila Ariana, Mariah, at Christina. Ng bitawan nya ako ay sinubukan kong tumayo ng maayos, minulat ko ang aking mata pero di ko talaga kaya, nahihilo ako, sobrang labo ng nakikita ko at ang huli kong naalala ay ang biglang pag salo sakin nila Mariah at Ariana.

To be continued......

KALEIDOSCOPE WORLDWhere stories live. Discover now