Tanga

12 0 0
                                    

Nasubukan niyo na bang magpakatanga? Yung tipong sobrang nasasaktan ka na sakanya pero sige kapa din? Wala eh. Mahal mo eh. Ipinagtatabuyan ka na, pero lapit nang lapit ka parin? Bakit ganon no? Sigurado kang mahal na mahal mo siya. Sobra kang magmahal sakanya pero bakit di mo magawang mahalin sarili mo? Lahat ginagawa mo mapasaya mo lang siya kahit di niya naaappreciate pero ang pasayahin ang sarili mo di mo magawa gawa? Kailan darating ung panahong sarili mo naman ang mamahalin mo? Hanggang kailan kang ganyan? Ay mali.. Hanggang kailan akong ganito?

Lunes nanaman. Makikita ko nanaman siya. Masasaktan nanaman ako. Matagal tagal na nung iniwan niya ako pero ang sakit sakit padin. Mahal ko parin siya kahit may bago na siya. Gusto ko parin siyang makasama kahit ayaw niya na. Kung pwede lang sanang i-untog tong ulo ko sa pader nang pagkalakas-lakas para magising sa katotohanang "hindi niya na ako mahal" eh ginawa ko na. Ilang beses ko nang hiniling na sana sa susunod kong pag gising ay hindi na rin kita mahal. Sa bawat pagtulog ko madalas akong minumulto ng mga ala-ala mo. Pasensya na kung hanggang ngayon andito parin ako. Hindi naman kasi ako kasing lakas mo na kaya kahit wala ako. Paano ka ba nakalimot? Paki-turuan mo naman ako oh. Hirap na hirap na ako eh. Kung pwedeng mamatay nalang matuldukan lang ang walang katapusang sakit na to. Pero alam ko.. alam kong ang makakapagpahilom lang nito ay ang pag balik mo. Kahit alam kong malabo. Pasensya na ulit ah? Wag kang mag alala. Hindi ako okay pero magiging okay rin ako dahil kung kaya mo.. kakayanin ko.. kakayanin at kakayanin ko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon