Taken For Granted

29 0 0
                                    

"Bakit mo kailangang sabihing mahal mo ang isang tao kung hindi naman talaga? Mahirap umasa sa wala pero mas mahirap umasa sa parang meron."

"Hi Patricia. Kamusta ka na?" text mo sa akin. Ayan ka nanaman. Magiging sweet ka nanaman, tapos bukas makalawa, mawawala ka ulit. Sanay na sanay na ako sayo. "Okay lang naman ako Mark. Ikaw, kamusta?" sabi ko, "Okay lang din. Mas sumaya nung nagreply ka. (smile emoticon)" sabi niya. Edi ikaw na dakilang pa-fall. "Bored ka nanaman no? Kaya ka nakaalala? Hahaha." sabi ko, "Uy hindi ah. Namiss lang kita." ako naman si tanga, kinilig sa sinabi mo kahit alam kong pinagtitripan mo lang ako. "Namiss din kita. Hahaha." sabi ko nalang. "Ayie, miss niya din pala ako. May manliligaw kana no?" tanong mo, "Wala no. Ikaw yung huli." sagot ko, "Uy ayos. So pwede na ulit?" tanong mo. Ewan ko ba kung ano talagang trip mo e. Ganyan ka naman. Binabalikan mo lang ako kung kailan mo gusto. "Pwedeng ano?" tanong ko, "Manligaw ulit." sagot mo, "Tapos ano? Papayagan kita, tapos magiging okay tayo, pag tumagal na ulit, bigla ka nalang magiging cold?" sabi ko. Totoo naman kasi. Lagi nalang siyang ganyan. "Hindi na. Last na to promise. Kapag inulit ko pa, kahit wag mo na ko kausapin ulit. Sabi nga nila diba? Kapag mahal mo, babalikan mo." sabi mo, "No, kapag mahal mo, hindi mo iiwan." sabi ko, "Iniwan ba kita? Nandito lang naman ako lagi ah. Ikaw kaya tong nagpapatigil sakin." sabi mo, at nangangatwiran ka pa talaga? "Sinong hindi magpapatigil kung madalas mong binabalewala ung feelings ko sayo." sabi ko, "Sus. Oo na, ako na mali. Lagi naman eh." sabi mo, Oo ikaw naman talaga. Wag mo na sabihin ung halata. Hindi na muna ako nagreply. Nagtext ka ulit, "Uy Pat? Ano na? Sige na naman o?" pagpupumilit mo. Syempre ako naman si tanga. Oo pinayagan kita. Binigyan ulit kita ng chance para saktan ako. Ang tanga tanga ko. Sulitin mo Mark, habang mahal pa kita. Kasi pag ang tanga, natuto, humanda ka.

Naging sweet ka ulit sa akin, napapakilig mo ulit ako. Feeling ko, nagbabago ka na. Kinabukasan nag-date tayo. Ikaw gumastos lahat, nahiya pa nga ako sayo e. Picture dito, picture doon. Ang saya mo talaga kasama. 5 o'clock ng hapon, umuwi na tayo. Hinatid mo ako hanggang kanto namin. Hinalikan mo pa nga ako sa forehead. Kilig na kilig naman ang lola niyo! Hahahaha. Umuwi akong may ngiti sa aking labi. Nagshower ako at dumeretso sa kwarto. Nag-usap tayo through call. Daming kwentuhan kung gaano nag enjoy kanina. Di natin namalayan yung oras 1 o'clock na pala ng madaling araw, "Goodnight Patricia, I love you." sabi mo, "Goodnight. I love you too. (pabulong)" sabi ko, "Ano ano? Paki-lakasan nga?" sabi mo, "I love you." pabulong ko ulit pero rinig mo naman. "Ang sarap sa tenga (chuckles). Sige na sleepwell mahal. Bye." sabi mo, "Bye toot toot toot." sabi ko, sinabi ko talaga yang toot toot toot literal bago ko pinatay. Hahaha. Masaya nanaman akong nakatulog dahil sayo.

Tatlong buwan ka nang nanliligaw, nararamdaman ko nanaman ang biglaan mong paglamig. Hindi kana sweet tulad ng dati. Alam ko naman na mauulit ulit yun. Kaya hindi nalang ako magugulat pag nangyari nga yun. Hanggang sa hindi ka na ulit nagparamdam. Sa galit ko sayo blinock kita sa lahat ng social medias pati number mo. Pinutol ko na lahat ng connections ko sayo. Pero naghihintay padin ako. Since natitiis mo naman ako, I decided to let you go. Kasi naglolokohan nalang naman tayo eh. After a week, kahit papano nakakamiss karin palang hayop ka. Inunblock kita para tignan kung kamusta kana. Pero nasaktan lang ako sa nakita ko. Nagpalit ka na ng profile picture, ang masaklap.. may kasama kang babae. Tapos yung caption mo pa "My Love" mapapamura ka nalang talaga. Napaka-gago mo. Sana pala hindi nalang kita ulit pinagkatiwalaan. Nakita kong In Relationship na pala kayo, yun pa ung same day na blinock kita. Ang husay mo. Napakahusay mong manloko. I'm so done with you, goodluck nalang sayo. Hinayaan nalang kita.

Isang linggo na ring nakakalipas, medyo okay na ako. Tanggap ko na kahit papano pero masakit padin kasi kahit isang sorry wala pa akong naririnig galing sayo. Ipinagpasadiyos ko nalang lahat. Di mo naman kasi ako ininform na pangit pala ang type mo. Hays, charot. Haha. Pero hayaan ko nalang, sabi nga ni Jolibee "Ibigay ang pinaglumaan sa kawawang nangangailangan." Joke lang ulit. Di ako bitter ah (sarcasm) Haha. Habang nagsscroll ako sa fb, biglang may nag pop-up na chat head ng messenger. Nagulat ako kasi nakita ko yung mukha mo hayop ka. "Mahal?" sabi mo, huy saan mo ba nahuhugot yang kapal ng muka mo? "Po?" tanong ko, "Galit kaba sakin?" sabi mo, wow Mark. Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, may gana ka pa talagang tanungin yan? "Si Mark ba to?" tanong ko, "Oo mahal, bakit?" sabi mo. Nagsend nalang ako ng LIKE na sticker. Bahala ka sa buhay mo. "Mangangamusta lang sana ako, pero mukhang galit ka naman kaya sige, paalam na. (frown emoticon)" sabi mo, sineenzone nalang kita. Wala na akong pakielam kung ano sabihin mo, sinira mo ang tiwala ko. Nagchat ka ulit "Miss you. (sad emoticon)", "Wag ako Mark. Tigil tigilan mo ko." sabi ko, "Sorry na please." sabi mo, "Okay, pinapatawad na kita. O ano pang gusto mo?" tanong ko, "Maging tayo." sabi mo, "May girlfriend kana! Tigilan mo ko!" sabi ko, "Mahal mo paba ako?" tanong mo, "Dati oo! Alam mo yan Mark!" sagot ko, "Ang bilis namang mawala kung mahal mo talaga ako." sabi mo, "Tumigil kana! May girlfriend ka na nga diba?!" sabi ko, "Iiwan ko siya, maging tayo lang." sabi mo, "Yeah right. Shut up." sabi ko, "Isang tanong, isang sagot. Gusto mo bang maging tayo?" tanong mo. Sobrang naguguluhan at naiinis na ko sayo. "Stop f*cking with my feelings Mark!" sabi ko, "Di mo nasagot. Kaya nga tinatanong eh. Narealize ko na mahal pa pala kita. (frown emoticon)" sabi mo, yeah right. Here we go again. Don't expect me to believe you. "Sino ba talagang mahal mo?" tanong ko, "Di na mahalaga. Ayaw mo rin naman na." sabi mo, pagkatapos nun sineenzone na ulit kita. Too much lies. Sawang sawa na ako. Natuto nako. Magpaparaya nalang ako. Hindi ko kailangan ng lalaking katulad mo.

Sa buhay, hindi mo kailangang magmadali, kung God's will yan, mangyayari at mangyayari. Balang araw makakahanap karin ng taong para sayo. In the right time, with the right person, for the best reason.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon