CRUSH 1

11 0 0
                                    

Isa sa mga dahilan kung bakit ako pumapasok. Dahilan ng mga ngiti sa mga di inaasahang pagkasalubong. Pagpula ng muka dahil sa kilig na dala. Pero kahit crush lang, nakakasakit rin pala.

September 17, 2016

Naroon ka sa Criminology Department. Napansin kita dahil lagi kang natingin sakin pag napapadaan ako. Nagkasalubong ulit tayo pero this time, nginitian mo ako. Simula nun, nacurious nako sayo. Pinahanap ko ung pangalan mo sa isang kaybigan ko. Dinescribe kita sakanya.. Matangkad.. Moreno.. Malaking mata.. Matangos ang ilong.. Di  ko naman matanggi pero may itsura ka talaga. Sabi ko magsabi lang siya ng name. Sabi niya "Christian Lopez" agad ko tong sinearch sa fb. Nagulat ako. Ikaw nga. Sobrang saya ko nung nakita ko ung account mo. Nagpasalamat ako sa kaybigan ko. Di nako nag alinlangang i-add ka.

Mga dalawang araw pa ang lumipas bago mo ako inaccept. Tinignan ko lang mga picture mo ng biglang aksidente kong napindot ung like! Pero inunlike ko agad. Ilang minuto ang lumipas biglang may nag pop-up na chat head sa messenger. Nagulat ako nung picture mo ang nakita ko!

"Hi! Namumukaan kita." sabi mo.

"Hello. Ah, ganun ba. Ikaw din e."

"Ikaw ung 1st year diba?"

"Oo.."

"Ay! Madalas tayong nagkakatinginan pag nagkakasalubong e. Hahaha."

"Oo nga e. Pansin ko nga."

Hanggang sa kinuha mo ang number ko at dun nagsimula ang lahat.

To be continued..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon