Part 5

18 0 0
                                        



Nagkapatawaran na rin kami ni Celine, pina intindi namin sa kanya sa kabila ng lahat ng nangyare ay may isang anghel na bunga ang kapalit.

Kami padin ang kinuhang handler ng anak ko.

Sa mismong kasal habang hinahatid sa altar ang anak ko ng kanyang mommy at kinilalang daddy, at pumagitna ako't humarang.

"Pare, ok lang ba kung hingiin ko ang pagkakataong ito na maihatid ang anak ko sa altar??" Pakiusap ko sa kanyang daddy. 
Agad namang pumayag ang kanyang ama at kami ni Celine ang nag hatid kai Christina sa nag hihintay nyang kabiyak sa altar.

Pag dating namin kai Adam.

"Hijo ingatan mo ang anak ko, wag mo sya iiwan at ipaglaban mo ang inyong pag mamahalan kahit ano pa mang manyaring pagsubok sa inyong pag iibigan. Nawa'y maging mabuti kang ama sa inyong magiging anak at maging masaya ang inyong pag sasama." Pangaral ko kai Adam.

"Makaka asa po kayo Pa." Sagot ni Adam.

Nag simula na ang seremonya. Eto na ata ang pinakamasayang araw ng buhay ko, ang makitang masaya ang mga mahal ko sa buhay. Masasabi kong naging makulay nga ang naging buhay ko. May mga kumupas man pero ang marka ay mananatiling naka ukit at nagpapahayag kung ano ang ginagampanan nila sa buhay mo.

Masaya akong lisanin ang mundong ito. Dito na mag tatapos ang libro ng buhay ko, isang kwento ng baklang may makulay na buhay.
Bawat kulay bawat anyo may kahulugan.
May matingkad may madilim, nakakahilo laruin.

Parang Kaleidoscope.

The end

KALEIDOSCOPE WORLDWhere stories live. Discover now