Epilogue

464 9 0
                                    

Author's Note: Dalawang linggo ko pong pinag-isipan ang ending nito. Haiyys. Sana magustuhan niyo kahit papano. =________________=

Epilogue (na agad?)

Mga 6pm, pumunta ako sa boarding house nina Pao, kakausapin ko sana siya. Pero pagdating ko doon, sina Erica at Rwellein lang ang nadatnan ko.

"O, Ben!" Bati ni Erica sa akin.

"Bakit ka nandito?" Tanong sa akin ni Wewe.

"Nasaan si Pao? Kailangan ko lang siyang makausap."

"Ah, eh. Wala na dito eh. May date daw sila ni GJ. Panghuli na daw." -- Erica

"Panghuli? Bakit?" Curious kong tanong.

"Hindi mo ba alam? Lilipat na siya sa SAC ulit. Ayaw na da--"

"NASAAN SILAA?"

"Di ko alam eh. Pero nakapang-gimmick si Pao. Baka sa club. =___="

"O, sige!" Sigaw ko sabay takbo papunta sa kotse ko. "Salamat!"

Pinaharurot ko na ang kotse ko. Pihado nasa highway lang yun. Yun lang ang bar dito na medyo desente. Yung iba malayo pa ng kaunti.

Malapit na ako nang may nagtext sa akin.

From: Boy Jaks

Pare, nakita ko si Pao sa Block 77. Kasama ka ba niya?

Shit! Mali ako! Dinala pa ni GJ si Pao sa mas malayo. Pinaharurot ko pa ang kotse ko. After 2minutes, pinark ko na ang kotse ko sa gilid ng club na yun.

Kinuha ko na ang cellphone ko sa may upuan at lumabas. Tinawagan ko si Pao para makita ko kung sino ang may hawak ng cellphone, pero di siya sumasagot. Ang ingay-ingay, typical na club kaya nakakabadtrip.

Tinext ko siya.

To: Siya Lang Talaga

Nasaan ka na? Itext mo ko kung nasaan ka! Damn, will you atleast get out of trouble now?

Nakailang text at tawag ako sa kanya pero walang sumasagot.

Putang ina. Saka ko lang naalala na nagpalit nga pala ako ng cellphone dahil naihagis ko ang cellphone ko sa labas ng bintana nang iwan ako ni Pao kahapon.

Pao.. nasaan ka na ba? Sasabihin ko na sayo lahat. Lahat-lahat...

Delikado si GJ.. Siya ang Master ko.

Tinawagan ko si Pao.

Calling.....

Siya Lang Talaga

At sumagot siya.

"Hello?!"

"Pao! Nasaan ka na?" Sigaw ko.

"Helllo?" Rinig ko sa kabilang linya.

"Pao! NASAAN KA NA??!" Sigaw ko pa.

Napakachoppy ng linya na naririnig ko.

Pero makalipas ang halos limang segundo ay pinatay na niya ang cellphone niya. Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

Hinalughog ko ang buong club na yun, nakita ko si BJ a.k.a. Boy Jaks sa counter na may kakalong na babae.

"Pare, nasaan si Pao?"

I Guess... I Wanted You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon