"Clyde!" Hinabol ko siya kahit alam kong ayaw niya akong kausapin.
"Clyde, sandali!" Hinabol ko siya kahit nagbabadya na namang pumatak ang mga luha sa mata ko na ang tagal kong itinago.
Dito rin pala mauuwi ang lahat.
"Clyde, makinig ka muna please?" Sabi ko at pinilit siyang iharap sa akin.
He looks miserable and so am I.
"Now what?" Inis na sagot niya habang pilit na inaalis ang kamay kong nakahawak sa mukha niya.
Ang sakit.
Ganito palang magpaka tanga. Ganito pala yung pakiramdam na ipagsiksikan yung sarili mo sa taong akala mo mahal ka.
"C-Clyde, ayusin natin 'to please, hindi ko kayang wala ka." At unti-unti nang lumabas ang mga luha sa mata ko.
"Really?" Napahawak siya sa buhok niya at napapikit.
"You're crazy! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tapos na tayo?" Nanlamig ang buong katawan ko, pang ilang beses na ba 'to? Isa? Dalawa? Lima?
" Akala ko ba mahal mo ko?" Hinawakan ko ang mukha niya, hindi ko na mahanap ang tamang salita para sa kanya. Gusto ko siyang ibalik sa dati, gusto kong ibalik yung kami. Pero sa ngayon parang imposible na 'yong mangyari.
He gently pushed me away.
"Sorry pero... Masaya na ko." Hindi ko maintindihan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Tapos na tayo." I closed my eyes and let the tears run down my face.
Sobrang sakit.
"I'm sorry."
Tuluyan niyang tinanggal ang kamay ko sa mukha niya at umalis.
Akala ko dati para sa mga tanga lang ang pag-ibig. Akala ko para sa mahina lang ang masaktan. Akala ko para sa mababaw ang kaligayahan lang ang saya.
That's what I thought before he entered my life and turned everything upside down.
Now he's gone with the wind, leaving me senseless again.
BINABASA MO ANG
Aidam
General FictionI can't ignore Aidam anymore, she's been bugging me for a long time. I know I had to do something and so I wrote her down. - Rie