Nagising ako sa lugar na kung saan puro puti lang ang aking nakikita. Kahit hirap mag salita ay nasabi kong..."Ang liwanag, nakikita ko na ang liwanag. Diyos ko kung kukunin nyo na po ako ay handa na ako." Maluha luha kong bigkas.
Agad naman naman ako naka ramdam ng batok mula kay Mariah..
"Gaga!! maliwanag talaga Mamu kasi ayan oh may ilaw. Tsaka bat ka ganyan ang daya daya mo, bat di mo sinabi saming Lung cancer na pala yang sakit mo, stage 4 na pala" maluha luhang sabi ni Mariah. Napansin ko din ang mugto ng mga ibang taong nandoon, sila Ariana at Christina kasama nya si Adam.
Biglang lumapit sakin si Christina at humawak sa kamay ko. Tumingin sya kila Mariah, Ariana, at Adam. Agad namang nakuha ng tatlo ang nais nyang iparating at agad lumabas ang tatlo sa kwarto.
Mahabang katahimikan ang nanaig saming dalawang.. Di ako makapag salita, hindi ko kaya..
"Pa..." halos pabulong na bigkas ni Christina.
Di ko mapigilang tumulo ang luha ko, sobrang sikip ng dibdib ko.
"Anak..." saad ko at agad ko syang niyakap.
Puro iyakan lang namin ang maririnig sa kwarto.
Ng mahimasmasan kami ay nag simula na syang nag kwento."Pa, nasabi na po ni mommy Celine sakin ang lahat. Napatawad ko na po kayo.." sabi ni Christina.
"Anak pasensya na wala ako sa tabi mo nung lumaki ka, masyadong magulo nung panahong iyon. Galit ang nanay mo sa nangyare samin. Maski ako di ko masikmura ang tagpong iyon. Mga bata pa kami nun at dala ng impluwensya alak ay nagawa ang mga bagay na di dapat, pero sa lahat ng mga nangyare ang isang magandang bunga ang naging dulot nito. Ikaw anak, ikaw ang biyaya na binigay samin.." mangiyak ngiyak kong sabi.
"Walang araw ang dumaan na di kita inisip, araw araw pinapanalangin ko sa diyos na sana nasa mabuti kang kalagayan, sana sa maayos kang tahanan nakatira. Kaya pala ang gaan gaan ng loob ko sayo nung unang beses palang kita nakita." Dagdag ko pa
"Ako din po Pa, sobrang gaan ng loob ko sa inyo." Sabi ni Christina.
Muli niyakap ko ang aking anak..
To be continued......

YOU ARE READING
KALEIDOSCOPE WORLD
Historia CortaAng kwentong eto ay may tema na naaangkop sa mundo ng LGBT. Buksan ang isipipan at alamin natin ang kanilang kwento bago natin sila husgahan.