Four. Hell Hath No Fury For A Woman Scorned

474 13 3
  • Dedicated kay Ann Jelika Dionela
                                    

Four. Hell Hath No Fury For A Woman Scorned

"Hanggang kailan?"

"Stop this."

"Hanggang kailan mo lolokohin si Pao?" Nagpantig ang tainga ko.

"Pag nakuntento na si Master. Alam mo naman yun di ba?"

"Oo alam ko. Pero sinabi mo sa akin. Sandali lang to."

"Malapit na. Wag kang mag-alala."

"Pag napaiyak mo siya... tapos na di ba?" Ramdam kong naningkit ang mga mata ko. Nanginginig ako sa galit.

"Oo, tapos na."

"Mahal mo ako di ba?"

".......oo."

I guess I wanted you more

Now looking back now I'm sure

Naglakad ako palabas.

At nakita ko sila.

NAGHAHALIKAN pa.

Nakita ko na nakita na ako ni Ben. Dali-dali siyang humiwalay kay Jeka at humarap sa akin.

"Narinig ko na lahat." Sabi ko sa matigas na tinig. Masakit eh. Na naman.

"A-Ang alin?"

"Tumatawag ka sa akin." Napahawak siya sa bulsa niya ngunit alam kong hindi niya makita.

"Magpapaliwanag ako."

"Bakit ka pa magpapaliwanag Ben? Para saan pa? NASAKTAN MO NA SIYA!" Sigaw ni Jeka.

"TUMAHIMIK KANG HALIPAROT KA." Sabi ko sa kanya. Mahina pero mariin. Nakita ko siyang napatigil sa pwesto niya.

"Ano to, Benetton? Naglalaro ka?" Sabi ko. Ramdam kong nanlalamig ang kamay ko. Gusto ko nang makapanakit ng tao.

"Pao.. magpapaliwanag ako. Makinig ka sa akin." Parang hirap na hirap na sabi niya. "Magtiwala ka sa akin ngayon." Hinawakan niya ang braso ko pero iwinasiwas ko ito.

"TIGILAN MO NA NGA ANG KAHIBANGAN MO BENETTON!" At akma niyang hihilahin si Benetton pero nauna ako sa kanya. Dinakma ko ang braso niya at hinila ang buhok niya.

Akma akong pipigilan ni Benetton pero sinigawan ko siya, "PUTANG INA MO HINDI KA MAKAKAUWI NG BUHAY!" Hinihila niya ako pero hindi niya ako kaya.

Hinila ko nang hinila ang buhok ni Jeka. Inaabot niya ang buhok ko pero hindi niya maabot. Iniharap ko siya sa akin at sinampal siya.

"Hayop ka. Alam kong kasama ka ditong hayop ka." At matapos yun ay itinulak ko siya kay Ben. Gigil na gigil ako ngayon.

Inilayo ni Ben sa kanya sandali ang babaeng yon at lumapit sa akin.

"Pakinggan mo ako.."

"Para saan pa?" Sabi ko sa mahinang boses. Ikinuyom ko ang kamao ko at sinuntok siya sa mukha. Napaatras siya sa sakit. Sapo pa niya ang pisngi niya. Noon ko nakitang madami na palang tao ang nanunuod sa amin.

"P-Pao...." Sabi ni Ben.

"Huwag. Huwag kang lumapit sa akin." Sabi ko sa mahinang boses. "Gusto ko lang.. Gusto ko lang malaman kung.. bakit mo ginawa to?"

"Simple lang." Noon may dumating na isang lalaki. Kilala ko siya. Si GJ. Ang dati kong manliligaw. Lumapit siya sa akin. "Simple lang ang dahilan. Dahil gusto niyang makapasa ngayong 3rd Year."

Napabaling ang tingin ko kay Ben.

"Totoo ba?" Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Inutusan siya ng Master niya na makipagbalikan sayo." Humakbang si GJ malapit sa akin. "Kasi pag nagtagumpay siya, pasado na agad siya sa Fourth Year. Wala siyang bagsak.  Madali nga lang naman daw ang gagawin niya." At ngumiti pa si GJ nang nakakaloko.

I Guess... I Wanted You MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon