Alison's POV
Bago matapos ang party gusto ko muna makausap si Dustin para itanong kung bakit siya pumayag sa kasal na sinasabi ni Daddy.. nakakahiya sa kanya.. *sigh*
"..Dustin.." tinawag ko siya para kausapin kaya lang hindi ko napansin na may kausap pala siyang babae.. tumingin naman siya sakin.
"Alison.." Dustin
"ahmm.. hehe..sori hindi ko napansin na may kausap ka.. Sige mamaya nalang.." yun nalang ang nasabi ko kase naman nakakahiya dun sa babae mukang may seryoso silang pinag'uusapan umalis na muna ako para puntahan si Samantha.
lakad.. lakad...lakad..
Nakita ko si Samantha kaya lang may kausap sa phone naman...ano ba yan.. lahat nalang sila may kausap.. party ko ngayon bakit ako ang walang makausap? .. hahaha.. chos! yaan na nga mamaya nalang..
Habang naglalakad pabalik nakita ko si Dustin na naglalakad na rin siguro tapos na sila mag'usap nung babae kanina. Sino naman kaya yung gurl na yun??? Girlfriend niya kaya??? Bala na nga lang! Paki ko naman diba? hahaha... xDDD
"Alison.." Dustin
"..ahMm.. Hi!.." hahaha.. yun nalang nasabi ko kase naman bakit nakangiti pa? Tatawagin lang naman ako!.. lels.. wak kang ganyan baka totohanin ko na lang yung kasal natin eh!.. wew! londeeee!!!
"..so? may sasabihin ka ba?" Dustin
wait? may sasabihin nga ba ako? hahaha... kakatanga naman siya! bakit ba kase ampogi niya ngayon???
"Ah.. oo about dun sa kasal.." yun naman talaga ang sasabihin ko diba? hahaha
"Ano kase eh.. nakakahiya na sayo kung papayag ka pa na magpakasal saken.. balak ko nalang sabihin na kay daddy yung totoo na hindi naman talaga ikaw ang boyfriend ko.." *Sigh* siguro nga dapat ko ng sabihin kay daddy yung totoo kesa naman may madamay pang iba labas naman na si Dustin dito eh..
"..ako na mismo ang pumayag sa kasal kaya wala ka ng dapat isipin ngayon.." Dustin
"HUH??? bakit ka naman pumayag? dapat kinausap mo muna ako hindi na biro kung magpapakasal ka sakin isa pa alam mo namang hindi sayo ang dinadala ko eh kaya bakit bigla bigla ka nalang pumapayag?" Ano kayang nakain nitong lalaki na to at pumayag na magpakasal sakin?
".. hayaan muna wag muna lang itanong hindi ba dapat masaya ka kase pumayag akong magpakasal sayo?" Dustin
At ngumiti pa ang loko??? wew! bakit siya ganyan!!!
"Eh??? Sinabi ko bang gawin mo yun? Sinabi ko lang magpanggap kang boyfriend ko pero ang magpakasal??? Ibang usapan na yan.. hindi kaba natatakot na akuin ang responsibilidad??? sana nag'isip ka muna bago ka pumayag sa gusto ni daddy o kaya naman sinabihan mo muna ako para naman nakagawa pa ko ng paraan kung sakasakali.. hindi yung .." Naputol ang sasabihin ko kase naman bigla siyang nagsalita.. may utang na loob ako sa kanya pero bastos lang huh.. nagsasalita pa eh.. nag'aalala lang naman ako sa kanya kase hindi na biro ang papasukin niya though okay yun para sakin kase meron ng aaku ng responsibilidad sa magiging anak ko.
".. wag kang mag'alala pinag'isipan ko naman ang lahat eh.. mabuti pa magpahinga ka nalang maaga ka pa gigising bukas sabi ng daddy mo samahan daw kita sa OB para sa check up .." Dustin
Wow huh? Close na sila ng daddy??? kelan pa???
Dustin's POV
Hindi ko alam kung bakit nandito si Lorraine at kung bakit niya ako kinukulit na makipag'balikan sa kanya though sinabi ko naman sa kanya na alam ko na ang lahat ng kalokohan nila ni Lexus at hindi na nila ako maloloko pa. Kung may balak man sila sakin ulet well hindi na nila yun magagawa... sinabi sakin ni Gelo ang lahat ng narinig niya habang nag'uusap sila ni Lexus.
