One.
Not BenPao but BenKa
Ako si Pao. Paoline Gerah Villena. Sa buong buhay ko, isang beses pa lang ako nagmahal.
Pero hindi ko alam, kung minahal ba niya ako o nagpadala lang siya sa udyok ng ibang tao.
Ewan ko, ikekwento ko na lang lahat, kayo na ang bahala.
January 4, 2010
Batangas City
"Putek. Late na naman ako sa klase ko! Ampupu!" Sabi ko habang naglalakad sa kahabaan ng EDSA...deh, joke lang. Naglalakad-takbo ako ngayon sa covered walk ng campus namin.
Kalalagpas ko lang sa guard matapos kong ipakita ang ID ko. Haiyy naku. Kung may makakakita man sa akin ngayon, mapapagkamalan nila akong isang losyang na babae. Paano ba naman, sa kamamadali ko, nakalimutan ko nang magsuklay! Sino namang matinong babae ang lalabas ng bahay na di nagsusuklay?!! Ako lang! Ako! Kaya habang sakay ako ng jeep, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Para at least, kahit papano, magmuka naman akong presentable. Terror pa naman ang teacher namin sa 1st subject namin. Paktay talaga ako dun.
Pero okay lang, maganda pa din naman ako. Maganda as in deep black eyes, medyo kinulang sa ilong pero ayos lang naman, tsaka ewan ko kung bakit pero ang kissable at mapupula ang lips ko.. Akala nga ng iba naglilipstick ako eh.
Tumakbo ako nang tumakbo nang tumakbo hanggang sa boom---!
Nabangga ako ng isang babaeng ewan ko ba kung nagfafashion show lang dito sa covered walk. Natapon tuloy ang mga libro, xerox copies at yellow paper na dala ko!
("_-_) PUTENGENE NAMAN EH.
"ANO BANG PROBLEMA MO??" Singhal ko sabay limot sa mga nagkalat na gamit ko sa sahig. Putek talaga. Bigyan niya ako ng maganda-gandang rason para hindi ko siya patayin!
"Sorry naman, miss. Nahihilo po kasi ako kaya ako napatigil." Huu. Pasalamat ka pusong mamon ako. =____= Bumaba din siya at lumimot sa mga nagkalat kong gamit. Pinatigil ko siya dahil ang sabi niya ay nahihilo siya pero pinabayaan ko na din siya nang ayaw niyang magpasaway.
Natapos kami sa paglimot ko ng gamit ko at tumayo na kami.
"Nahihilo ka di ba?!"Sabi ko sa kanya. Hay naku, late na din naman ako kaya di ko na pipilitin. Next class na lang.
"Oo, pero nawawala na eh. Sinusumpong ako nun minsan. Pasensya ka na ha. Naitext ko na naman ang boyfriend ko. Anytime soon, pupunta na siya dito. Sa kabilang building lang yun eh."
"Ahh..." Tumango-tango ako habang kipkip na kipkip ang mga gamit ko.
Naglakad-lakad kami hanggang sa nakita ko siya na umupo sa isang bench doon. Niyakag din niya akong umupo. Binaba ko na din ang mga gamit ko at umupo sa tabi niya.
"Ako nga pala si Jeka. Ann Jelika Alonzo." Sabi niya sa akin at naglahad siya ng kamay sa harap ko.
"Pao. Paoline Gerah Villena." Ginagap ko na din ang kamay niya.
"So, anung course mo? Ako dyan lang sa tapat." Tumuro siya sa may katapat na building. "Architecture, 3rd Year. Ikaw?"
Mukha naman siyang mabait. Ngayon ko lang napansin, ang ganda-ganda niya. Yung mga mata, as in, talo ang mata ko sa pagkablack. Yung ilong naman niya, ang tangos tangos... Tapos ang labi niya, talo talaga yung akin! Mas mapula! Tsaka yung balat niya, ang puti-puti. Sa halip na mainsecure ako, natuwa ako. Kasi, magkalevel kami ng beauty. Charos!
BINABASA MO ANG
I Guess... I Wanted You More
Science FictionSila na. Tapos nagbreak pa. Naging sila ulit. Nagbreak ulit. Bakit kaya nagbebreak sila eh mahal na mahal naman nila ang isa't-isa? Kelan kaya magiging back in each other's arms ang drama?