Option

11 0 0
                                    


Kahit masakit.. kahit paulit-ulit. Sayo padin ako masaya.

Tumawag ka sakin at sinagot ko, tinanong mo kung kamusta nako at kumain na ba ako, sabi ko naman okay lang ako at oo. Tinanong kita kung bakit ka napatawag, ang sabi mo "Wala lang, namiss lang kita." na siyang nagbigay ngiti saking mga labi. Pagkatapos ng mahabang kwentuhan natin ay natulog na tayo, "Bukas nalang ulit ha?" sabi mo. Hindi ko alam pero ang saya ng nararamdaman ko. 

Kinabukasan, naghintay ako. Umasa akong tatawag ka ulit. Hanggang sa umabot na nang alas dyes ng gabi, wala paring "ikaw" na tumatawag sakin, o kahit text man lang na hindi ka makakatawag. Namiss kita eh. Napagod narin akong naghintay, kaya itinulog ko nalang. Siguro busy ka lang.

Isang araw ulit ang lumipas.. eto na ang pinakahihintay ko, tumawag ka na at sinagot ko. "Pasensya na, hindi ako nakatawag kahapon." sabi mo, inintindi kita. "Okay lang, sanay naman na akong pinapaasa at pinaghihintay. Hahaha. Joke." pabiro kong sabi. Nagtawanan lang tayong dalawa. 

Tinanong kita kahit hindi dapat tanungin, "May iba kapa bang kausap bukod sakin?", 

"May kaybigan pa akong isa, pero pag tatawag kasi ako sakanya palaging siyang busy ganun." (smirks) hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi mo eh. Akala ko kasi ako lang. Hahaha. Tanga ko. Isang malaking salitang sumampal sa muka ko na nagsasabing "Option ka lang pala. Tanga." 

Pero ayun na eh. Tanga na ako. Kinakausap parin kita. Kahit masakit.. Kahit paulit ulit.. Sayo padin ako masaya..

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon