«Kabanata 3»

19 4 0
                                    


Pagmulat palang ng mga mata ko ay agad na nitong hinanap si Clyde, pero wala siya sa kahit saang sulok ng kwarto ko. Bigla akong nalungkot, akala ko pa naman makikita ko pa siya paggising ko.


Napailing ako at pumasok na sa banyo para maligo, anong oras na din akong nagising baka ma late ako.


Nang matapos na akong maligo ay napatitig muna ako sa salamin bago lumabas. Mugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi pero bakit ang saya ko pa din?


I gently bit my lower lip at napangiti ng maalala ko ulit yung kagabi.


"Aidam, 'wag kang magpadala sa kilig." I reminded myself.


Tama, hindi ko dapat i set aside yung mga nangyari kahapon dahil lang sa halik. 


Nang nakabihis na ako ay agad akong lumabas ng kwarto to finish my morning routine pero nahinto ako nang may marinig akong ingay na nanggagaling sa kusina, parang may nagluluto?


Dahan dahan akong bumaba sa hagdan para i check kung sino iyon, pero bago pa man ako makababa ay napatingin siya sa'kin.


"Good morning." He smiled a very sexy smile.


Hindi ko maiwasang maalangan sa nakikita ko, bakit ba kahit nagagalit ako sa kaniya sobrang hot parin niyang tingnan sa white t-shirt niyang suot? Nakakasira talaga ng ulo.


"G-good morning." Utal kong sagot. Oh my gods! Umayos ka nga Aidam! Hindi ba galit ka sa kanya? Kaya umayos ka.


"Did you sleep well?" Tanong niya, tumango ako bilang sagot.


"Sinong hindi makakatulog ng maayos kung ikaw ang katabi? My gosh! akala ko ba matalino ka?" Sabi ng isang part ng utak ko. Pati utak ko hati ang opinion.


"Hindi ka umuwi sa inyo?" Tanong ko kay Clyde nang makalapit ako sa kaniya.


Umiling siya. "You won't let me leave." He chuckled then inilapag niya yung food sa table.


Inirapan ko siya, ang aga aga ang lakas mang-asar.


"Eat." Sabi niya sabay gulo sa buhok kong kakaayos ko lang, how annoying.


"Ikaw? Hindi ka kakain?" Naka kunot ang noo kong tanong sa kaniya, akala ko kasi uupo din siya at sasaluhan ako sa pagkain ng mga niluto niya pero hindi, tumayo lang siya doon habang pinapanood ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AidamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon