Alamat Ng Tayo

27 0 0
                                    

       Nang ika'y natagpuan ng aking mga mata,
Biglang nagningning ang mga tala.
Biglang kumislap ang mga bituin,
At ang malamig na gabi, nagkaroon ng apoy na nagpainit ng hangin.

     Teka, teka, sisimulan ko na. Huwag kang magulo. Teka, eto na uumpisahan ko na. Eto, nagsimula ang "tayo" nang nginitian moko at sinabi mong mahal moko. Ako naman tong si baliw, kinilig at umasang totoo. Pero naniwala parin ako kasi sabi mo mahal mo talaga ako at ang saya saya ko!

     Simula nuon, ay gumagala na tayo. Naglalakad sa kalsada na walang pakealam sa mga nagtitinginan na tao. Magkahawak ang kamay, may mga ngiti sa mga labi. Ang saya.

     Ang saya sa pakiramdam na may minamahal at nagmamahal. Halo-halong emosyon sa sitwasyong masyado ng nakakasabog ng damdamin. Sumasabog ang puso sa saya, sumasabog ang utak kakaisip sakanya, at nakakasabog ng mata. Oo haha, tama nakakasabog ng mata kakatitig sakanya. Kapag pinagmasdan mo na ang kanyang mukha mararamdaman mong nasa langit ka. Iisipin mo kung gaano ka kaswerte na nasa iyo siya. Kung paano siya tumatawa kapag nagbibiro ka, hayyy ang sarap. Ang sarap pagmasdan ng mga mata niyang ako lang ang tinitingnan. Ang sarap pagmasdan ng mga labi nyang sing pula ng rosas na lalong nagiging kaakit akit kapag nakita mo siyang ngumiti.

     Sa eskwelahan halos di na kayo mapaghiwalay, kapag uwian lagi mo siyang hinihintay. Sabay kayong uuwi, para siguradong ligtas kayo mula sa panganib ng hapon na malapit nang mag-gabi.

      Sa gabi bago matulog, maguusap saglit na parang hindi tayo nagkasama buong maghapon. Magkuwekwentuhan ng mga bagay na nangyari, magbabahagi ng mga istorya na magpapangiti sa atin bago tayo matulog sa gabi. Ganyang ganyan tayo kasaya sa presensya ng bawat isa.

      Masaya ako sa pinagmulan nating dalawa at malayo layo narin ang ating narating. Napagpasa-pasahan na ng mga ugat ko sa utak ang kwento nating dalawa. Ang alamat kung saan nagumpisa ang "tayo"
     
      Nakakalungkot lang isipin na kailangan ko pang gumawa ng kwento kung pwede naman maging tayo, na kahit pwede naman ay ayaw mo. Sa bawat salita sa kwentong aking binuo, sa kwentong aking ginawa, tagos sa puso mahal. Umaasa akong magkakatotoo lahat ng iyan pero sadyang napakalakas ng enerhiya ng pagtanggi mo. Masyado mo nang sinasaktan ang puso ko, na sa bawat letra na sinusulat ko, pumapatak ang luha ko.

Sa puso kong sobrang bigat na parang may dinadalang bakal, dahil tutal buhat ko naman ang kwento natin. Ang kwento nating nagpapatunay na sa dalawang taong kailanman hindi itatadhana, may pagasa pa kahit papaano. Pag-asang may mabuo, kahit hindi naman tayo, na tinataglay ng isang alamat na hindi naman totoo.
Pero mahal, naniniwala ka bang ang alamat ay isang kathang-isip lamang?
Bawat salita sa kwento ng "tayo" ay inimbento ko lang. Ang Alamat na kung saan tayo ang bida. Sa kung saan nanggaling ang "tayo" dahil sinabi mong mahal mo ako. Pero hindi totoo dahil imposibleng mangyari ang mga bagay na iyan.
     Ang mga salitang bumuo sa kung saan nabuo ang "tayo". Ang galing no? Nang dahil sa isang Alamat, nagkaroon ng "tayo" na kahit kelan hindi naman magiging totoo.

      Sa sobrang bigat kailangan ko na lagyan ng wakas ang ating alamat. Ang masasabi ko lang ay salamat dahil naging parte ka ng kuwento ko na kahit papaano ay nagbigay sigla sa mundo ko na yun nga lang ay hindi totoo.

Pero sa mga huling pahina ng ating kuwento hayaan mo akong lasapin ang bawat segundo habang may "tayo". Mga alaala na nais ko pang itala gamit ang imahinasyon ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging malikhain ang paggawa dito, dahil mahal, kapag tayo ang bida, gusto ko maganda ang daloy ng kwento. Dahil gusto ko, kapag tayo ang bida, lahat perpekto na kahit sa isang alamat lang ay nagkaroon ng tayo.
Isinusulat ko na ang huling pangungusap na maaaring magtapos sa kung anong meron tayo at masasabi kong masaya ako, at paalam na mahal ko, sayo ko iaaalay ang alamat ng 'tayo'.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ito na ang HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon