Dustin's POV
Tingin sa relo 6:15pm
Baka OTW na siya.
Ma-text na nga lang.
To Honeyqoh_Lorraine:
[ Hon.,nasan kana? ]
Message send
Tingin ulit sa relo. 6:35pm
San na kaya un?
Nakalimutan ba nya?
Hindi, baka naman trapik lang. Oo natrapik lang sya.
Matawagan na nga lang.
Calling honeyqoh_Lorraine...
The number you dialed is blah blah blah...
Sh*t! Out of reach pa!
Ano na kaya nanyare sa kanya? Baka kung napano naman na siya. Sana naman wala.
Tingin ulit sa relo 7:00pm
1 message receive.
honeyqoh_Lorraine:
[ Sori Hon, nalobat kase yung phone ko kaya hindi na ako nakapagreply pa, kakauwe ko lang ngayon ninayaya kase ako nila Nicole magshopping nawala kase sa isipan ko na may dinner date pala tayo...sori talaga hon.. next time nalang huh? I love you hon..]
Psh! Nakalimutan nya bang 3rd monsari namen ngayon? Bakit sa lahat ng araw ngayon pa niya naisipang magshopping? Wala na nga kame halos oras sa isat isa dahil lage nalang syang busy sa school tapos ipinagpalit nya pa ang date na to sa pagshohopping!
To honeyqoh_Lorraine:
[ Its ok Hon, matulog kana para makapagpahinga maaga kapa papasok bukas. Happy 3rd monsari hon.I love you too ]
Message send
Bakit sa dinami dami ng makakalimutan eh yung monsari pa namen! Psh!
"Ahm.. Sir... Mag'oorder na po ba kayo?" Waiter
Kahit naman anong sarap ng kakainin ko ngayon hindi ko maeenjoy..psh.
"Just give me Lasagna and any kind of drinks. " tsk..
Habang naghihintay sa order may narinig syang dalawang babaeng nag-uusap sa di kalayuang pwesto. Nasa likod nya kaya hindi niya nakikita kung sino sila.
Alison? Hindi naman siguro si Alison yun..(nasabi nya sa isip nya habang nakikinig sa dalawang babaeng nag-uusap) mahigpit ang Daddy nya at nag-aaral pa siya kaya imposibling magka boyfriend sya ngayon at isa pa mhindi naman nya siguro isusuko kaagad ang sarili niya dahil sa pagkakakilala ko sa kanya eh marunong siyang babae na hindi magpapaloko kung sakasakali kaya imposibling siya yun.
Alison's POV
"Samantha"Alison
TT___________TT
"Pano na yan? delayed ako." Alison
"Oh eh anu naman ngayon? Normal lang naman yan ah? Ako din naman nadedelay eh..." Samantha
"Oo nga normal pero iba naman ang sitwasyon ko sayo. Hay naku! Bakit ba kasi ikaw ang kinakausap ko ngayon..." Alison
"Gusto mu sagutin ko yang tanong mu?" Samantha
" Ay ewan ko sayo! Diba nga kasi may nangyare samin ni Gab. So iyon ang kinakatakot ko baka may.. Alam muna..." Alison
"Anong alam muna?" Samantha
"Baka may . . .nabuo?. . . baka buntis ako... *sigh*" Alison
"Oh? ayan naman pal.... TEKA ALISON!!!.... ANO nga ulit yung sinasabi mu??? Anung pinagsasasabi mong baka may nabuo??? Can you please CLARIFY!!! Make it CLEAR!!!" Samantha
"Samantha naman eh! Kelangan pa talaga ilakas? Gusto mo ikuha pa kita ng mic? Kainis ka! Ayan oh!.. Pinagtitinginan na tayo! Kahiya ka!!!" Alison
"Eh liwanagin mu naman kase.. Binibitin mo pa eh..." Samantha
"Maliwanag naman! Hindi ka lang kase nakikinig. Nakakita ka lang ng gwapong lalaki eh. Lumipad na utak mo... Paki'check nga kung nadyan pa underwear mo baka natangay nadin!" Alison
"Nandito pa naman.. hahahaha" Samantha
"Hay naku!!! Talagang tinignan nga! Masisiraan talaga ako ng bait sayo eh! Lord bakit po ganito ang kaibigan ko! Madame namang iba dyan eh pero bakit siya pa Lord!" Alison
" Ang sama mo Alison! Binibiro ka lang eh. Ako binigay sayo ni Lord kase masyado kang serious. Mahirap yun baka magbigti kana lang dyan. Pasalamat kana lang dahil may maganda at seksi kang kaibigan noh!" Samantha
"Oo na! Thank you Lord sa maganda at seksi kong kaibigan. Oh ayan? Happy? Pwede serious na ulet?" Alison
"Ok! Go!" Samantha
"So anu na nga gagawin ko? pano kung buntis nga ako? LAgot ako nito kay Daddy." Alison
"Alison naman! Malamang sa alamang eh magagalit ang Daddy mo sayo tsaka isa pa hindi niya alam na may boyfriend ka so ano ine-expect mu? Babatiin ka nya? Magpapaparty siya kase yung kaisa-isa niyang anak eh buntis? Hindi lang yun napakabata mo pa! Naku! Talagang mayayari ka sa Daddy mo! Magdasal kana sa lahat ng santong alam mo! Hindi ko din alam kung buntis ka hindi naman ako doctor noh! Pero bakit hindi ka muna mag PT?" Samantha
" *sigh* Teka anu ba yung PT?" Alison
"PT?!? Gamot Para sa Tanga?!? naku naman best! PT lang hindi mu pa alam? Samantalang makakabuo na kayo lahat lahat eh Pregnancy Test hindi mo pa alam? May sarili kayong hospital tapos doctor ang Daddy mo nursing pa ang course mo! Grabe teh! " Samantha
" Aahh. Oo nga noh? Sorry naman best! Dame ko na kasi naiisip eh. Naguguluhan na ako. May isip karin pala Samantha?" Alison
"Anung akala mo naman saken? Ikaw lang naman ang wala noh! Akala ko ba naman matalino ka? Bakit andali mong sinuko ang iyong... hay naku ka sarap mong iuntog alam mo ba yun?!!!" Samantha
" Eh kase naman mahal ko sya anong magagawa ko? Alam kong mahal niya din naman ako kaya nung gabi na yun hindi na namin napigilan yung sarili namin..." Alison
" Ayan ka nanaman sa mahal mahal na yan eh ayan tuloy! So anu na gagawin mo kung sakali mang alam muna?" Samantha
"Ewan ko, Hindi ko alam best eh. Basta, bahala na ang bukas! Kung sakalinmang OO sigurado naman akong pananagutan niya ako dahil ginusto naman namin yung nagyari eh tsaka nagmamahalan kame at alam kong responsable si Gab" Alison
"Kaya ayoko maging matalino kase tatanga-tanga sa pag'ibig. Basta kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Baka naman patiwakal ka kawawa naman yung baby kung sakali hindi nya makikita ang tita niyang maganda at seksi pa. Hay! Sarap mo talagang iuntog sa pader eh Alison!" Samantha
( Natapos ang usapan ng dalawa ng may malalim na iniisip si Alison...)
Kailangan ko ng malaman bukas kung buntis nga ako. Pero panu kung oo nga? Naku naman!!! Bakit kase hindi muna ako nag-isip nung ginawa namen yun eh makakapaghintay naman yun kung sakali. Tanga tanga ko talaga! Anu nalang sasabihin ni Daddy saken? Siguradong mapapagalitan ako! Pano na pag'aaral ko? Ang'image ni Daddy? Pananagutan kaya ako ni Gab? Pareho pa kameng nag'aaral at bata pa iniisip ko pa lang parang gusto ko nang lamunin nalang ako ng lupa ng mawala nalang ako sa mundo.
EPAL/NOTES ayan! hanggang diyan lang muna... hahahah... first story ko to kaya naman sensya na ah? hehe.. yan lang nakaya ng utak ko eh.. salamat sa mga magbabasa.. ^__________________^