Chapter 2

211 0 0
                                    

Chapter 2:

| Yulica |

Hello Philippines!

After Five years na pag-tira sa States, nandito na ulit ako. Nakaka-miss rin itong Pilipinas.

Nag-simula na akong mag-lakad palabas nitong Airport. Sigurado naman kasi akong walang susundo sa'kin.

Pumara na ako ng Taxi para maka-hanap muna ng matitirhan at ng makapag-pahinga. Nakaka-pagod din mag-byahe.

Nilanghap ko uli' ang hangin bago sumakay sa Taxi.

"Saan po kayo Ma'am?" Tanong ni Manong Driver.

"Sa 'Di Makita City, Nawawala Street po." Sinimulan na n'ya itong paandarin papunta sa lugar na 'yun.

Ano kayang trabaho ang p'wede kong pasukan? Mahirap mag-hanap ng trabaho ngayon, lalo na't hindi pa ako nakakatapos ng College.

"Nandito na po tayo." Sabi ni Manong Driver kaya bumaba na ako. Bumunot ako ng 500 sa wallet ko at iniabot kay Manong.

"Keep the change." Nag-mamadaling sabi ko bago naglakad ng mabilis.

Lakad lang ako ng lakad pero wala akong makitang apartment kaya naisipan kong tumigil muna sa isang Karinderya dahil sobrang nagugutom na ako.

"Ano sa'yo Ineng?" Tanong sa akin ng nag-titinda.

"Sinigang po at tsaka Kanin." Naka-ngiti kong sabi. Tagal ko na rin' hindi natikman 'tong Sinigang eh.

Naghintay muna ako ng ilang saglit bago ibigay sa'kin ng nag-titinda. Natapos ko na ang pagkain, ng may tumabi sa'kin.

Tinignan ko 'yung Lalaki at naka-tingin sa'kin. Problema n'yan? Hindi ko na lang sya pinansin at inabot ko ang bayad sa Ale.

Pero nagulat ako ng mag-salita sya. "Hello Girl. What's your name? Nakakaloka, tinalbog mo pa ang beauty ko." B-bakla?

Dahan dahan kong tinignan ang lalaki na naka-ngiti sa'kin. Ang gwapo pa naman. At tsaka ang FC nya. xD

Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. Malay ko ba kung masama s'yang tao at nag-papanggap lang para holdap-in ang mga gamit ko.

"Ano ka ba girl. I'm not bad naman." Naalala ko tuloy sa kanya si Xhizea, parehas konyo. Hahaha.

At dahil mukha naman' wala s'yang balak, nag-pakilala na ako, "I'm Yulica. And you are?"

"Christian 'pag umaga, Christine 'pag gabi. Charing lang!" Natawa ako sa kanya. Ang arte nya mag-salita.

"Ang ganda mo talaga Girl. P'wedeng palit tayo ng beauty? Kaloka." Mataray na tanong nya pero tinawanan ko lang ulit sya.

"BAKLA! IKAW TALAGANG BAKLA KA, KUNG SAAN SAAN KA PUMUPUNTA!" Napa-tingin kaming dalawa sa sumigaw at nakita namin ang isang babaeng tumatakbo na may hawak pang bola ng basketball at naka-cap pa na pabaligtad. Sa likod naman nya, isang babaeng mataba na nakain at naglalakad rin sa direksyon namin.

"Ano ka ba naman Qretty-Girl. Tignan mo oh, ang dyosa ng kasama ko ditey." Sabay hampas sa kanya ni Christian.

Tinignan ako ng babae na 'yun at nanlaki ang mata. Nilagay nya muna 'yung bola sa gilid nya at tumingin sa'kin. Bigla s'yang yumuko, "Anongsayo!" Bati nya sa'kin.

Binatukan s'ya nung babaeng mataba na kakatapos lang kumain. "Anong Anongsayo?"

"Eh 'yun 'yung sabi sa patalastas eh." Reklamo nung babaeng may hawak ng bola.

"Shunga. Anongangsayo 'yun." Natawa ako sa kanilang dalawa.

"Kakaloka 'tong dalawang 'to. Ka-stress ng beauty. Parehas kayong mali kaya wag na kayong mag-away d'yan." Okay, ako na OP.

"Ahehehe Sorry naman. Mukha kasi s'yang Korean na American eh." Nahihiyang sabi nung nag-sabi ng 'Anongsayo'.

"Ako nga pala si Qretty (Kret-Ti) Ramos. At your service!" At nag-salute pa sya. Mukha s'yang tomboy dahil sa pananamit nya.

"Frexzie (Freks-Zi) Bautista here." Sabi nung mataba.

"Yulica. Yulica Kim ." Hindi ko sinabi ang totoo kong pangalan dahil kilala ang Esteban bilang pinaka-mayaman sa buong Asya. At tsaka Kim is my middle name. Naayos na rin naman ang mga papeles ko. Kim ang gagamitin kong Surname dito sa Philippines.

"Edi Korean ka?" Excited na tanong ni, Uhh--- Qretty?

"Actually, may lahi akong Korean, American, Spanish at Filipino. Kakauwi ko lang din dito kanina galing ng States."

"Talaga? Wow! Just Wow!/ Ang galing naman!" Hangang sabi ni Qretty at Frexzie.

Tinignan nila 'yung maleta sa tabi ko at sa'kin. "Eh saan ka tutuloy Yulica-Girl?" Takang tanong ni Christian/Christine.

"That's my Problem. Wala akong mahanap na tirahan. I need your help, guys." Malungkot na sabi ko sa kanila. Nagkatinginan silang tatlo at ngumiti.

***

"Kaninong bahay 'to?" Nandito kami sa harap ng hindi kalakihang bahay.

"Bahay namin 'yan. At d'yan ka na titira." Nanlaki ang mata ko. Papatirahin nila ako dito?!

"Sure kayo? Nakakahiya naman sa inyo." Nakakahiya naman talaga eh. At tsaka wala pa akong masyadong tiwala sa kanila. Kakakilala lang namin sa isa't-isa kanina.

"Oo naman. At tsaka wala kaming masamang balak sa'yo. Tinutulungan ka lang namin." Naka-ngiting sabi ni Frexzie.

Hinila na ako ni Christine 'daw' papasok sa bahay nila. Mag-bestfriend na pala sila simula nang bata pa sila at pinag-ipunan nila itong bahay na ito. Pinayagan naman daw sila ng Parents nila, kaya no Problem.

Umupo kami sa may sofa nila sa sala. "Ano pa bang problema mo?"

Kung sa school naman, may papasukan na ako, 'yung University na kami ang nag-ma-may ari at isa akong dakilang scholar. -.o

"Hmmmm. Trabaho na lang! Tama, trabaho nga." Nagkatinginan ulit sila at sabay sabay na tumango.

***

100116

Maid For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon