«Kabanata 1»

26 4 6
                                    

"Aydee, sumama ka na kasi." Nagmamakaawang sabi ni Gio.

"We need you there, hindi mo alam kung gaano ka boring ang gabi without you." Dagdag pa ni Trish at hinila hila pa niya ang gilid ng t-shirt ko. Itong kambal talaga na 'to daig pa ang bata sa pangungulit, sinabi ko ng busy ako this week dahil sa event ng org namin pero ayaw parin nilang paawat.

Tumayo ako para ayusin ang natitirang gamit sa lamesa pero tuloy parin sila sa pagbuntot sa'kin.

"Aydee, please? Tutugtog yung Shirley." Gio said while doing that annoying puppy eyes again. Napairap ako, sobrang kulit talaga nitong si Gio.

"Guys, you know I can't." Inilagay ko ang mga notebooks sa bag ko at tiningnan sila, "Kailangan kong mag focus ngayong week na 'to, ayokong mapahiya tayo sa ibang school ano ba. Tsaka may ibang araw pa naman para sa gig 'wag lang ngayon please?" Sagot ko at automatic na bumagsak ang mga balikat nila habang tinitingnan ako na parang nangongonsensiya, dahan dahang tumalikod si Gio habang naka pout na sinundan naman ni Trish.

"Hmmp. Alis na nga kami." nagtatampo nilang sabi bago pumunta sa may pinto.

Aabutin na dapat ni Trish ang doorknob pero pinigilan siya ni Gio.

"Clyde's going, I'll tell him na ayaw mong sumama. I know you can't say no to Clyde." Mabilis na lumabas si Gio hila hila si Trish bago pa mag sink in sa'kin yung sinabi niya.

"Ugh! Giordinne Mondejar! Mapapatay talaga kita kapag nakita kita bukas!" Inis kong sigaw pero nakaalis na sila.

Kinalma ko nalang ang sarili ko at natulog na, sigurado akong hindi lang si Gio at Trish ang magpapasakit ng ulo ko bukas.

---

Morning came at nakabihis na ako kakain nalang and I'm ready to go, kumuha ako ng sandwich sa basket na dala nila Gio kagabi at fresh milk sa ref.

Maaga pa naman at dahil walking distance lang naman yung North Ridge mula sa tinitirhan ko may time pa ako para mag review para sa lessons mamaya kaya napagdesisyonan kong dumaan muna sa library.

Habang naglalakad ay bigla nalang may umakbay sa'kin.

"Aidam, hindi ka daw pupunta sa gig?" Kunot noong tanong niya.

Umiling ako at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. "Nope, madami akong gagawin e, tsaka mabait kasi ako." Sabi ko sabay ngisi.

Napailing nalang siya at kinuha ang mga dala ko pati narin ang kamay ko saka kami naglakad.

Siya si Clyde, kaibigan ko.

Matangkad, kayumanggi ang kulay ng balat, mapungay ang mga matang kakulay ng abo.

Para siyang greek god, he's perfect.

"Ayaw mo talaga?" Bigla akong napakurap ng magsalita siya ulit, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya.

Umiling ako bilang sagot.

"Inom kami after ayaw mo ba talaga?" Sabi niya habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"Bawal nga Clyde." Sagot ko naman, napasimangot siya bigla at hindi na ulit nagtanong.

Sa ganitong kaaga ay wala pang masyadong tao sa school kaya ganitong oras mas pinipili ni Clyde makipagkita sa'kin.

Hindi naman kami... At kahit gusto kong kami nalang hindi naman pwede, ewan ko ba kung bakit pumayag  akong maging ganito kami. Hindi alam ng mga kaibigan namin lahat ng 'to, basta ang alam nila gusto ko si Clyde.

AidamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon