Part 2

30 0 0
                                        



Tok tok tok!!

Natigil ang aming music video session dahil sa katok sa pinto.

"Magandang umaga po, ako nga po pala si Christina Tuazon. Hinahanap ko po si Adrian Lagro, dito po ba sya nakatira?" Tanong ng babae.

Halos mabulunan naman kami sa kakatawa ni Mariah, kasi di na naman ginagamit yung mga tunay naming pangalan. Mas kilala kami sa kung sino kami ngayon.

"Ako yun bakit?? FYI it's Ariana not Adrian." pagmamaldita ng bakla.

"Aayy sorry girl, ako ung pinsan ni Jessica nirecommend nya sakin yung team mo bilang handler ko sa kasal ko." Balita ng babae.

"Aayyy ikaw ba yun. Nako pasensya na, ang ganda ganda mo naman. Model material ka, statuesque, fierce. For sure ikaw ang pinakamagandang ikakasal sa buwan na to." Pang loloka ni Ariana. Natawa nalang kami ni Mariah sa asal ng baklang to.

"Ayy sya nga pala papakilala kita sa team namin, si Mariah"

"Hi I'm Mariah, 16 virgin!" nagkamayan ang dalawa.

"And this is Mamu Beyonce, sya ang may ari ng parlor namin." Nakipag kamay din ako.

"Nice to meet you po" masigla nyang bati.

"Hali ka hija maupo ka muna ng mapag usapan natin yung theme na gusto mo at sa iba pang detalye." Mamu

Timeless elegance ang napiling theme ng bride to be. Gusto nya na kahit after 10 or 20 years nang lumipas ang kasal nya at masasabi paring pasok sa pa sa banga ang mga makukuha nilang litrato.

Buti nalang at package ang kinuha nya kaya pati mga bridemaids at kamag anak ng bride at kami din mag aayos. Malaking bagay ang mga ganitong raket samin. Bukod sa bayad ng serbisyo namin at may libre pakain pa at sagot lahat ng expense namin depende sa location ng kasal.

Naging maganda ang usapan namin at very excited ang bride to be sa kalalabasan ng ayos nya.

To be continued........

KALEIDOSCOPE WORLDWhere stories live. Discover now