"Hello, I'm Ali! Nandyan ba si Clyde?"Ang tagal bago nag process sa utak ko kung sino nga ba itong babaeng magandang nakatayo sa harap ko kaya matagal din bago ako nakasagot.
"Uhm, nagbibihis siya e. Anong kailangan mo?" Kinakabahang tanong ko.
Ngumiti siya sa akin bago magsalita.
"Nothing actually, gusto ko lang siya bisitahin." Mahinhin niyang sabi, "Ikaw ba yung pinsan niya? Si Veronica?" Nakangiti niya pang tanong.
"My name's Aidam. I'm his..." Napatigil ako sandali ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto kung saan nagbihis si Clyde.
"Clyde!" Sabi ni Ali sabay takbo papalapit kay Clyde tsaka niya ito niyakap. Nagulat ako dahil sa ginawa niya.
Parang bigla atang gusto kong pumatay ngayon.
Tiningnan ako ni Clyde habang magkayakap sila ni Ali, hindi ko siya pinansin at pumunta na lang ako sa kusina para ituloy ang pag p-prepare ng ingredients na kakailanganin namin sa pagluluto.
"What are you doing here?" Rinig kong tanong ni Clyde kay Ali.
"Na miss kita e." Yung hinihiwa kong sibuyas ay nag mistulang giniling na sa sobrang pino. Matatadtad ko talaga nang buhay si Clyde.
"Paano mo nalamang dito ako nakatira?" Tanong ulit ni Clyde.
Pumasok silang dalawa sa kusina at kitang kita ko sa kung paano siya tingnan ni Ali, may something talaga.
Lalo akong nainis.
"Sinabi sa'kin ng Mommy mo. Sabi rin niya ipagluto kita ng lunch pero mukhang may plano kayo ni Aidam, so mag dinner nalang tayo later okay?" Napapikit ako nang mariin.
Sino ba talaga 'tong Ali na 'to? And don't tell me sasamahan niya kami ni Clyde dito hanggang mamaya?
"Babe, ipakilala mo naman sa'kin si Aidam nang mas maayos. Gusto ko maging malapit din ako sa mga friends mo." Nahinto ako dahil sa narinig ko. Babe.
Nanlamig ako bigla at napatingin na lang ako kay Clyde, what the heck? Babe?
Bago pa man mag salita si Clyde ay biglang nag alarm ang phone ko, kinuha ko agad yon bago pa nila mapansing alarm lang yun saka ako nagpanggap na may tumawag.
"Excuse lang ah." Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa at lumabas sa kusina.
Hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko, pinaglalaruan lang ba 'ko ni Clyde? 'Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalam sa iba yung samin? Wow. Sobrang galing niya.
Si Ali ba?
Pucha naman.
So totoo ngang gusto siya ni Clyde at siguro hindi lang niya masabi sa akin. Ang tanga ko talaga.Kinuha ko yung bag ko at mabilis na umalis, hindi na ako nag paalam sa sobrang inis. Pagkababa ko ng building bigla na lang may pumatak sa pisngi ko. Umuulan ba?
Mabuti na lang at may taxi na dumaan sa tapat ko kaya sumakay na agad ako dito, pero lalo atang dumami yung patak pagpasok ko sa loob.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya binuksan ko ito.
Si Clyde nag text.
From: Clyde
Where are you?
Gusto ko siyang replyan, gusto ko siya murahin, gusto ko siyang saktan ngayon, gusto ko sa kaniyang ipaalam na nasasaktan din ako, fck. Eto ba talaga yung reason? Pucha ano ako kabit?!
BINABASA MO ANG
Aidam
General FictionI can't ignore Aidam anymore, she's been bugging me for a long time. I know I had to do something and so I wrote her down. - Rie